Chapter 25: "Nang makamtan ang sinumpaang pangako!"

258 2 0
                                    

4 years later......

Sa apat na taon may mga nagbago rin sa amin apat. Si Vince, for the first time, ngayon ko lang nakilala ang GF nya na taga-school din namin. Yong mga GF nya kasi dati di nya ipinapakilala sa amin hanggan sa nag-break na sila. Ngayon, dahil sa pangungulit ni Joy, nahuli din namin. Si Joy naman, masayang masaya sa BF nya na lamang ng 2 years ang edad sa kanya. Tapos ng mag aral ang BF nya at may trabaho na. In short, matured na ang BF nya kaya si Joy nahawa na rin sa ka-matyuran ng lalake nya. Pero minsan natutupak parin sa pgka kalog.

At syempre kami ni Rence, habang tumatagal, mas tumatatag, mas tumatamis, at mas lalo akong nagiging spoiled. Kasi naman panay ang alaga nya sa akin.

At ilang linggo na lang Graduation na namin. Busy-bisihan kami lahat sa mga final projects at mga Thesis na nakakabaliw gawin. Kaya halos gabi-gabi na akong nakakauwi ng late ng bahay dahil ginagawa pa namin ng sabay nina Joy ang Thesis sa bahay ni Rence. Malapit lang kasi sa school kaya tipid sa byahe. Minsan nga, nakakatulog ako doon dahil sa pagod, at nawalan na ako ng lakas para tumayo at umuwi pa. Pero tinatawagan naman nya agad ang Mama ko at pinaliwanagan at naintindihan naman ng Mama ko. Ganun na ka powerful ang trust ng magulang ko sa kanya . Pero sa lahat ng mga Gabing iyon na doon ako nakakatulog, ni isang beses, walang nangyari sa amin. Hanggang kissing lang. Ganyan ka gentleman ang Rence ko. Di nya ako pinagsamantalahan kahit tulog ako. Pero mabuti na rin iyon, ayaw ko rin naman ng ganun kasi di ko ma-enjoy ang mala-pandesal nyang abs pag tulog ako. . Hehehehhe.

____________________

" Anong ginagawa natin dito?"- tanong ko nang mapansin ko na nasa labas kami ng Airport.

Sabado kasi. Natapos na namin lahat ng requirements at Thesis sa school. Tapos na rin ang exam. Ang graduation Day na lang ang iniintay namin. Kaya papasyal pasyal nalang kami ngayon. Sinundo nya ako sa bahay kasi may pupuntahan daw kami. Di ko alam na dito pala ang punta namin kaya nagtataka ako kung bakit!

"Hintay ka lang!"- maiksi nyang sagot.

Nakatayo lang kami sa harap ng Arrival Gate na parang may hinihintay kami.

"Andyan na sila!"- sabi nya at lumapit doon sa may Gate!

Dalawang Babae. Niyakap nya. Hinalikan nya sa pisngi ang dalawa. Ang isang babae parang kasing edad ng Mama ko at ang isa naman parang mas bata pa sa kapatid ko.

Naglakad na sila palabas, palapit doon sa kinatatayuan ko. Lumapit sa akin si Rence at inakbayan ako sa balikat.

" Ma, Tin, girlfriend ko si Danica!"-pakilala nya sakin.

Mama at kapatid pala nya iyon. Sa apat na taon kaming magkasama ni Rence, dalawang beses ko lang nakita ang family picture nila. At nasa pitaka nya lang iyon. Wala kasi syang picture na ganun sa Condo nya.

"Hallo Darling!" - bati ng Mama nya na tinitigan muna ako sa mata bago binati. Parang nag aalangan o nagulat ba, di ko alam.

" Hello Po!"- bati ko naman sa Mama nya . Di ko kasi alam kung paano ko siya babatiin! Parang nakakahiya naman kung magmano ako.

"Hello. Po, Ate Dan!"- bati naman ng kapatid nya at lumapit at nag be-beso sa akin.

"Hello!"- nginitian ko sya

Oo nga pala. Ganoon nga pala sa ibang bansa no pag nagbabatian. Beso beso.

Sumakay na kami sa sasakyan. Sa harap ako pinaupo ni Rence, gusto ko sana sa likod na at ang Mama nya na lang sa harapan. Pero sabi ni Rence hindi daw umuupo ang Mama nya sa harap dahil may takot daw ito na umupo sa harap, may bad experience daw. Ewan ko, di ko na inusisa kasi baka marinig pa kami ng Mama nya.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now