Chapter 7: "Our first love letter!"

455 4 0
                                    

"Hwuuaaaaaayyyyyy" sabay takip ng mukha

"Anong nangyari sayo? Di ka ba nakatulog? -joy. Sabay kaming nglakad patungo sa klase.

"Oo eh. Umaatake na naman ang Insomnia ko!" Sabi ko. Pagpasok namin sa room. Tumungo agad kami sa pwesto namin.

"Oy..Ano to? Dan oh!" Turo ni joy sa isang bagay sa ibabaw ng armchair ko. .

Isang sobre. At naka address { To (icon)} icon lang ang nakasulat at walang pangalan.

"Para kanino ba yan?"- joy

" Diko alam! Icon lng naman nakasulat eh. Baka sa ibang klase to kanina naiwan lng."- sabi ko kay joy at inilapag ko lng sa armchair ko ang sobre. Dahil na-busy kami ni joy sa sobre, hindi namin napansin ang pagpasok ng iba naming kaklase.

"Ang bango! Mmmmm...ang sarap kainin!" Kinuha ni joy ang sobre at inaamoy amoy.

"Sige nga kainin mo nga hehehhehe.." Sabi ko kay Joy na inamoy ko din. Mabango nga naman. Espesyal na sobre kasi sya. Katulad nung mga ginamit sa mga love letter.

"Sino kaya may ari nito no? Babae o lalaki?" tanong ni joy na pilit sinisilip kung ano laman sa loob.

"Syempre babae! Alangan naman lalaki. Pwera lang kung bakla. "sabi ko.

"Malay mo!"- joy

" Wala pa ata akong kakilala na lalaki gumagamit ng ganyang sobre. Tingnan mo oh, bulaklakin ang design. Eh kung galing sa straight na lalaki iyan, eh di sana yung manly ang design diba. Sure ako galing sa babae yan. Siguro lalaki ang nakaupo dito kanina then binigay yan ng gf nya at naiwan nya."- sabi ko

"Or baka naman sinadya yang iwan ng boy kasi ayaw nya, baka galing yan sa admirer nya na di nya gusto, diba?"-joy

"Pwede rin."- sabi ko

Nag umpisa na ang klase pero si joy di pa rin mapakali. Kuha-balik kuha-balik pa rin nya ang sobre sa armchair ko. Kanina pa nya gusto malaman ang laman.

"Dan buksan natin! Isarado lang natin ulit mamaya pagkatapos, may dala naman akong paste eh. Sige na!" pangungulit ni joy na parang bata

" Huwag Joy private property yan."-sabi ko.

"Sige na. Ako bahala. Di naman malalaman ng may ari na tayo ang ngbukas eh!"- kinuha ni joy at dahan dahan nyang binuksan. Naiintriga na rin kasi ako kaya umuo na rin ako sa kanya.

{I think, I stole your first kiss!}....... Ang nakasulat sa papel sa loob ng sobre.

Napatitig ako sa papel. Parang may iba akong naramdaman.

"Hala! Hehehe... May scandal ata na ngyayari ah...hehehehe. Ang tanga tanga nung may ari nito,naiwan nya, ayan tuloy may dalawang tao nakaalam ng scandal nya..hehehe..."-sabi ni joy na tahimik na tumatawa.

Parang may naramdaman ako na parang may koneksiyon ako sa sulat.

" Baka sa susunod nito, ang nakasulat na Thank you for losing your virginity with me hehehe." sabi ni joy na humahalikhik. Napatingin ako ky Joy na nakakunot ang noo. Tumingin din siya sakin.

"O bakit? Baka lang naman! Dan kung tama hinala mo, kung babae may ari nito, ibig sabihin siya ang unang ng initiate ng kiss? Hehehhe. Grabe! Girl power nato!..Sino kaya yong never-been-kissed na yon...hehehhe."sabi ni joy na sinirado pabalik ang sobre ng paste.

"JOYYyY!"- suway ko sa kanya

" Dan sa lunes agahan natin dito ha baka maabutan natin yung nakaupo dito before sa klase natin. Naiintriga ako eh kung sino yon."joy

Napaisip ako. Parang kinakabahan ako. Parang may koneksyon talaga sa akin. Parang may pinaghihinalaan ako. Kinuha ko ky Joy ang sobre at tiningnan ang icon na nakasulat at pilit inintindi ang ibig sabihin. At may napansin ako. Ang nakasulat dalawang capital letter D na magkatalikod in a windsong fontstyle at may hugis puso sa gitna....Kinabahan ako parang totoo ang kutob ko. Lumingon ako sa likod at nakita ko syang tumingin sa akin ng seryoso. Binaling ko agad sa sobre ang tingin. Sa kanya nga siguro galing. Tinago ko sa bag agad ang sobre nang di napansin ni joy.

Natapos ang klase.

"Dan, daan muna sa C.R. ha bago umuwi."-joy

"OK."-sabi ko. Lumingon ako sa likod pero wala na sya, siguro umuwi na rin. Pumunta kami sa 2nd floor para mg c.r., puno kasi sa masyado sa baba.

" Joy hintayin nalang kita dito ha!"- ng hintay ako ky Joy sa labas ng pintuan ng C.R..May bumaba na lalaki sa hagdan papunta doon sa C.R.. Bakit kaya andito pa tong lalaki na to. Tatanungin ko kaya to. Sabi ko sa sarili ko at nang malapit na sya..

"Hoy lalake, ano yung sinulat mo ha?"- sininghalan ko sya.

" Anong sabi mong bakla ako ha?" - sagot naman nya. Nakaharap sya ng malapit na malapit sa akin. Nagkatinginan kami sa mata.

"Bakla? Wala akong sinabing b....." - napahinto ako sa pagsasalita. Oo nga pala nasabi ko nga pala na bakla ang may ari ng card dahil sa bulaklakin na sobre.

"Sinong bakla, ha? Halikan kita dito sa maraming tao eh!" Inis nyang sabi at palipat ang tingin nya sa mata at sa labi ko na parang nagbabanta. Sinimangutan ko sya, sasagot na sana ako ng biglang lumabas si Joy.

"Oohoohhh..."- ang nasabi lng ni Joy nabigla ng makita kami ganun kalapit sa isat isa. Hinila ko si Joy at bago pa kami lumayo ng kunti...

"BAKLA!"- sigaw ko sa kanya at hinawakan ko si Joy at tumakbo kami ng mabilis pababa ng hagdan.

"PANGITTT"- ang ng iisang salita na narunig ko lng sa kanya habang papalayo kami

"Danny, sandali, dahan-dahan lang baka madapa tayo."- angal ni joy

Nakalabas na kami ng building at sumakay agad kami ng jeep para di na kami maabotan.

"Ano bang nangyari Dan? At saka bat ang lapit nyo kanina sa isat isa? Kuntin tulak ko lang baka mgkahalikan na kayo non eh! May issue ba kayo?"-sunod-sunod na tanong ni joy kahit hinihingal pa.

Di ko kayang masagot si Joy kaya binaliwala ko mga tanong nya.

"Hoy, nakikinig ka ba? Ano?"- joy

"Wala! Baliw lang yon!" ang tanging sinabi ko at tumahimik naman din sya.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now