Chapter 18: "RAINY NIGHT!"

297 3 0
                                    

Sinundan ko si Joy sa canteen. Nakita ko sya at umupo ako sa tabi nya.

"Oi Danny! Ano na?"- tanong nya habnag kumakain

"Wala!"- sabi ko habang kumukuha sa pagkain nya

"Sabi ko na nga ba e tama ang hinala ko?!"-joy

"Hmm..." -wala akong sinagot

"Ay mukhang uulan ata o ang dilim ng langit!"- sabi nya at sabay naming tiningnan ang bintana.

" Aayyyy...Bakit ngayon pa wala pa naman akong dalang payong!"- sabi nya na nag alala.

"Ako din. Hayaan mo na. Maligo na lang tayo sa ulan. Hehehehehe!"- pabiro kung sabi sa kanya

Maya-maya pa kumulog at lumakas ang hangin.

"Joy halika na! Uwi nalang tayo bago pa buamagsak ang ulan. Kundi, mahihirapan tayong sumakay ng jeep nito.!" -yaya ko kay Joy at lumabas kami ng canteen.

Ngunit bago paman kami makalabas ng gate, biglang bumagsak ang ulan. Kaya sumilong muna kami sa gilid malapit sa Guard's house. Hinintay naming humina ng kunti ang ulan saka kami tumakbo palabas ng gate. Nang patawid na sana kami may itim na sasakyan na humarang sa amin. Napahinto kami ni Joy. Tiningnan namin at bumukas ang bintana sa frontseat.

"Sakay na kayo!"- sigaw nya. Si Darrence.

Nagkatinginan kami ni Joy.

"Halika na Danny! Sakay na tayo. Basang-basa na tayo o!"-sabi ni joy saka binuksan nya agad ang pintuan sa likod at pumasok.

Binuksan ko nalang din pintuan sa harap at pumasok.

"Hatid ko na kayo sa inyo ha!"-sabi ni Darrence

"Salamat klasmeyt!"- sabi ni joy sa likod namin.

Sandali din ang katahimikan sa loob.

"Mag-isa ka lang? Asan si Vince!?"- nagsalita ako nang mapangsing mag isa lang sya.

"May pupuntahan daw."- sagot nya

"A! Ganun ba!"- sabi ko. Nakatingin ako sa bintana pinagmamasdan ang nadadaanan at napansin kong lumingon sya sa akin.

Ilang sandali pa.

"Danica may tumatawag ata sayo!"-sabi nya.

Tumunog pala ang phone ko na diko napansin. Tiningnan ko ang phone.

{CALLING: MAMA}

"Hello! Ma?"-sagot ko sa phone

[Saan ka na? Malakas din ba ulan dyan?Nkasakay ka na?] -tanong ni mama sa kabilang linya

"O Ma.Pauwi na ako. Ihahatid kami ni Darrence yong klasmeyt ko. Malapit na kami. "-sabi ko

[A..okay] - Mama

Tapos binaba na rin ni Mama ang phone nang malamang pauwi na kami. Hinatid namin si Joy saka kami nagpatuloy papunta sa amin. Dumating na kami sa bahay. Nakita ko si Mama naghihintay sa may pintuan ng bahay namin. Inhinto ni Darrence ang kotse nya sa harap ng bahay namin.

"Sandali lang ha wag ka munang bumaba!"- utos nya. May kinuha syang payong sa gilid ng upuan nya at bumaba, umikot doon sa pintuan ko.

"Baba ka na.!"- utos nya nang binuksan nya ang pintuan ko at pinayongan nya ako papasok sa bahay.

"Magandang Gabi Po!"- bati nya sa Mama ko na naghihintay sa pintuan.

"Magandang Gabi naman!"-bati din ng Mama ko. Nagmano lang ako nang ..

""Salamat sa paghatid sa anak ko ha!"-sabi ni Mama

"Walang anuman po!"- magalang nyang sagot.

"Basang-basa ka o. Pumasok ka muna.!"- sabi ng Mama ko at bumalik sa loob ng bahay.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now