Chapter 14: "You're my 911"

351 2 0
                                    

1 Text message receive

Sender: Joy

[ Dan dito na ako sa may terminal ng tricycle ha. Asan ka na?]

________________________________________________

1 text message send

Receiver: Joy

[OK. ]
________________________________________________

Sa halos 3 buwan kaming mgkasama ni Joy, last week ko lang binigay sa kanya ang mobile number ko. Alam nya at naintindihan naman nya ang rason ko. Sinabihan pa nga nya akong ang wirdo ko daw, kasi ako lang daw ata ang ng iisang tao sa mundo na walang hilig sa cellphone. Minsan nga lang daw ako mgreply sa txt, tintipid ko pa daw ang letter. Hehehhe.

Sa susunod na dalawang araw,opening na ng Intrams namin at iyon din ang araw na mg co-compete kami sa cheering. Kaya naman ngayon ang final practice namin. Sa Sunrise beach namin gagawin ang final practice dahil sa may malawak silang ground doon. At para narin pagkatapos ng praktice may handa kaming kunting salo salo sa tabi ng dagat para makapag relax bago ang kompetisyon.

" Joy!"- tawag ko ky Joy nang makita ko sya sa tabi ng tricycle.

"Dali Dan. Sakay na tayo nito. Baka ma-late pa tayo. " -sabi ni joy. At sumakay kami sa tricycle papunta doon sa Sunrise Beach.

Nandoon na lahat ng kasama namin. May dinaanan pa akong utos ni Mama kaya muntik na kaming ma-late ni Joy.

Nag umpisa na kami sa practice.

-_________________________________________________________

Ilang oras nang matapos na rin kami sa -practice.

"Okay Guys! Last round nato! Ibigay nyo ang best nyo ha. After nito, pahinga na. Naghihintay na doon ang pagkain. Ang magkakamali sa last round na to, di makakatanggap ng pagkain. Hehehehe...ok guys goodluck!"-sabi ng trainer na may pabiro sa huli.

Tumunog na ang music at ng umpisa na kami. 15 mins natapos din kami at walang ngkakamali kaya lahat kami makakakain. Takot lang ng iba na magkamali, ang sarap kaya ng mga pagkain nakahanda sa mesa .

Natapos na kami ni Joy sa pagkain. Namasyal muna kami ni Joy sa ibang parte ng Beach para kumuha ng larawan. May camera kasi ang phone ni Joy kaya iyon ang gamit namin. Isang ordinaryong model na walang camera lang kasi ang phone ko. Yung phone na ipinahiram ni Darrence, maganda sana ang kuha ng cam kaso diko iyon pinapakita sa iba at lalo ng hindi pa alam ni Joy ang tungkol doon. May nakita kami ni Joy na isang Groto at napapaligiran ng maraming malalaking bato.

"Joy piktyur tayo diyan oh. Ang ganda ng view. " -tinuro ko kay Joy ang groto.

Bago ka makapunta doon sa Groto, dadaanan mo pa ang mga malalaking bato.

At kanya kanya kami ng solo at may selfie pa na kaming dalawa.

"Joy, baka hinanap na nila tayo. Balik na tayo doon. " -yaya ko kay Joy na ng eenjoy sa selfie nya.

"Ok. Tara!"-sabi ni joy.

Nauna si Joy bumaba sa akin. Humawak pa kasi ako doon sa taas ng Groto sa Mama Mary na istatwa doon kaya medyo mas naa taas ako kesa sa pwesto ni Joy.

"AAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYY......"- napaSigaw ko, nang natapilok ako at naipit ang kaliwa kong paa sa bato at natumba

" DANNNNNYYYYY....." -napasigaw din si Joy at lumapit ng mabilis sa akin.

"Hoy! Napano ka? Saan ang masakit? Ang ulo mo? Nauntog ba sa bato? Ano? Sumagot ka!" -walang tigil na tanong ni Joy na natatakot sa nakita nyang posisyon ko.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now