Chapter 19: "First Morning together!"

274 3 0
                                    

"THEEEEKKK..."- bumukas ang pintuan ng kwarto.

"Hi!"-bati nya nang lumabas sya sa kwarto at pinuntahan ako sa dining.

"O! Halika na! Almusal na tayo, may duty pa ako. Baka ma late ako." -tawag ko sa kanya tapos kong tiningnan ang orasan.

" Gandang Umaga po Tita!"- bati nya sa Mama ng dumating ito mula sa kusina na may inilatag na pagkain sa mesa.

"O, gising ka na pala! Sige na! Kumain na kayo hijo! Ito oh! Bagong luto pa itong ginisang ampalaya! Kumakain ka ba nyan? Paborito yan ni Danny e!"- sabi ni Papa na iniabot sa kanya ang pagkain.

"Opo! Paborito ko rin po iyan!!"

Umupo sya at ng umpisa na ring kumain.

"Sandali a! Itimpla kita ng kape!"- tumayo ako at ginawan sya ng kape.

Pagkatapos kaming kumain, ng offer sya na ihatid ako sa work. Maganda na ang araw at hindi na umuulan. Mukhang nakaalis na ang bagyo.

Dumating na kami sa harap ng pinagtratrabahuan ko. Gusto pa sana nyang bumaba para buksan ako ng pinto pero ako na ang humindi dahil ayokong makita ng mga kasamahan ko. Baka makilala pa sya. Nung una kasi syang pumunta doon, halos di na sya tigilan ng mga kasamahan ko sa pagtitig. Nagpaalam ako sa kanya.

" Salamat sa paghatid kagabi at paghatid ngayon ha! Mauna na ako!"-sabi ko.

"Sandali!"- pahabol nya.

"Bakit?" -tumingin ako sa kanya

" Finals mamaya! Wag kang mawawala!" -sabi nya.

Tumango lang ako at umalis. narinig ko na rin ang papaalis nyang sasakyan.

_____________________________________________________________________

Tulad ng inaasahan, punong puno ang gym at wala ng maupoan. Last game na kasi ito at fighting for champion ang team nila vs Commerce Dept. Wala na kaming makitang upoan ni Joy kaya nakatayo nalang kami malapit sa area kung saan nakapwesto ang team nila sa baba.

Tumayo na ang mga players at mag uumpisa na ang game. Una kong nakita si Vince at sumunod sa kanya si Darrence. Humarap sa banda namin si Darrence mukhang hinahanap kami.

"DARRENCE!"- tinawag sya ni. Joy at kinawayan .

Nakita nya na kami, ngumiti at kumaway sya pabalik.

Mainit ang labanan nila. Magkalapit ang mga puntos. Lamang ng 1 puntos ang kalaban. Sampung segundo nalang ang natitira, Randam ng lahat ang tensyon sa loob ng court. Halos lahat nakatutok kung aling team ang huling makaka-shoot ng bola. Bago pa naubos ang 1 segundo, lalong umingay ang boung gym sa katitili ng mga girls. Nakuha ni Darrence ang puntos at sila ang tinanghalang nagwagi. Nagtalonan at nagsisigawan sa saya ang buong team nila Darrence pati ang ibang estudyante sa department namin. Naglulundagan din kami ni Joy sa tuwa. Napalingon ako nang sumigaw si Darrence:

"THANK YOU MY PRINCESS!"- sigaw nya.

Nginitian ko sya. Napatingin din sa akin ang mga estudyante na nakarinig.

"Ang sweeeeett!" -kinikilig na sabi ni Joy

Nagsilabasan na amg mga estudyante sa Gym at sumunod na rin kami ni Joy nang tinawag kami nila Darrence at Vince at sumabay sa amin palabas.

"CONGRATZ MGA KLASMEYT!" - bati ni joy sa kanila.

"THANK YOU!" -sabay sumagot si Darrence at Vince

"Vince, libre naman dyan. !"- sabi ni joy ky Vince

"Sige tara! Saan nyo gusto?"- vince

"Kahit saan basta masarap!"- sagot ni joy. Nauna silang naglakad sa amin ni Darrence.

"Nakatulog kaba ng maayos kagabi?"- tanong ko ky Darrence

"Oo. Sarap ng tulog ko. "-Darrence

"Buti naman!"-sabi ko

"Di mo ba ako i co-congratz?"- darrence

"Di na! Kinong-gratz ka na ni Joy e!"-sabi ko. Kumot ang noo nya.

"Sige na nga! congratz!"- sabi ko at nagkangitian kaming dalawa.

___________________________________________________

Kumain kami sa isang Chinese Resto na may buffet at teppanyaki. First time pa naming nakapunta ni Joy doon kaya masyado kaming na -amaze sa lugar at sa mga pagkain. Napansin ni Darrence na hindi ako pamilyar sa mga pagkain na nandoon kaya siya ang kumukuha ng pagkain para sa akin. Inalalayan din ni Vince si Joy.

Ilang sandali pa, may dumating na pagkain sa mesa namin. May pinapaluto pala siya sa akin. Ibat ibang klase ng seafoods. Mga malalaking hipon din. Kinuha nya ang mga shrimps doon at nilagay sa isa pang plato at binabalatan tapos binigay sakin.

"May alaga ata silang langgam dito!"- sabi ni Joy habang kumakain.

"Ha? Kinagat ka?"- tanong namn ni Vince na mukhang naniniwala ky Joy

"Malapit na! Nasa harap ko lang kasi ang sweet!"-at tinuro kami ni Joy

Tumawa lang kami ni darrence sa kanya.

_____________________________________________________

Lumabas na kami. Gusto sana kaming ihatid ni Joy nila darren at Vince pero ako na rin ang tumanggi. Namimilit pa sana sila pero nakikiusap naman ako kaya hinatid nalang kami sa terminal ng jeep.

"Vince salamat sa libre ha!"- sabi ko ky vince

" Welcome!"- ngumiti si Vince

"Vince! Sa uulitin!"- joy

"Oo Joy sa susunod na Intrams!"- sagot ni Vince kay. Joy at nagtatawanan sila.

"Salamat din ha!"-tiningnan ko si Darrence. "Ingat sa byahe!"-pahabol ko

At sumakay na kami ni Joy sa jeep. Nakita ko pang suminyas si Darrence na 'call u later' bago pa kami makalayo at tumango lang ako.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now