Chapter 33: " Welcome to the outside World!"

261 4 0
                                    

" Mare! Good luck sa Operation mo ha! Excited na ako!"- sabi ni joy

Ngayon ang schedule ng CS OP ko. Umalalay pa rin sa akin si Joy. Kumuha din sya ng leave para sa week na ito. Buti rin pumayag ang Ob ko na samahan ako ng Mama ko sa loob ng OP room kaya nakaready na rin ang camera nya request ng mga best ninong at ninang ng kambal ko na pipiktyuran agad paglabas ng mga babies.

"Thanks Mare! "-sabi ko kay Joy

Hindi ko alam kong ilang oras ako sa OP. Nagising nalang ako na nasa private room na ako. Unang-una kong nakita pagka gising ko ang maraming pink and blue balloons at sa gilid ng kama ko ang napakagandang bouquet ng bulaklak. Una kong narinig ang iyak ng bata. Lumingon ako sa kabila banda.

"Baby Boy gising na pala si Mommy!"- sabi ng isang lalake na karga ang isang baby.

Lumapit ito sa akin. Nagulat ako ng makita ang mukha ng lalake.

" Vince? Andito ka?"-bati ko sa kanya.

"Surprise!! Congratz Mare!"- bati ni Vince habang sinasayaw ang baby na hawak nya.

"Salamat!"-natutuwa ako

Lumapit sa tabi ko si vince at inilapit ang baby sa akin.

"Baby boy meet your beautiful Mommy!"-sabi Ni Vince

"Hello Baby!"-hinawakan ko ang baby at hinalikan.

"Sandali kunin ko rin si Baby Girl!"-kinuha ni Vince si baby Girl at nilagay sa kabila ko.

"Ang ganda nila no! Tig-iisa sila ng kamukha." -napatigil ako sa sinabi ni Vince. Tumingin sya sa akin

"Kumusta ang pakiramdam mo? Gutom ka ba? Ipaghahanda kita ng pagkain!"- binago ni vince ang topic nang nahalata nyang natahimik ako sa huli nyang nasabi.

"Salamat! Bat ikaw lang nandito? Saan ba sila?"-tanong ko sa kanya nang napansin kong kami lang pala nandoon.

"Umalis lang sila sandali ni Tita. Pauwi na rin yon!"-sagot ni. Vince.

Umiyak ng sabay ang dalawang bata. Kinuha ni Vince si Baby Boy at kinarga ko naman si baby girl. Tumabi sa akin si Vince sa kama. Biglang bumukas ang pinto nang may pumasok.

"Wow! Parang Family portrait ah!"-bungad ni joy ng pumasok sya at nakita kami sa posisyon namin at tinitigan kami.

"Alam nyo! Bagay din kayo! Sandali ha!"-phabol na sabi ni Joy at may kinuha sa bag nya.

"Papiktyur nga!"-walang paalam na piniktyuran kami ni Joy.

"Joy! Di pwede yan a!"-saway ko kay Joy

"Oo nga. Joy. Tanggalin mo ang Flash, bawal sa mga bata!"-saway naman ni Vince na natawa lang at gusto din naman

"Hehehe..akin na nga si Baby. Girl!"- sabi ni joy at lumapit sa akin pagkatapos nya kaming pinik-tyuran

"Joy maghugas ka muna ng kamay tapos mag alcohol ka!"-saway ni Vince sa kanya.

"Ang arte naman ng Ninong nato! Makahugas na nga!"-sagot ni Joy at tinawanan namin.

"Joy saan si Mama?"-tanong ko kay. Joy

"Nasa pharmacy sa baba. May binili lang. Susunod din yon sila. "-sagot ni Joy

Bumukas ang pinto at may pumasok.

Nagulat ako ng makita ang pumasok.

"Pa?"-tawag ko

Pumasok kasama ni mama si papa.

Lumapit sa akin si Papa at niyakap lang ako. Naiiyak nang makita ang papa ko na maluluha din.

"Kelan lang kayo dumating?"-tanong ko

"Ngayon lang. Sinundo ako ngayon lang nila Joy! Kumusta na pakiramdam mo?"-tanong lang ni Papa

"Okay na naman po!"-sagot ko lang at nilapit ni Vince sa kanya si Baby Boy

Masayang kinarga nila Mama at Papa ang kambal. At si Joy walang tigil ang pagkuha ngmga larawan sa aming lahat.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now