Chapter 24: "This I promise You!"

243 1 0
                                    

Kahapon ay ang pinaka masaya kong kaarawan sa buong buhay ko. Ayaw ko naman kasi ng mga handaan kaya di ako nagpapahanda sa birthday ko. Pero nang dahil kay Rence, nabago iyon. At nag-succeed pa sya na gawing pinaka-maganda ang araw na iyon kaya ngayon malaki ang utang ko sa kanya.

Kaya tutuparin ko ang usapan namin kahapon na ibibigay ko ang buong araw ko sa kanya ngayon. Papunta ako ngayon sa kanya di na ako nagpasundo, kawawa kasi, ilang days nilang pinlano ang debut ko, sigurado wala siyang masyadong tulog lagi. Gusto ko syang sorpresahin, ipaghanda ng almusal at ipag luto mamaya ng tanghalian at ang hapunan sa labas na lang.

"DINGGGGGGG....." - ng doorbell ako sa pinto nya.

Maya maya binuksan din nya. Bumukas sa akin ang gwapo kong Si Rence na kahit wala pang suklay at hilamos, ang gwapo pa rin. Kahit maglakad ito sa Mall na ganun ang hitsura, siguradong maglalaway pa rin ang mga kababaihan.
Mas lalo syang gumwapo sa pangingin ko na makita syang naka pyjama at white Tshirt lang..madalas kasi naka black shirt sya kaya minsan ko lng syang nakitang nakaputi. Sabi nya mas gusto nya Black shirt pag nasa labas sya dahil di daw madali makita ang dumi pag nadumihan sya at pag nasa bahay sya, gusto nya white shirt lang. Kaya di pa rin ako sanay na nakaputi sya.

"Good Morning My Loverboy!"- maaga kong bati sa kanya at hinalikan agad sya sa labi kahit nasa may pintuan pa lang kami.

"MMMM,,lika,,,sa..M...M.. Sa loob..." Pilit niyang sinabi nang di pa rin ako bumitaw sa paghalik sa kanya at hinila nya ako papasok at sinirado ang pinto.

Patuloy parin kami sa paghahalikan sa loob ng pintuan. Binaba ko ang mga dala ko at niyakap sya ng mahigpit. Para akong uhaw na uhaw sa mga yakap nya na kahapon ko pa gustong gawin. Hinawakan nya ang mukha ko ng dalawa nya palad at tapos binaba ang isang kamay sa may likod ko at hinila ako at idinikit ng mahigpit na mahigpit sa katawan nya.

"M..m..m. Sandali...m..m..mm..Renceee!"- tawag ko sa kanya nang tumigil ako.

"..n..bakit?"-tanong nya nang tumigil din sya pero patuloy parin sya pagkayakap.

"Mag agahan ka muna! Galing kapa ata sa tulog o! Mag ayos ka muna doon, ihahanda ko lamg ang dala ko. May dala akong litsong paksiwwwww?"- sabi ko sa kanya..nang nakawala ako sa yakap nya ..paborito kasi nya ang litsong paksiw,kaya alam kong magmamadali syang mag ayos para doon sa paksiw.

"Di pa ako gutom!"- sabi nya at hinila ulit ako

"Ha? Litsong paksiw to! Sigurado ka ba?"- tanong ko na nagtataka

"Mas masarap ang halik mo, kaya hayaan mo muna yan dya!"- sabi nya sabay kinuha ang tupperware na may litson paksiw at inilagay sa mesa. Tapos niyakap ulit ako at gusto pang ipagpatuloy ang halikan.

"Rence!sandali! Sandali lang!" sabi ko na umiwas ako sa kanya.

Napatingin sya sa kin na parang napahiya.

Hinawakan ko ang mukha nya

" Mag ayos ka muna doon, promise pagkatapos nating mag agahan. Ha!? Gutom na rin ako oh, sige ka, walang lakas ang lips ko pag di ako makakain!"- sabi ko na pabiro at natawa sya at umalis narin sya para mag ayos.

Pagkatapos namin mag agahan, umupo kami doon sa sala sa may sahig at nagsalang ng isang Dvd sa player. About sa Teen-Romance ang film na yon kaya nakaka relate kami.

Nakaupo kami sa sahig. Nakasandal ako sa balikat nya. Ang isang kamay naman nya nasa leeg ko banda at hinihimas-himas ang mukha ko habang ang isang kamay hawak-hawak ang isa kong kamay.

Maya -maya napalingon ako ng may napansin akong malamig sa daliri ko. May isinuot syang singsing. Isinuot nya iyon sa gitnang daliri ko.

Napatingin ako sa singsing at tapos sa kanya.

"Mahal, ngayon. nasa legal age kana, kahit anong araw mula ngayon, pwede na kitang pakasalan, pero siyempre diko pa gagawin yon, dahil may ipinangako ako sa mga magulang mo, at tutuparin ko yon dahil iyon lang ang kapalit na hinihingi nila sa akin sa blessing na binigay sa relasyon natin. Pero sa ngayon, tanggapin mo muna sana itong singsing simbolo ng pangako na ikaw lang ang babaeng pakakasalan ko...at ako lang ang lalaking pakakasalan mo!"- sabi nya nang humarap sya sa akin saka pinakita ang pangalawang singsing, katerno ng isinuot nya sa akin.

Tumingin ako sa kanya, na di ako makapaniwala sa mga sinasabi nya at sa mga singsing na nakita ko. Di ko namalayan tumulo na pala ang mga luha ko. At nayakap ko sya.

"Mahal na mahal kita Rence. Mahal na mahal kita. At di ako makikipag relasyon sayo kung maglalaro lang din ako. At wala na akong maisip pa na ibang lalaki na gusto kong makasama habang buhay kundi ikaw lang! Oo naman tatangapin ko ito!"-sabi ko sa kanya sa mga mata nya. Matagal ko syang tinitigan sa mata na maluluha na rin.

At kinuha ko ang katernong singsing at sinuot sa kanya.

"At ikaw din. Wala kang ibang pakakasalan ibang babae kundi ako lang ha,,kundi,,susugud talaga ako at mag iiskandalo sa kasal mo!"-sabi ko sa knya tapos kung isout sa kanya ang singsing at tumawa sya.

" Salamat Mahal! Salamat ! Mahal na mahal na mahal kita!"-niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan ng matamis sa labi.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now