Chapter 20: "Temptation"

293 2 0
                                    

This week is the bussiest week for this semester. Deadline ng mga projects, signing of clearance at magdamagang review para sa final exam. Mula last week na kaming di nakagala ni Joy before class, dahil lagi din siyang busy. Sa bakanteng oras na iyon sila nagtatagpo ng partner nya sa project para gawin ito. Ang sa amin naman ni Darrence, inako na nya ang project mag isa, dahil wala nadaw akong matitirang time para sa sarili ko pag gagawin ko pa. Marami din naman daw syang oras para gawin iyon. Nagtatawagan lang kami sa gabi kung may itatanong sya, pinipiktyuran at pinapakita din naman nya sa akin. Ipinagkatiwala ko na sa kanya kasi magaling naman talaga sya. Nagtiwala rin ako sa pangako nyang amin ang magiging pinakamaganda sa lahat.

Nakalimutan komg sabihin, ang project pala namin ay isang modelo ng bahay o gusali na gusto naming gawin pag magiging Engineer na kami at dapat may Architectural design sa loob, parang dollhouse kung baga.

In 2 days, deadline na ng project na yon at excited na rin akong makita yon sa personal.

" Joy tapos na kayo sa project nyo?"- tanong ko kay Joy nang magtagpo na kami sa school.

"Mamaya, baka matapos na namin kaya mamaya pala baka di ako makasabay sayo pauwi ha. Tataposin na namin yon mamaya para makapag review na ako ng maayos sa exam."- joy

"O. Okay lang Joy. Walang problema!"- sabi ko

" Sa inyo? Tapos na?"- tanong ni joy

"Di ko pa alam! Tatanungin ko pa mamaya!"-sabi ko

"Ang swerte mo naman. La kanang alalahanin. Pero sa bagay, buti na rin yon, ang dami mo nang ginagawa e. Baka wala ka nang time matulog pag gagawa ka pa sa project nyo. Baka lalo ka pang papayat nyan. Heheheh!"- joy

Natigil kami sa pag uusap ng pumasok si Darrence kasama si Vince.
Lumapit sila sa kinauupuan namin ni Joy.

"Kumusta na ang project?"- tanong ko kay Darrence

"Malapit na! Mamaya ipa -finalize ko na."- darrence

" A! Okay! Tulungan na kita! " - sabi ko

" Huwag na. Gagabihin ka pauwi. "- darrence

" Magpapaalam lang ako sa Mama ko. " sabi ko

"Gusto mo talaga?"-Darrence

"Oo. Project ko din yon. Gusto ko namang may maambag na pagod doon."-sabi ko

"Sige na nga! Pahiram nga ng phone mo!"- sabi nya. Inabot ang phone sa kanya at may tiningnan lang saglit at ibinalik din pagkatapos.

_________________________________________________________________________

After ng secong period ko, sinalubong ako ni Joy sa labas ng pintuan.

" Danny! Good news!"-bungad nya

" Joy?"- sabi ko .

"Wala daw tayong klase sa next period at sa last. Pede na tayong umuwi. Yeheeeeeyy...!"-Joy.

"Sigurado ka ba?"- tanong ko na nagulat pero natuwa rin.

" Danica!"- si Darrence. Naglalakad papunta sa amin ni joy.

"La dawng klase mamaya! Tara!"- Darrence

"At saan kayo pupunta ha?"- tanong ni Joy na nakataas ang kilay.

"Tutulongan ko sya sa project Joy.! Ano bang iniisip mo?"- sabi ko kay Joy

"A.Wala. Nagtatanong lang."- Sagot ni Joy na nakangisi pa.

"Ikaw? Puntahan mo nalang kaya yong partner mo baka pede syang mag absent na lang pra matapos nyo sa inyo!"- sabi ko

" Mabuti pa nga pra makauwi ako ng maaga. Sige na! Alis na kayo! Enjoooooyyyy!"- tuksong sabi ni joy.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now