Chapter 37: " Let it out!"

327 2 2
                                    

****************DARRENCE'S POV**************

Flashback 2 days ago:

Kalalapag lang ng eroplano na sinasakyan ko.

"Good Morning Sir!"-bati ng company driver namin na sinundo ako sa airport.

"Good Morning! Thank you!"-bati ko nang kinuha nya sa akin bagahi na dala ko.

Naglakad kami papuntang parking lot nang may napansin akong babae. Pamilyar sa akin kahit naka-side view lang sya. Niyakap sya ng isang lalake at naglakad palabas. Sinundan ko pero diko na sya nakita.

________________________

Posible kayang siya yung nakita ko sa airport.?

Tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko. Mula ng makita ko sya kanina, di na ako mapakali. Halo-halo ang nararamdaman ko. Takot, inis sa sarili, pangungulila, galit, at iba pa. Diko na tinapos ang event at umuwi na ako ng bahay. Nagkulong ako sa kwarto. Binuksan ko ang drawer at may kinuha akong larawan. Larawan ni Danica.

"Danica! Hanggang kelan ba kita kayang saktan?! Patawrin mo ako! Patawarin mo ako! Huhuhuhu!"- di ko napigilang umiyak habang tinitingnan ang litrato nya. Niyakap ko ito.

________________________________________________________________________

*******************DANICA's POV*******************

Nagising ako nang sumikat ang araw sa harap namin. Nakapark pala na nakaharap sa dagat ang auto ni Vince..tumingin akon sa relo ko...6am na . Tumingin ako sa kaliwa ko, nakatulog rin si Vince.

Lumabas ako ng sasakyan at pumunta sa tabing dagat. Nagmumuni-muni.

Di ko mapigilang di maisip ang nangyari kagabi sa event. Bigla na ring tumulo ang luha ko nang diko sinasadya.

"Danny?"- tawag ni Vince. Dali dali kong pinunasan ng kamay ko ang mata ko. Tsst

" oi! Gising ka na pala?!"-bati ko sa kanya na di ako tumingin.

Lumapit sya sa tabi ko at umupo.

"May naiwan pa bang luha?"-tanong nya.

"Maalat lang yong hangin, masakit sa mata."- sabi ko

"Tss.. Palusot ka pa?"-Vince

"Last na to!"-sabi ko

"Okay lang umiyak Dan!"-Vince

Ngumiti lng ako kay Vince habang pinunasan ang mga mata ko. Matagal din kaming tahimik.

" Halos 5 taon. Halos 5 taon ko syang nakasama. Akala ko sapat na iyon para makilala mo ang isang tao. Na makita kung gaano ka nya kamahal. Na magtiwala na kahit anung mangyari di ka nya kayang saktan. Pero pagkatapos lang ng ilang araw na magkalayo ko, mababago pala nun ang lahat na pinagsamahan nyo sa limang taon. Limang taon na saya na binigay nya sa akin at limang taon ng lungkot at puno sakit pa ang sumunod. Pagkatapos ng sampung taon na iyon, kumampi pa rin ang puso ko sa unang limang taon na iyon kahit ganito na kadurog ang puso ko sa lahat ng sakit. ..Gusto kong makalimutan ang lahat...ang lahat ng sakit na iyon...at kasabay noon ang lahat na masasayang araw naming dalawa noon...gusto kong mabura sya sa buhay ko. ."- tuloy parin ang pagtulo ng mga luha...

Tahimik lang si Vince at nakikinig lng sa mga sinasabi ko. Pagkatapos ay sabay nakatitig sa magandang dagat sa harap namin.

Ilang minuto din kami sa katahimikan na iyon.
Naputol lang ang katahimikan na iyon nang..

BBRRRRTRTPTTPP....
nang tumunog ang tiyan ko.. Nagkatinginan kami ni Vince

" Hehe halika ka na. Ngprotesta na mga bituka mo!"- tukso ni Vince at pinasok nya ako sa kotse.

Umalis kami ni Vince at pumunta sa isang restaurant kung saan ng se-serve ng breakfast.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now