Chapter 31: "New Hopes!"

281 1 0
                                    

***********JOY'S POV**********

"Danny, tumayo kana. May niluto akong tinolang manok. Kumain ka na at ng makakain na rin si Baby dyan sa tyan mo. "-tawag ko kay Danny na nakahiga pa sa kama.

Ilang araw nang laging nasa kama si Danny. Fina-yl ko sya ng leave sa work, kasi mas malala ang morning sickness nya nitong mga nakaraang araw. Halos wala rin sya laging ganang kumain. At gabi-gabi ko pa rin sya naririnig na umiiyak.

" Dan, ilang araw ka nang ganyan. Nakakasama na yan sa katawan mo at sa baby. Dan, Di ba dapat magsaya tayo dahil magkaka-baby ka na. Blessing yan. At saka Dan di mo naman dapat alalahanin ang pagpapalaki e kasi maganda ang work mo. May sarili ka ng pera. Kaya mong buhayin ang baby mo kahit.. Kahi..."- napigilan ako sa sasabihin ko, ."At saka ang sarap ng may baby. Pag uwi mo galing work, may susundo sayo sa pintuan at sisigaw ng MOMMY. Diba ang sarap pakinggan non? Dapat masaya ka magkaka baby na kayo ni Rence?"-sabi ko kay Danny.

Tiningnan ako ni Danny ng matagal at ngumiti sya.

" Salamat Joy!"-sabi nya lang at niyakap ako.

" Dan, sa totoo lang di mo naman kailangan ng lalake sa buhay mo para palakihin ang baby mo e. Kung anuman ang nangyari sa inyo ni Rence, isantabi mo nalang muna yon pwede? Kasi mas importante ngayon ang baby. Kaya, magpakalakas ka, inumin mo ang mga vitamins, at kumain ka ng mga masusustansya. Okay!?" -sabi ko kay Danny at tumango lng sya.

Sa ilang araw kong pangungulit kay Danny, sa wakas natauhan rin sya at nakinig sa mga payo ko. Naging maayos na ang pagbubuntis ni Danny. Wala na rin syang masyadong morning sickness at hindi na rin sya masyadong napipihikan sa mga pagkain. At in 2 weeks excited na kami para sa first Ultrasound check up nya. Pumapasok na rin si Danny sa work.

_____________________________________

" Joy, pwede mo kong samahan mamaya?"- tawag ako ni Danny

"Saan?"- tinanong ko sya

" Sa NSO. Kukuha ako ng kopya ng marriage cert namin ni Rence. Para paglabas ng baby, mapangalan agad sa kanya. Yon daw kasi ang kailangan e! Para madala ng baby ang apelyido nya. At saka habang di pa malaki ang tiyan ko, aasikasohin ko na lahat ng papers para ma ready na lahat. "-paliwanag nya

"Okay! Sasamahan kita!"-sagot ko.

Pagkatapos ng lunchbreak namin. Sinamahan ko si Danny sa NSO.

"Maam, pasensya po. Pero talag pong walang naka record na marriage sa name na binigay nyo !Ilang beses ko na pong inulit pero wala po talaga e."Sabi ng nasa ng NSO

"Miss hindi pwede yon baka ngkamali ka lang ng pindot dyan. Or yung date na nilagay mo. Paki check naman ulit oh! Di maari yon kasi Judge ang nagkasal non e! Please!"- sabi ni Danny

"Maam, sorry po pero talagang wala eh, tin-ry ko na ang after at before the date po pero wala po talagang naka register e! Pasensya na po Maaam!"-

"Hindi! Joy, diba andoon ka din. Diba totoo yun? Joy!"-halos maiyak si Danny. Niyakap ko sya.

Ilang beses din namin kinulit ang NSO clerk pero wala silang makita at maibigay na Marrige Cert. Sa amin.

Nanghihina si. Danny sa kaiiyak. Kaya diniretso ko na sya sa bahay para makapahinga.

"Dan, inumin mo na ang gamot mo o."-inabot ko kay Danny ang gamot nya.

Mula kanina nang umalis kami sa NSO hanggan ngayon sa bahay, di pa rin umiimik si Danny. Kung kanina sa harap ng. Officer ng NSO, naghihina na sya sa kasisigaw. Pero ngayon Di sya nagsasalita. Iyak lang sya ng iyak. At doon ako mas natatakot sa kanya dahil sya di sya nagsasabi kong ano ang nararamdaman nya.

My Heart belongs to a Civil EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon