" SHOUT OUT LOUD"

275 2 0
                                    

"Mads?! Ano ba ang nagyari?!"-pabalik-balik na tanong ni Vince na diko pa rin masagot.

Nakatingin lang ako sa may bintana ng kotse habang nagmamaneho sya.

Ang dami kong iniisip at diko na alam kong ano pa ang iniisip ko sa dami nila.

Di ko namalayan kung ilang oras na kaming nagbabyahe. Para akong nawala sa mundo ng ilang oras. Para akong tulog na nakamulat ang mata.

At nagising lang ako ng bin-reak ni Vince ang sasakyan ng pabigla.

Napansin ko ang paligid. Ang dilim.

"Nasaan tayo? Anong nangyari?"-pagtataka kong tanong sa kanya

""Anong nangyari? Kanina ko pa tinatanong sa yo yan ah!!"-sabi nya

Lumabas si Vince ng sasakyan at binuksan ang pintuan sa banda ko.

"Halika! Bumaba ka!"- hinila ako ni Vince palabas

"Bakit ba? Saan ba talaga tayo?"-tanong ko ulit

"Sa tabi ng dagat. Dito, walang tao. Walang makakarinig sa yo. Sige ilabas mo na yan. Lahat lahat ng dinadamdam mo!"-utos nya na seryosong seryoso

" Vince?!"-sabi ko

"Madz alam kong may nangyari sa yo. Ilabas mo yan. Wag mong piliting itago yan. Dahil baka bigla yang sasabog, marami ang maapektuhan. Hanggat presko pa, ilabas mo na para di na mag ugat dyan sa dibdib mo. Iiyak mo. Isigaw mo. Wala naman ibang tao dito e kundi tayo lang. Ako lang ang makakarinig. "-sabi ni Vince

"Vinceeee,,,,huhuhu!"- at diko na nga mapigilan pa na umiyak.
Tumalikod ako. At humarap sa dagat.

"GAGO KA! ANG TANGA TANGA KO! HU..HUHU..ANG TANGA TANGA KO! NAGPALOKO AKO SA YO! HUHUHu! SA DAMI NG LALAKI SA MUNDO BAT IKAW PA ANG MINAHAL KO!!huhuu GAGO KA!MAY PASECRET SECRET MARRIAGE KA PANG NALALAMAN HA! NAPAKA MANLOLOKO MO huhuhuhu NGAYON IKAKASAL KA! MAGSAMA KAYONG DALAWA! Huhuhuhu...GAGO KA GAGO KA. GAGO KAAAA,,,huhuhu"- sigaw ko. di ko napigilang umiyak at ilabas lahat ng sakit.

Niyakap ako ni Vince at di parin ako mapatahan.

Walang kahit salita na sinabi si vince. Sinandal lang nya ako sa dibdib nya at hinimas  ang likod ko habang umiyak .

Matagal tagal din bago tumahan.

"Gago sya, ang ganda ganda pa ng pinalit nya sa akin. Pwes! Mas gwapo din sa kanya ang ipapalit ko sa kanya. At iimbitahin ko pa silang dalawa ng wife-to-be nya sa kasal ko. Gago sya! Ang gago gago  nya.!"-sabi ko nang nakaupo na kami ni vince sa tabi ng dagat habang tinitignan ang buwan.

Tymingin ako kay Vince, tinawanan pala nya ako ng lihim habang ngsasalita ko.

"Bakit ka tumatawa? Sa tingin mo nagbibiro ako?Sa tingin mo di ako makakahanap ng mas gwapo sa kanya? Marami pa ang mas gwapo sa kanya no, sa kanya lang ako nabaliw noong araw kaya sya ang gwapo para sa akin non! Kung tutuusin mas gwapo ka pa sa kanya e! Tanga lang din talaga ako noon!"-sabi ko habang nakatitig sa buwan habang patzloy na tumutulo ang luha sa mga mata ko.

Napansin kong tumingin si Vince sa akin at seryoso.

"Tanga nga!"- sabi niya

"Ha? Sinong tanga?"-tanong ko

"Si Darrence! Ang tanga-tanga nya. At pinakawalan ka pa nya. "-sabi nya

Di ako nakasagot. Tiningnan ko sya, napaka seryoso nya,di ako sanay. Kaya siniko ko sya.

"Pero salamat Padz ha! Paano nalang kung di mo ko sinamahan dito sa New York! Kahit mula noong unang bese na nagka-breakdown ako, dinadamayan mo lagi ako at tinutulongan na makarecover. Pati sa kambal lagi kang nandyan. Ang laki ng utang na loob ko sayo Padz!"-sabi ko kay Vince. Humawak ako sa kamay nya sumandal sa balikat nya.

"Sos. Dinadamay mo pa ako sa Drama mo jan. Bilang kaibigan mo, katulad ni Joy, mahal din kita. Kaya nasasaktan din ako pag nakikita kitang nahihirapan at nasasaktan. At saka nagi-guilty din kasi ako Madz. Feeling ko kasi may kasalanan din ako sayo!"-sabi ni vince

Kumiwalas ako sa pagkasandal kay Vince nag marinig iyon

"Anong ibig momg sabihin Padz?"-

"Feeling ko kasi isa ako sa may kasalanan kung bakit nangyayari sa yo ito!"

"Padz? Di ko maintindihan! Please linawin mo!"-sabi ko

"Bago pa kami pumunta ng Pilipinas ni Rence para mag aral. Alam na namin pareho na naka set na ang parents ni Rence sa kanya ng Fix Marriage. Isa iyon sa mga rason ng malaking alitan nila ng Papa nya. Dahil ayaw pumayag ni Rence. Noong malilit pa kami, napakalapit ni Rence sa Papa nya, mahal na mahal nya ang Papa nya. Pero nung lumago ng lumago ang Business nila, ng umpisa tin ng rebelde si Rence sa kanila dahil sa kakulangan na ng oras ng Papa nila sa knila. Lagi itong nasa ibang Bansa para sa negosyo at si Rence at ang kapatid nya, laging naiiwan sa yaya nila. Kaya noong natapos na kami ng highschool, sinet si Rence ng Papa nya ng fIx marriage sa isang anak ng ka-business partner ng Papa nya. Si Rose Alonzo. 13 years old pa kasi nung time na yon si Rose kaya di pa pwedeng ikasal. Umayaw si Rence
kaya siya lumayo at pumunta ng Pilipinas para doon mag aral. Best friend ko na si Rence mula Day care palang. Nakita ko kung paano sinira ni Rence ang buhay nya nong ngrebelde sya, kaya nung ginusto nya  na umalis at pumunta ng Pilipinas, sinuportahan ko sya. Sinamahan ko sya. Dahil gusto kong makasiguro na mabalik sa ayos ang buhay nya na sinira nya noon. Bago mag graduation nung College,   Muling nag usap si Rence at Papa nya sa phone. Iyon ang muling pag uusap nila mula ng umalis si Rence sa kanila. At sabi lang sakin ni Rence non, na sabi daw ng Papa nya, tuloy pa rin ang Fixed Marriage nila. Kaya nga di sya umuwi  noon kasabay ko. Tumawag  ulit ang Papa nya at minamadali syang pabalikin  sa States, kaya nya naisipan  na magpakasal ng secret sa yo, ang alam ko lang, ang sabi nya sa akin, pakakasalan ka nya bago sya babalik ng States kaya bilang kaibigan nya, umuwi ako at ipinakita ang suporta ko sa kanya, sa inyong dalawa.Pero diko na alam ang nga nangyari pagkatapos non. Di ko na rin sya mahagilap pag umuuwi ako sa LA.. Umiiwas na rin na makipag communicate sa akin si Rence at di ko alam kong bakit. Sa iyo ko na nga lang din nalaman na dalawang araw lang pala kayong ng-co-communicate at tapos nawala na. "-kwento ni Vince

"Bakit mo sinasabi sakin lahat to Vince?"-tanong ko

"Sinabi ko lang sayo lahat ang alam ko. Kasi hindi ko alam kung saan ako doon nagkasala sayo. At isa pa, alam ko rin na kasama si Rence doon sa Event nyo kanina. Noong sin-end mo sakin ang info ng events nyo, nalaman kong kasama ang Company nina Rence kaya nga sa area lang ako ng park. Dahil alam kong magkikita kayo. Iniisip ko baka kailangan mo agad ng rescue ko. "-sabi ni Vince

Naguguluhan pa rin ako pero Natawa nalang ako sa huling nasabi ni Vince..

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now