Chapter 22: "Happy first monthsary!"

280 2 0
                                    

Starting na ng klase para sa 2nd Semester. Bagong Subject at bagong klase na naman ang kilalanin. At katulad ng dinasal ko sa Diyos lagi, nanatili pa rin ako sa Dean's list at nanatili pa ring nasa taas ang grades ko. Kailangan kong panatilihing nasa taas ang grades ko dahil yon lang ang kapalit ng pagpayag nila Mama at Papa sa relasyon namin ni Rence. Gusto nila si Rence dahil magalang nga ito at vibes-na-vibes nya ang mga kuya ko. Nung Sem break namin halos araw araw sya sa bahay kaya mas nakilala sya ng Pamilya ko. Masayang masaya din sa amin si Joy. At binati narin kami ni Vince.

Katulad nang ginusto namin, sabay at pareho ang mga subjects na kinuha namin. Magkasabay parin kami sa ibang subject ni joy at Vince.

Araw- araw kaming magkasabay pumasok at hinahatid din nya ako lagi pauwi. Minsan kasabay niya si Vince sa paghatid. Binibiro nga kami ni joy kung di pa ba kami ngsasawa sa mga mukha namin.

Ngayon, mas komportable na kami sa isat isa. Di na ako naiilang na akbayan nya at hawakan ang mga kamay ko. Minsan pa nga ako nauunang humawak sa kamay nya. Kahit mag iisang buwan palang kaming magkasama, pakiramdam ko, naging dependent na ako sa kanya. Kasi naman, pag may mga bagay na kailangan kong gawin, lagi syang sumusuporta, at minsan pa nga siya na ang sasalo. Pati sa pamilya ko. Minsan pa nga, nung kinakailnganan ng Papa ko na pumunta sa kabilang bayan para kumuha ng stocks para sa tindahan, siya pa nag offer na ipagmaneho ito. Minsan nga din, nung iniwan ng isa kong Kuya ang mga pamangkin ko sa bahay dahil walang mgbabantay, siya pa ang nag aasikaso at ngbantay sa mga ito. Kaya ganun siya kagusto ng Pamilya ko. Iyon ang mga ugaling di ko na-expect sa kanya nung una ko syang makilala. Ang taong dati kong inakala na walang modo at bastos, ay may mas magandang puso pala.

Pina-request nya ako ng day off ngayon sa work, dahil may pupuntahan daw kami. Kailangan daw nya ang tulong ko. Iyon lang ang unang beses na humingi sya ng favor sa akin kaya pumayag ako.

Sinundo nya ako. Pumunta kami sa isang lugar na pamilyar sa akin. Iyon ang lugar kung saan lagi kaming dinadala doon ng mga magulang namin tuwing araw ng pasko. Doon may isang simbahan na nasa ibabaw ng burol. Pinaniniwalan kasi na ang simbahan na yon ay milagroso. At naniniwala ang Mama ko doon kaya lagi syang pumupunta doon pag nahihinaan sya ng loob, at pag nakabalik na daw sya galing doon, gumagaan daw lagi ang loob nya.

Doon ako dinala ni Rence. Pumunta kami sa isang puting Kapilya doon. Nauna syang nglakad sa akin. Tinitingnan ko lang sya. Umupo sya at nag umpisa ng magdasal. Sumunod ako at ngdasal din. Nang tumayo sya, pumunta sya sa harap ng istatwa ni Mama Mary at hinawakan ito at pinikit ang mga mata nya at nagdasal ulit. Sumunod din ako. Tinititigan ko sya. Di ako makapaniwalang ganoon pala ang paniniwala nya. Na may paka relihiyoso pala sya sa loob nya. At na ku-curious din ako kung ano ang pinagdadasal nya, dahil ilang minuto din syang nakapikit ang ngdadasal na malalim. Bigla sya lumingon sa akin at bigla kung binaling ang tingin sa ko sa harap ko.

Nang natapos kami doon, pumunta kami sa kabilang bahagi sa may park . Tanaw namin ang buong downtown.

" Wow! Ang ganda!"-sabi nya habang tinatanaw ang buong lugar.

"Ngayon kapa nakapunta dito?"- tanong ko sa kanya

"Oo. Ngayon pa lang. Totoo ngang nakagaan ng pakiramdam ang lugar na to!"- sabi nya habang minamasdan pa rin ang tanawin.

"Oo nga!mmmm... Ang sarap ng hangin. " sabi ko at ini enjoy ang sarap ng hangin.

"Tara!"- yaya nya at hinila ako paalis papunta sa sasakyan.

Sa loob ng sasakyan, tinatanong ko sya.

"Rence, sabi mo unang beses mo pang nakapunta doon? Buti alam mo ang daan papunta doon?"-tanong ko habang ngmamaneho sya.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now