Chapter 15: "The last 7 words" last night

305 1 0
                                    

"Ano? Sigurado kabang kaya mo?"- tanong nya ng inalalayan ako sa paglalakad.

"Oo nga! Di na sya masyadong masakit!"- sagot ko.

Paalis na kami ng condo nya. Naglakad kami patungo sa parking lot kung saan naka park ang kotse nya. Hindi na ako ngpapakarga sa likod nya kasi kaya ko naman maglakad at mas mabuti narin ang paa ko at di na masyadong masakit tulad kanina. Silang dalawa ni Vince ang mghahatid sa amin ni Joy. Pero ngayon, umayaw na ako sa front seat. Doon ako sa likod katabi ni Joy umupo at silang dalawa ni Vince sa harap.

Nakatira si Joy sa Brgy San Juan. Mula doon mga 8 kilometro pa ang babyahiin papunta sa Brgy namin. Naunang nahatid si Joy. At ako na ng iisang umupo sa likod. Sa Brgy namin, maraming maliit na lilikoing kalsada na papasukan kada sitio.

Pero nagtaka ako, diko naman sinabi sa kanila kung saan liliko at saang sitio ang bahay namin. Di rin sila nagtatanong kung saan dadaan. Pero parang alam nila kung saan. Tahimik lng ako at pinagmamasdan sila. Si Vince halatang di pa nakapunta doon kasi patingin tingin sya sa paligid na parang naninibago. Pero si Darrence, kalma lang at parang pamilyar sa dadaanan nya. Malapit na kami sa bahay. Hindi pa rin ako kumibo. Pero bigla sya doon sa harap ng bahay namin huminto. Hindi ako kumilos. Hinintay kong may sasabihin sya.

"Dito na tayo?"-tanong ni Vince sa kanya.

Ngkatinginan lang kaming dalawa ni Darrence.

Pinatay nya ang makina ng kotse at bumaba.

Bumaba rin si Vince at binuksan ako ng pintuan.

Inalalayan ako ni Darrence papasok sa gate ng bahay. Sumunod sa amin si Vince.

Biglang bumukas ang pinto ng bahay namin at lumabas ang kuya ko.

Napakunot noo sya ng makita na dalawang lalake ang kasama ko.

"Gandang Gabi Po!"-bati ni Darrence.

"Gandang GabiPo!" -bati ni Vince.

"Gandang Gabi din!"- bumati naman din ang kuya ko.

Pumasok kami sa loob. Nakita namin nasa dining area ang Mama at Papa ko. Kakatapos lang nilang nghapunan.

"Gandang Gabi Po!" -bati ni Vince at dArrence.

"Ma, Pa mga kaklase ko!"- tawag ko sa kanila. Tumayo sila papunta sa amin.

"Gandang Gabi naman!" -bati ng Papa ko.

"Napano ka Danny?"- tanong ni mama nang mapansin ang paglalakad ko.

"Natapilok lang ako sa praktis! Pero okay na to ma, ginamot nitong klasmeyt ko. Hinatid lang nila ako dito para di mapano sa daan. Kasama ko din naman kanina si Joy." -paliwanang ko kay mama at tinuro si Darrence.

"Kain muna kayo!"-yaya ni mama sa kanila.

"Hindi na po! Salamat po!"-Darrence& Vince

"Hinatid lang po namin si Danica! Mauna na po kami!" -paalam ni Darrence.

"O sige. Baka gabihin pa kayo masyado sa daan. Salamat mga hijo! Balik kayo dito sa susunod yung mas maagaag para makagkwentohan tayo.! " -sabi ni Papa

"Okay po!"- magalang na sagot ni Darrence

Lumabas na sila pabalik sa kotse. Hinatid sila ng Papa ko palabas.

"Sige Po!"- pahabol na paalam ni Vince at pareho silang kumaway.

"Ingat sa byahe!"-papa

Nakaalis na sila at ngpaalam na rin ako sa Mama at Papa na pumasok na sa kwarto.

Pagkalipas ng isang oras nang pahiga na ako, Tumunog ang phone. Ang phone ni Darrence.

""Hello?" -sagot ko

["Nagising ba kita?"- Darrence]

"Hindi pa ako nakatulog.Nakauwi na kayo?"

[Oo. Kakarating lang namin ]

"Ah okay. Salamat sa paghatid ha! Bakit ka nga pala napatawag?"

[Welcome! Wala, a-ano lang, nangungumusta lang.]

" Ah! Akala ko may idea ka sa project."

[hehehe...wala..di ako maka isip ng maayos ngayon!]

" Ha? Bakit naman? May problema ba?"

[Pinakaba mo kasi ako kanina ng husto. ]

Naspeechless ako.

[Sa susunod, mag ingat ka naman!]

"Bakit nga pala kayo nandoon sa Beach kanina?"- tanong ko para ibahin ang usapan.

[A...E....Wala lang. Naisipan lang naming pumunta.]

"Ah ganun ba. Okay!"-

[ Gusto lang kitang makita. ]

"Ha?Ano yon?"

[ Wala!]

"Okay!"

Natahimik pareho ang magkabilang linya ng ilang segundo.

"A...re...."

[ Daa...]

Nagkasabay kami magsalita.

"Ano yon?"

[ A..may sasabihin ka? Sige! Ikaw na mauna!]

"Ano lang. Aa.mmm..Rence salamat sa pag alaga mo sa paa ko kanina ha.. "

Hindi sya nakasagot.

"Hello! Rence andyan ka pa?"

[Oo dito pa ako]

"Akala ko pinatayan mo na ako ng phone eh!"

[ Bakit naman! Kung pede nga lang buong gabi kitang kausap eh!]

Ako naman ang na speechless.

[ Masaya lang ako first time mo akong tinawag ng ganyan sa pangalan ko.]

[Salamat din ha]

"Para saan?"

[ Dahil nakausap kita na hindi konektado sa project natin. ]

Speechless.

[Tulog ka na?]

"Di pa."

[Akala ko tinulogan mo na ako. Di ka kasi sumasagot. ]

"Naubusan lang ako ng sasabihin."

[Sige na! Pahinga ka na! Alam ko pagod na pagod ka ngayong araw. Sinong di mapapagod doon sa kakikimbot mo kanina. ]

"ANONG IBIG MONG SABIHIN?"

[ Wala! Magaling ka palang sumayaw!]

"Ha? Nakita nyo ang praktis namin?"

[heheheheheheh...bat ka mahihiya? Makikita ko din naman yon sa Intrams. Hehehhee]

Tumatawa pa rin sya. Sa tuwing okay ang pag uusap namin lagi nya talaga akong iinisin sa huli.

". Sigena! Tulog na ako! Goodnight!"

[ Sige! Goodnight! See you in my dreams MY PRINCESS!]

Pagkatapos noon nawala na ang nasa kabilang linya.

See you in my dreams..my princess. Ang huling salita na di mawalawa sa utak ko. Ilang oras akong nakahiga ng dilat dahil sa sa last 7 words na yon. Ano kaya ang ibig nyang sabihin? Bakit ganito kalakas ang heartbeat ko?

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now