Chapter 27: "Yes I Do!"

285 1 0
                                    

Months later......,....

Natanggap na namin ni Rence ang License namin at ngtratrabaho na kami ngayon. Iisang kompanya lang ang pinagtratrabahuan namin kaya magksama pa rin kami. Tinutukso na nga kami ngmga kaptid ko kung di pa ba kami ngsasawa sa mga mukha namin, lagi nalang daw kaming magkasama. Pero masaya kami e. Mas masaya kami pag magkasama kami.

" Anong meron bat ka nagyayang mg swimming? At tayong dalawa lang?"-tanong ko sa kanya nang dumating kami sa isang Beach sa isang Isla malayo-layo din sa amin.

Pinagpaalam nya ako sa mga magulang ko na mg si-swimming kami kasama ng mga ibang friends namin kaya pumayag sila. Mas malaki na ang tiwala nila ngayon kay Rence, dahil ilang beses na rin na-prove ni Rence sa kanila iyon.

"Di naman natin Anniversary or Monthsary! Anong meron?"-tanong ko sa kanya at kinikiliti sya sa beywang habang nglalakad.
.
"Gusto ko lang makasama ka ngayong gabi at bukas."- sabi nya habang niyayakap ako at hinahaplos haplos ang mukha ko.

"Sus!"-nakasabjt ang mga kamay ko sa leeg nya

Medyo madilim na nang makarating kami doon, malayo-layo pa kasi ang binyahe namin papunta doon. Pagdating agad namin, hinatid lang namin sa kwarto ang gamit namin at dumeretso na sa Restaurant para maghapunan.

Pagkatapos namin maghapunan, niyaya ko syang ikutin ang dalampasigan. Pinagmamasdan ko ang paligid.

Ang linis at ang ganda. Wala kasing masyadong tao kaya tahimik. Pinanuod namin ang buwan na napaka bilog.

"Mahal na mahal kita Danica!"-bulong nya sa tenga ko nang niyakap niya ako habang nakatalikod ako

" Alam ko at mahal na mahal din kita Rence!"-sagot ko naman.

Hinawakan nya ang balikat ko at Pinaharap ako sa kanya. Tiningnan nya ako sa mata.

"May sasabihin ako sayo!"- sabi nya

"Ano yon?"-sagot ko naman

Tumingin lang sya. .

"Ano nga yon?"-tanong ko ulit nang tumigil syasa pagsasalita

"Kailangan kong bumalik sa States sa Sabado."-sabi nya.

Nabigla ako sa sinabi nya at natahimik ako.

"Mahal?"- tawag nya sa akin ng natahimik ako.

"O. Sa sabado na agad? Tatlong araw nalang iyon ah!"-sabi ko. Gusto nang mahulog ng mga luha ko pero pinipigilan ko.

"Oo..Tumawag si Papa sakin kanina. Kailangan ko nang tumulong sa kompanya. "- paliwanang nya.

Tiningnan ko lang sya kasi wala na akong maisip pang sasabihin sa kanya. Ayaw ko namang guluhin ang isip nya. Kailangan nya ng suporta ko kaya iyon ang ipapakita ko.

Maya maya bumitiw ang isang kamay nya sa pagkakahawak sa kin ang may kinuha sa bulsa ng pantalon nya. Iniharap nya sa akin ang maliit na pulang Box. Tapos binuksan nya ito at lumuhod sa harapan ko.

"Mahal! Alam mong mahal na mahal kita! At pangarap kong pakasalan ka sa harap ng lahat ng mga mahal natin sa buhay at bigyan ka ng pinakamagandang kasal na matagal mong pinangarap. Pero dahil sa mga bagay at pangyayari na diko pa maipaliwanag ngayon, papayag kaba na magpakasal sa akin ng lihim? Magpakasal sa harap lang ng isang abogado at dalawang malapit na kaibigan? Maging asawa ko ng lihim na tayong lima lang muna ang nakakaalam? Papayag ka ba Danica Dizon?"-sabi ni Rence na nakaluhod sa harapan ko hawak ang maliit na pulang box na may dalawang singsing sa loob.

Napatulala ako. Napatakip ako sa bibig ko ng isang kamay ko. Natahimik ako at hinihintay nya ang sagot ko. Nakita kong pinapawisan sya sa noo. Di ko namalayan lumuluha na pala ako.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now