Chapter 8: "Ang Panyo"

366 2 0
                                    

***FLASHBACK FROM YESTERDAY***

"Dan, bakit mo siya sinabihan ng bakla? Sigurado galit na galit yon. Hala! Lagot ka sa lunes pag pasok natin. Buti nalang Sabado bukas, di mo sya kaklase sa P.E. mo. Kasi pag nagkataon, Wala pa naman ako para ipagtanggol ka. "- joy na ng alala sa magiging resulta ng ginawa ko.

"Pero Dan, buti dika hinabol no, kasi kung humabol yun sigurado maabotan ka. Parang mabilis ata yun tumakbo eh. Pagkatapos, hahalikan ka kahit sa maraming tao pa...hehehehe.."- ng iilusyon na naman si joy na para syang kinikiliti.

"Di ba ganun yon sa mga pelikula. Ang boy sinabihan ng Bakla ng girl sa harap ng maraming tao tapos nainis sya hinalikan nya yung girl ng matagal....hehehe... Pero Dan pag nangyari yun, hayaan mo lng ha na mahalikan ka nya, ipikit mo lng mga mata mo, para maramdaman mo ang tamis, tapos ikuwento mo agad sa kin ha ehehhehhehe. Sigurado ako masarap yon, ang gwapo kaya nya at ang sa tingin mo pa lang sa labi nya, ang sarap na, pulang pula at ang lambot-lambot. Eyyyyyy " -walang tigil na kinikilig si joy.

"Bat mo nasabing malambot? Nahawakan mo na?hehehehe" -nakangiti ko pang sabi parang nakalimutan ko ang nagawa ko kanina.

Siguro dahil sa naalala ko ang nangyari nung isang gabi, nung hinalikan nya ako bigla sa lips. Tama nga si Joy, kahit parang 3 seconds lng yun, naramdaman ko pa rin ang lambot at init ng kanyang mga labi. Hehehe. Natawa ako sa sarili ko at napakagat ako sa labi ko.

__________________________________________________________________________________

P.E. class:

"Danica, ikaw na serve!" -sabi ng isang klasmeyt.

Volleyball ang leksyon namin ngayon sa PE. Ito ang isa sa paborito kong sports kaya kahit hindi ako marunong, gustong gusto ko pa ring mglaro. Marunong lang akong tumira ng bola pero diko alam kung kelan mg change court or kelan at sino na ang mg se-serve.

Turn ko na ngayon sa pag-serve. Tinira ko ang bola pero di na-hit pabalik ng kalaban. Kinuha ng kalaban ang bola na lumabas sa court dahil di nila na hit-back. Nang sinundan ko sya ng tingin, may nakita akong lalaki naka itim na tshirt at naka sombrero din ng itim. At parang sa akin nakatingin. Tiningnan ko din sya ng maayos baka kakilala ko. Nakilala ko sya.

Anong ginagawa ng mokong na to dito. Patay! Lagot ako nito! Diyos ko wag nyo ako pabayaan ha. Sabi ko sa utak ko. Sa kaba ko, nawala ang konsentrasyon ko sa laro. Di ko maka hit ng bola at diko rin makita kung saan papunta ang bola ni tinira ng kalaban.

"PAAKKKKKK.."

"AAAAARRRAAAAYYYYY..." ungol ko ng matamaan ako ng bola sa noo malapit sa kilay. Nahilo ako at Napaupo sa lupa at hawak ko ang noo ko kung saan ako natamaan. Pag baba ko isang kamay ko, may nakita akong stain ng dugo.

"Tissue! Tissue! Sino may tissue? Dali! May sugat sya!" - sabi ng isang klasmeyt ko na inaalalayan pala ako at tiningnan ang sugat ko.

"Ay salamat! Sure ka sa panyo mo? Mamamantsahan ito ng dugo baka dimo na magamit!" -narinig kong sabi ng klasmeyt ko sa kausap nya. Nakayuko parin ako dahil sa hilo kaya di ko sila makita.

"Its okay!" -maiksing sagot ng kausap nya.

At pinunasan ng klasmeyt ko at tinakip yung panyo sa noo ko kung saan yun sugat.naramdaman kong may nilagay din silang ice. May bench malapit lng sa pwesto ko kaya inalalayan ako ng klasmeyt ko papunta doon at doon ako ngpapawala ng hilo ko.

"Danica, ok ka lng ba dyan? Okay lng ba iwan muna kita? Balik lng ako sa game. Tawagin mo lng ako pag kailangan mo ng tulong ha." -sabi nang klasmeyt ko na umalalay sakin.

"Okay lng ako. Salamat ha! " -sabi ko. Ngpapalipas ako ng hilo ko sa bench habang hawak ko yung panyo na may ice sa noo ko. Pinapanuod ko lang mga kaklase ko sa game nila. Muntik ko nang makalimutan ang dahilan ng pagka blanko ng utak ko. Tumingin ako sa side na iyon ngunit wala na akong nakita.

Ay buti naman umalis ka rin. Shhhhht di kaya ako nakita nun na natamaan ako ng bola. Oh God! Humahalikhik na siguro yun ngayon. Karma na ata to ah! Sabi ko sa utak ko. Binaba ko yung panyo na may ice at hinawakan ko ang bandang kilay ko kung saan ako nasugatan. Ssssshtt...magkakabukol ata ako nito huhuhu...baka mamamaga pa ito..may duty pa naman ako bukas..sa kilay pa! Manipis na nga ang kilay ko,magkakapeklat pa. Tanga tanga mo talaga Danica! Kung kelan ka ngdalaga, saka kapa ngkakapeklat sa mukha! Bulong ko naman sa sarili ko habang hawak ang panyo na may ice sa noo ko...

"Sigurado akong malaking peklat yan at bukol pa! Pangit na nga may bukol at peklat pa sa mukha!" -sabi ng lalaki g biglang tumambad sa tabi ko.

Napatingin ko sa lalaking ngsasalita. " IKAW?"- gulat kong sabi sa kanya. Ang taong inakala kong wala na sa paligid. Iyon lang ang nasabi ko sa gulat ko.Tumingin lang sya. Tiningnan nya din ang noo ko.

" Pano ba yan? Mas lalo ka ng papangit nyan!" -sabi nya na seryoso pa rin ang mukha, na kahit di ngumingiti lam mong ng iinis pa rin.

"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na nga! Masama na ang araw ko ngayon ha kaya wag mo ng palalain."- masungit kong sabi sa kanya na nakakunot pa ang noo ko kahit masakit ang sugat.

Nakatingin parin sya at umiwas ako sa tingin nya. Sandali lang ay bigla sya humarap sa kin at binaba ang kamay ko na nasa noo ko. Naramdaman kong may dinikit sya. Nang hinawakan ko ang noo ko, may band aid na ang sugat ko. Tiningnan ko sya na nakaharap parin sa kin.

" Huwag mo nang isuli yang panyo ko. Sayo na yan!" - huli nyang sabi saka sya umalis.

Wala akong masabi! Sinundan ko lng sya ng tingin hanggan sa diko na sya makita. Ang panyo. Siya pala yong ng offer ng panyo. Tiningnan ko ang panyo. Mukhang mamahalin. Di ko mapigilang amuyin. Ang bango. Amoy ng pabango nya nung una ko syang nakita, nung una naming tagpo, nung sumingit sya sa linya. Aargggghh naalala ko na nman yung pang iinis nya. aargghhhh..tumingin ulit ako sa panyo at napaisip... May binata pa pala ngayong gumagamit ng panyo? Sabi ko sa sarili ko.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now