Chapter 23: "Legally adult!"

312 4 0
                                    

Months later:

Ilang buwan na kami ni Rence, kahit may mga tampuhan at misunderstandings , mas marami paring masasayang moments ang nangyari sa amin. Naging mas sweet kami sa isat isa. Di na akong nahihiyang makipag holding hands sa kanya sa maraming tao. At sa school naman, yung mga admirer nya, may iba namamansin sa akin, may iba naman, tinitingnan ako mula ulo hanggang paa na parang iniisip nila kung bakit ako ang nagustuhan ni Rence at hindi sila. Pero deadma lang ako.

Sa pamilya ko naman mas lalong napalapit si Rence sa kanila. Noong Pasko at New Year nga sa amin ng celebrate si Rence. At pinapayagan na ako ngayong mamasyal sa labas pag si Rence ang kasama. Kampante naman sila na isusuli ako ni Rence nang maayos sa kanila.

Isang beses nga, noong Valentines Day, si Mama pa nagtanong kung bakit di kami nag date. Sinadya talaga namin ni Rence na hindi sa mismong araw na yon kami mg date. Kinabukasan na kami nag de date noon, pinauna muna namin ang ibang lovers. Hehehehe.

Natapos na rin ang 2nd Sem namin. 4 years to go nalang matatapos na kami sa kurso namin.

At excited din ako dahil 1 week nalang officially dalaga na ako. Mag i-18 na ako. Biro nga ni. Joy sa akin, pede na raw akong mag-asawa. Hehehehe

Wala akong handa sa Debut ko. Ang plano ko lang magsisismba kami ni Rence. At kumain sa labas.

1 week later...

"RRIINGGG..RIINNNNGGG.."- tumunog ang phone. Ang phone na dati pinahiram lang ni Rence, pero di na nya kinuha pabalik kasi sabi nya para sa akin naman daw dapat yon.

Nagising ako ng nag ring ang phone at sinagot ko.

"HAPPY BIRTHDAY DANNYyyyy!"- ang maingay na boses ni Joy. Sobra pa sa kape magpagising ang boses nya.

"Salamat Joy! Ang aga ah! 6:20 am palang oh. "-sagot ko nang napatingin ako sa alarm clock ko.

"Bakit? Ako ba ang naunang bumati sayo?"-sabi nya. Natigilan ako. Oo nga. Siya pa ang unang tumawag sa akin ngayon.

Pagkatapos naming mag usap ni Joy, binaba rin namin ang phone. Tiningnan ko ang phone. La namang missed call. At may text nga pero galing kay Vince.

{ TEXT MESSAGE RECIEVED

SENDER: VINCE

Happy Birthday to the most GORGEOUS, the PRETTIEST and the most WONDERFUL FRIEND!}

{TEXT MESSAGE

SEND TO: VINCE

Thank you Friend sa unang pambobola na natanggap ko sa unang araw ng ika -18 na taon sa mundo. Hehehehe thank you. }

Matapos kong ni-reply-an si Vince, tiningnan ko ulit ang inbox, at wala pa akong makitang message galing kay Rence. Naiinis na ako. Nanghilamos lang ako sa banyo at lumabas ng kwarto.

"HAPPY BIRTHDAY to you HAPPY BIRTHDAY to you HAPPY BIRTHDA HAPPY BIRTHDAY. HAPPY BIRTHDAY to youuuuuu!""""- bumungad agad paglabas ko ng kwarto si rence na kumakanta. May dalang isang maliit na bilog na cake na puro rosas ang sa ibabaw.

Di ako makapagsalita. Kanina lang naiinis ako kasi wala man lang txt o greetings, balak ko na sana syang di na siputin sa usapan namin ngayon e, pero ito, dito sya sa harapan ko. Gusto ko syang yakapin pero nahihiya ako kasi nandoon din ang Mama ko nakatingin at nakikanta kay Rence at mga kapatid ko din.

"ARAY!""""-sabi nya. Hinampas ko nalang sya sa braso dahil di ko naman sya mayakap.

Nagkangitian lang kami. Parang naiisip nya ang nasa isip ko kang gaano ko sya gusto yakapin at kung gaano nya ako gusto yakapin din.

My Heart belongs to a Civil EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon