Chapter 30: "Something in Me!"

283 1 0
                                    

Pagdating ko agad sa bahay, tinawagan ko agad si Rence sa skype. Pero tulad pa rin nung ilang araw, la pa ring sumasagot sa skype nya. Kaya nag iwan na lang ako ng message.

Ilang linggo na ang nakaraan mula ng umalis si Rence. At matagal na rin kaming di nakapag usap. Noong unang dalawang araw nya mula ng dumating sya doon, halos buong araw kaming nag-uusap sa skype. Kulang nalang kahit nasa sasakyan ako, mag-vivideo call pa rin kami.

Pero pagkatapos nung dalawang araw na yon, bigla na lang nawala ang komunikasyon namin. Lagi akong tumatawag sa skype nya pero walang sumasasgot. Nagme-message na ako, wala rin reply. Bigla na ring nawala ang logo ng skype account nya. Di ko malaman kong deactivated na ba pero di parin ako sumuko, ng leleave pa rin ako ng message doon araw-araw. Pati sa email nya. Araw-araw, oras-oras ako ng message pero la pa rin akong reply na natatanggap. Di ko malaman kong natatanggap ba nya ang message ko o hindi. Wala rin akong phone number nya doon kasi noong minsan syang tumawag sa akin, naka private number. Ang roaming din nya diko na makontak. Pati si Vince, wala akong kontak. Wala din kaming facebook account. Pareho naman kasi kaming di nahiligan iyon dahil walang time.

Pero kahit na masyado na akong nangungulila sa kanya, iniisip ko nalang na siguro marami lang syang trabaho.

Walang gabi na diko sya naiisip. At kahit sa mga dasal ko, kasama pa rin sya.

Di alam ng pamilya ko at kahit si Joy ang biglang pagkawala ng komunikasyon namin ni Rence. At wala rin akong planong ipaalam kahit na kay Joy. Naramdaman kong napapansin ng. Mama ko kaya mas lalo kung sinubsob sa trabaho ang sarili ko.
_____________________________________

"Good Morning Po Sir! Pinapatawag nyo daw po ako?"-bati ko sa Boss namin.

"Yes. Pasok ka. "-bati ng Boss namin at tumayo at lumapit sa akin.

"Congratulations! Ms. Dizon!"-bati ni Boss at kinamayan ako.

"Boss? Bakit po?"-kumamay din ako kahit di ko pa alam kung bakit.

"Nangangailangan ng best Engineer sa Main natin sa Manila. Ikaw ang napili naming ipadala. In short, you are promoted. "-sabi ni Boss

"Talaga po?"-tanong ko kay Boss nang di ako makapaniwala.

"Oo. Bakit? Ayaw mo ba?"-tanong ni Boss

"Oo naman po."-walang alinlangan kong sagot kay Boss

"Good. Dahil andito na lahat ng papers na kailanganin mo doon. Ang plane ticket andyan na rin sa loob. Next Saturday na flight mo. May susundo sayo sa airport na taga company din natin doon at sya maghahatid sayo sa titirhan mong apartment . Wala kanang alalahaning bayarin sa bahay at kuryente mo dahil pagmamay ari ng company ang titirhan mo. O diba, magandang Benefits?"- sabi ni Boss

"Oo nga po Boss."-tuwang tuwa kong sagot sa kanya

"Kahit masakit sa amin na mawala ka dito, pero masaya kaming lahat na malipat ka doon. Dahil doon, maraming chances na maipakita di lang dito sa pilipinas ang galing mo pati na rin na sa ibang bansa. "-

"Salamat po Boss. Salamat po sa tiwala nyo sa akin!"-

____________________________________________

Mag da-dalawang buwan na rin ako dito sa Manila. Bagong lugar, bagong workplace, bagong workmate, bagong tinutulogan pero ang alaala ni Rence dala dala ko parin. Kahit sa dami ng trabaho ko n ngayon, di pa rin sya mawala wala sa isip ko. Naiisip ko pa rin kung ano na kaya ang nangyari sa kanya, dahil magpahanggan ngayon, wala pa rin akong balita sa kanya.

Maliban sa mga alaala ni Rence, may isang tao pa akong kasama dito sa Manila. Si Joy. Pagkatapos ng-board exam ni Joy ay dito na rin sya sa Manila ng work. Same Company kung saan ako ng wo-work. Magksama din kami sa apartment. Kaya parang dahan dahan na ring bumalik ang buhay ko sa dati bago ko nakilala si Rence. Di na ako nagmumukmok dahil sa pangungulila. At ngayon, lumalabas na rin ako ng bahay pag walang pasok pag ngyaya si Joy.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now