Chapter 9: "The First Partnership"

338 2 0
                                    

"DANNY"- tawag ni joy ng mag abot kami sa schoolgate.

"JOY!"-ako

"Oh anong nangyari dyan?"- taning agad ni joy nang mapansin ang noo ko.

"Wala to. Naging tanga lng. Hehehhe. Tara na!" -dinaan ko nalang sa tawa kahit nakakahiya ang bukol ko.

Another pasok na naman. Pumasok na kami sa room. Nakita ko sya na andoon na sa loob kasama si Vince. Aba! Aga ata nyang pumasok ah. Wala ata silang meeting ng chix nya. Sabi ko sa sarili. Tumingin sya pero hindi sa mata ko kundi sa noo ko.

"Okay lang yan Dan, maganda ka pa rin naman eh! Di ba Rence?" - sabi ni Vince sakin na mukhang ang bukol ko ang tinutukoy. Nginitian ko lng si Vince.

Aba! Dan talaga tawag nya sa kin, di naman kami close.

"Okay Class! This will be your project! 20 % of your final grade will be from this project. You will have 3 1/2 months to prepare. Your deadline will be 1 week before signing of clearance. No project submitted, no clearance will be signed! Understand?" -sabi ni Sir Santos, teacher namin sa major subject

"YES SIR!"- sagot ng buong klase

"So! Group yourselve into two. Two students ang magtutulongan sa isang project! Para walang bias, lets number yourselves. You are all 30 in this class right? So mula dito, lets count yourselves till 15. The next student after the 15th student will count again back to 1. Kung sino sa inyo ang magkapareha ng number, yun ang magka partner sa project nila. OK?Understand! "-sabi ni Sir Santos.

At ng umpisa na kaming mgbilang. Magkatabi kasi kami ni Joy ng upuan kaya di kami mgkapartner! No. 9 ako. Nung matapos na ang bilangan, inutos ni Sir na hanapin ang kapartner namin.

"No.9? Sino No. 9?"- sabi ko at hinihintay kong may sumagot.

Walang sumagot sakin. Nakita sila lahat nahanap na ang partner nila at nakita ko c Darrence nakaupo lng sa chair nya at parang siya lng ang wala ang partner.

"No.9? Sino ba No.9 sa inyo?" -sigaw ko ulit baka di lng narinig ng iba kong klasmeyt.

"Miss Dizon? Asan ang partner mo? -tanong ni Sir sakin ng makita nyang ako lng ang wala pang partner.

"No. 9 po Sir!" -sagot ko

"Mr Lopez anong number ka ba? Asan ang partner mo? -tanong ni Sir sa isang klasmeyt.

"No. 9 Sir."- sagot nya

"Miss Dizon! Andito ang partner mo oh!Si Mr No. 9!" -tawag ni Sir sakin.

Ha? Siya ang partner ko? Ano ba naman to. Parang nag eenjoy ata ang kapalaran na paglaruan ako ah! Bakit siya pa. Bakit di nalang yung si Vince baka mgkasundo pa kami. Diyos ko baka mababagsak ata ako dito sa subject nato. Paano na ang pinangarap kong medalya. Lord naman! Reklamo ko sa isip ko.

Huminahon ako napabuntong hininga. Hinintay kong sya ang lumapit sa upuan ko. Pero wala. Hindi talaga lumapit. Napaka opposite sa gentleman talaga tong mokong nato, kung di lang para sa pinapangarap kong medalya, diko to gagawin. Napa buntong-hininga ulit ako at tumayo. Ako na ang lumapit sa pwesto nya. Andon si Vince sa partner nya kaya bakante ang upuan nya na katabi ni mokong. Doon ako umupo.

" May ideya ka na ba sa project?" -tanong ko sa kanya with suplada mode. Ako na unang nagsalita. Kasi mula ng umupo ako doon, seryoso lng syang nakatingin sakin at wala pang word na sinabi.

"Meron na!" - sabi nya

"Mabuti! "- sagot ko rin.

"Mabuti naman ngsalita ka rin!" Halos pabulong kong sinabi. Nakayuko lng ako sa upuan at ngsusulat ng kung ano ano sa notebook ko para lng iwasan na mgkatinginan kami. Nakikita ko kasi sa gilid ng mga mata ko na tumitingin pa rin sya sa akin.

"Kumusta na ang sugat mo?" -bigla ng tanong sakin.

"Walang kinalaman iyan sa project natin!" -pasungit kong sagot na di parin tumitingin.

"Sa akin meron!" - sabi nya. Ramdam mong seryoso ang boses nya.

Wala akong masagot kaya di ako umimik.

Tahimik kami pareho.

" Okay Class, Back to your seats na!" -utos ni Sir Santos

At nagbalikan na ang mga estudyante sa kanya kanyang upuan.

"Salamat pala sa panyo at sa band aid!" -bilis kong sabi bago ako tumayo.

Nang tumayo na ako...

" Oi Dan, kayo Mag partner?" - naabutan ako ni Vince.

Tumango lng ako at umalis.

________________________________________________________________________________

Sa upuan ko.....

" Dan, pinaglaruan ka ata ng panahon ah! Kelan lng sinigawan mo syang bakla tapos dalawang araw lng ang nakaraan kayo pa ang mgkapartner sa isang project. Pano mo maiwasan yung consequence ng nagawa mo sa kanya nun?ha? "-pag alala ni Joy

" Oo nga. Diko alam! Bahala na! Alang-alang sa medalya ko!" -sagot ko ky joy na pilit kong nilakasan ang loob ko.

"Pero ano! Anong pinag usapan nyo? Pinag usapan nyo ba ang nagawa mo? Galit na galit ba?" -tanong ulit ni Joy sakin habang sinisilip nya si Mokong.

"Wala naman. Tinanong ko lng ang about sa project. At iyon lng din ang sinagot nya. Tapos nun la na kaming pinag usapan pa.Tapos bumalik na ako dito." -kunting kwento ko lang kay Joy at di ko na kinwento pa ang ibang sinabi nya.

" Buti naman! Ako ang kinabahan sayo eh! Kasi malayo ako sayo , baka bigla kang halikan nun bilang ganti sa pagsigaw mo ng bakla sa kanya tapos diko makita, eh di ko makunan ng pix, walang remembrance ang first kiss mo!"- ang kinilig na sabi ni joy na kanina lng ay ng alala at ngayon ay kinikilig.

"SIRA!" Sigaw ko ky Joy na hampas sa balikat nya ng notebook ko.

Natawa nalang kami pareho.

My Heart belongs to a Civil EngineerOnde as histórias ganham vida. Descobre agora