Chapter 29: "Leaving on a Jetplane!"

281 1 0
                                    

" Hijo, mag ingat ka sa byahe! Ikumusta mo nalang kami sa mga magulang mo.!" -sabi ng Mama ko kay Rence at niyakap ito.

"Hijo?..ingat ka!"- yon lang nasabi ni Papa at kinapa sya sa likod.

Pumunta muna si Rence sa amin para magpaalam ng maayos sa Pamilya ko bago kami pumunta ng Airport. Nakita kong maluha-luha ang Mga magulang ko nang umalis na kami ng bahay. Para na kasing tunay na anak si Rence sa kanila at mahal na mahal sya di lang ng mga magulang ko pati ang lahat ng kamag anak ko na malapit sa amin

"Mahal?"- tawag ni Rence sa akin nang tahimik kong tinitingnan ang Departure Gate ng airport.

"Mahal, ito na talaga to?"-tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa departure gate

"Mahal?"-tawag nya at hinawakan ang mukha ko paharap sa kanya.

Tinitigan ko ang mga mata nya. Di ko mapigilang di umiyak. Ang mga matang iyon, kelan ko pa makikita ulit.

"Mahal! Mag iingat ka ha! Tawag-tawag ka rin ha pag may time!"-dinala ko nalang sa konting biro

"Araw-araw akong tatawag, promise! Tiis-tiis lang ha. Aayusin ko agad ang lahat at babalik ako. "- sabi nya at naiiyak din.

"Promise yan ha!?"-pilit kong pinipigil na mahulog ang mga tubig sa mga mata ko habang tinitigan sya . Sa mga sandaling iyon, lahat ng parte hanggang sa kinailaliman ng mata nya, tinitigan ko ng maigi. Dahil ayokong makalimutan kahit isang bahagi ng mga matang iyon.

"Promise! Mag ingat ka lagi pauwi galing sa work ha!"-sabi nya at niyakap nya ako ng mahigpit.

"ATTENTION! COUNTER 8 IS NOW OPEN FOR CHECK IN FOR FLIGHT EA 707 TO LOS ANGELES VIA HONGKONG!"

"Mahal mag check in kana!"-kumawalas ako pagkayakap nya ng marinig ang anunsiyo.

"Pinapaalis mo na ba ako?"-protesta nya

"Sige na! Baka magbago isip ko, di kita paalisin! Sige na!"-tinulak ko sya.

Niyakap nya ako ulit at hinalikan sa labi ng matamis na matamis! Kahit madaming tao ang nasa paligid namin sa mga sandaling iyon, di ako nakaramdam ng hiya. Dahil ang mga halik na iyon ay puno ng sari saring emosyon kung saan ngtatagpo ang sakit at sarap.

"Mahal na mahal kita Danica! Babalik agad ako! Pangako!"- .

"Mahal na mahal din kita Rence! Maghihintay ako!"-.

Niyakap pa nya ako ng mahigpit at tumalikod na papuntang gate. Bago pa sya nakarating ng gate, ay tumalikod na rin ako. Di ko na hinintay pa na makaalis ang eroplano na sinasakyan nya at umuwi na ako sa bahay.

********************************

===== FLASHBACK FROM LAST NIGHT======

"Mahal, alam mo kung gaano kita kamahal diba?"-tanong nya habang hinihimas ang buhok ko na nakahiga sa dibdib nya.

"Alam ko Mahal!"-sagot ko habang niyayakap sya.

"Alam mo kung gaano ko pinangarap na pakasalan ka sa simbahan at ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ay asawa ko. "-sabi nya

"Alam ko Mahal!"-sabi ko

"Patawarin mo ako Mahal kung hinihingi ko sayo to. Na pakasalan ako ng lihim. Huwag mo sanang isipin na hindi buo ang pagmamahal ko sayo. Alam kong kalabisan ang hinihingi ko. Patawarin mo ako Mahal! Napaka komplikado lang kasi minsan ng buhay. At ito lang kasi ang naiisip kong solusyon sa ngayon para masigurong di tayo paglayuin sa isat isa."- napak seryoso ni Rence ng sabihin iyon.

"Rence huwag mong isipin yan. Alam ko kung gaano mo ako kamahal at di ko susuwehestiyonin ang pagmamahal mo sakin. Kahit saang lupalop mo pa ako pakasalan, papayag pa rin ako......"- sabi ko. Tingnan ko sya sa mukha at hinalikan.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now