Chapter 26: "Mr.&Ms Engineer!"

287 2 0
                                    

After ng Graduation di na ako nagpahinga. Nag enroll na agad ako sa isang Review Center para sa board exam. Dinamay ko na rin si Rence. Kaming dalawa ang ng review agad. Si. Vince umuwi na sa Tate. Doon nadaw sya kukuha ng License kasi kailangan nadaw sya ng Papa nya sa Business nila. Si Joy naman, di pa daw nya kaya ngayon, magpapahinga pa muna daw ang utak nya. Di na sana kami pede kasi late na daw kami sa leksyon nila pero gusto kong humabol at ayaw kong magsayang ng oras. Gusto kong mag exam agad habang fresh pa ang memory ko sa mga leksyon sa school namin. Buti na lang nadala sa usapan. Sa. Cebu kami ng review ni Rence. Umupa kami ng maliit na Apartment na may gamit na doon. Unfortunately, di pa rin nate-temptsi Rence kahit natutulog kami sa iisang Bahay. Iwan ko ba doon. Magkatabi naman kami matulog. Puro yakap at halik lang sya. Mukhang ako pa ata ang mauunang masapian sa kanya.

Pero ayaw ko parin pangunahan sya. Baka itapon pa nya ako palabas ng kwarto pag pangunahan ko sya no! Minsan dinadaan ko sa matamis na halik at mga haplos- haplos style na nakikita ko minsan sa mga Romantic Films pero la epek. Minsan kung kelan na ang sarap na ng pakiramdam ko, na ramdam ko na ang init ng mga katawan namin, bigla syang tatakbo palabas ng kwarto. Nakakainis diba. Tapos ang tagal pang bumalik. Kaya tinutulugan ko nalang sya sa inis ko.

Bukas na ang Board Exam. Sa ilang gabi akong nagsusunog ng kilay, ngayon naman magpapahinga na ako. Magpaparelax ng utak . Galing kami ni Rence kanina sa Pinakalumang Simbahan dito sa Cebu. Nagsindi kami ng kandila at nagdasal. At kumain sa labas. Pagkatapos, umuwi agad kami ng bahay at nagpahinga para bukas.

**************************************************************************

Natapos namin ang Exam namin ng maayos. Umuwi na rin kami sa bayan namin at dito na hintayin ang resulta.

At ngayon ang araw na ito . Sinundo ako ni Rence para sabay kaming pumunta doon sa PRC kung isasabit ang results ng Exam. Mula sa bahay hanggan makarating kami sa gate ng PRC Building, di ako mapakali at kinakabahan. Kaya di nalang ako bumaba ng sasakyan at kinausap ko na lang si Rence na sya na titingin.

Hinintay ko si Rence sa sasakyan. Medyo 20 mins din syang nawala. Nakita kong pabalik na sya. Tinitingnan ko ang mukha nya kung may makita ba akong reaksyon ng saya o lungkot. Kung nakakapasa ba kami o hindi. Pero parang blanko ang mukha nya. Di ko maintindihan kung ano ang nararamdaman nya. Di sya nakangiti at di rin malungkot. Nang pumasok sya sa sasakyan, dumeretso lang sya sa upuan nya at pinaandar agad ang kotse. Tinitingnan ko pa rin sya kung may sasabihin. Pero wala e. Kaya inunahan ko na.

" Ano? Kumusta?"-tanong ko sa kanya

"Wala!"-sabi nya lang

"Anong wala."-tanong ko

"Wala tayo sa listahan!"-sabi nya

"Anong wala sa listahan?"- tanong ko na di ako makatingin sa kanya. Parang ang sakit ng pakiramdam ko. Parang gusto kong umiyak

Tiningnan nya ako at umiwas ako ng tingin.

"Baka di pa dumating ang result natin sa kanila mula sa cebu! Yaan mo balikan natin bukas ha!"-sabi nya na pilit nya akong pinapatahan.

Tumahan ako. Pero yong pakiramdam ko masakit parin. Kaya tahimik ako hanggang sa dumating kami sa bahay.

Pagbaba palang namin, nasa pinto ng bahay na ang Mama ko. Hinihintay kami.

"Kumusta? Anong Balita?"-bati ni Mama na gusto agad malaman ang. Result.

Nagmano lang ako at pumasok na sa loob. Di ako nagsalita. Kaya si Mama si Rence na lang ang kinausap.

Di ko alam kong ano pinag usapan nila dahil pumasok na ako sa kwarto para iiyak ang sakit sa puso ko.

"TOK..TOK..TOK..TOK.."- may kumatok sa pinto

"Mahal? Mahal? Lumabas ka muna! May ice cream dito oh baka maubusan ka!"-tawag ni Rence

"O Sandali!"-sagot ko. Inayos ko lang ang mukha ko, pinunasan ang mga luha at lumabas.

Nasa sala na nakupo sina Papa, Mama, mga kapatid ko at si Rence nakatayo sa harap nila.

"CONGRATULATIONSSSSSS!"""Cla...clap....clap..."- sigaw nilang lahat at nagpapalakpakan.

Nabigla ako at lahat sila lumapit sa akin at niyakap nila akong mahigpit, muntik na akong mapisa, sa laki ba naman ng mga Kuya at Papa ko.

"Aray...ouch...aray...sandaliiii.."-sigaw ko sa kanila nang kumiwalas ko.

May pinakita na papel sa akin si Rence. Tiningnan ko at binasa ko.

"HAA?AAAAAAAAAAAAA"""HUHUHUH....HUHUHUHUH"- napasigaw ako at napaiyak ng makita ang nakasulat.

Tumatalon talon ako na parang bata at niyakap si Rence at napatalon rin sya sa akin.

"NO.3 AKO?....NO.3 AKO YAAAAAAAAAAA...."-sigaw ko at napaiyak na ako.

Di ko ma explain ang feelings ko. Pinapangarap kong makapasa sa Board Exam pero di ko inaasahan na magiging top notcher ako. Ang saya saya ko.

Nagpa- copy si Rence nung first page ng result kaya iyon yung ipinakita nya sa akin. Tiningnan ko ulit yung papel. Si Rence nasa pang-pito din. Pareho kaming nakalagay sa Top-Notchers list.

"CONGRATULATIONS SA INYONG DALAWA. Proud na proud kami sa inyo ng Mama nyo. "- sabi ni Papa nang lumapit sa amin at inakbayan kami sa balikat.

"Pano ba yan., Ano na dapat ang itawag natin sa kanila!?"- sabi ng kuya ko.

"Mr & Ms Engineer na!"-sagot naman ng kapatid kong isa.

"TAMA NA YAN! Matutunaw na ang ice cream oh!"- tawag naman ng isa ko pang kuya na nandoon na pala sya sa Mesa ng i-scoop na ng Ice Cream nya.

Nagtawanan kaming lahat.

"RENCE GOOD JOB!"-narinig kong sabi ng Papa ko kay Rence bago ako tumalikod papuntang Dining.

My Heart belongs to a Civil EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon