Chapter 32: "Boy or Girl?"

269 1 0
                                    

"Vince! Hanggang kelan ka dito sa Manila?"-tanong ko kay Vince habang kumakain kami ng hapunan.

Tulad ng pinangako ni Vince kahapon. Sinamahan nya ako ngayong gabi sa Hospital. Back to work na kasi si Joy.

"Sa susunod na apat na araw pa ang balik ko sa Macau!"-sabi ni Vince

"Buong araw ka ng nandito sa Ospital ah! La ka bang trabaho ngayon?"-tanong ko sa kanya

"Natapos ko na kahapon pa ang kailangan kong gawin. Inextend ko nalang ang stay ko para masamahan ko kayo ni Joy. "-sabi nya

"Wow. Sweet! Hehehe! Salamat Vince ha. Buti nalang may kaibigan akong katulad nyo ni Joy."- sabi ko

"Dan? Dapat ipaalam mo sa pamilya mo ang kalagayan mo ngayon! Sorry ha kung naghimasok ako sa mga desisyon mo, pero inaalala ko lang kayo ng mga bata. Kasi mahirap ang pagbubuntis mo Dan. Saka dalawa lang kayo ni Joy sa bahay nyo tapos pareho pa kayong nagtratrabaho. Paano kung may mangyari sa yo sa bahay tapos wala si Joy? "-biglang sabi ni Vince.

"Vince!"-napahinto ako sa sinabi ni Vince

"Mahal ka ng mga magulang mo Dan! Maiintindihan ka nila.At saka sigurado ako, matutuwa pa sila, magkakaapo na naman sila. At kambal pa. "-tuwang sabi ni Vince

"Na disappoint ko sila Vince, para diko kayang makita silang ganun ngayon sa sitwasyon ko. "-

"Kung feeling mo na disappoint mo sila, wala na tayong magagawa doon kasi nangyari na e. At mas lalo silang ma disappoint kung ililihim mo pa sa kanila ng matagal. Kung magagalit man sila, siguro isang minuto lang lilipas na yon. Di lang kaibigan ang kailangan mo Dan, mas kailangan mo ang pamilya ngayon. "- paliwanang ni Vince

Napaisip ako. Matagal akong di nakasagot.

"Tama ka rin naman Vince. Pero nauunahan ako ng takot! " -sabi ko

"Di ganyan ang Danica na kilala ko nong college. Ang Danica na kilala ko di natatakot sa tama. "-tiningnan ako ni vince sa mata.

Ngumiti lang ako kay Vince at umuo.

"Good! Tawagan natin mga magulang mo mamaya.!"-sabi nya at nagpatuloy sya sa pagkain. Tiningnan ko lng si Vince. Di ko inaakalang may ganitong klaseng concern sya sa akin.

Pagkatapos naming kumain, tumawag kami sa amin pero di ko nasabi sa Mama ko sa phone. Pinapaluwas ko nalang ang Mama ko sa makalawa.
Mas pinili kong unang ipaalam sa Mama ko ang tungkol sa pagbubuntis ko, kaysa sa Papa ko dahil sa takot na rin. Pero alam ko, pag malaman na to ng Mama ko ay mas madali na ang lahat para sabihin sa Papa ko.
_____________________________________

Nakauwi na ako ng bahay mula sa Ospital. At ngayon din ang dating ng Mama ko. Sinundo sya ni Vince sa airport.

"TOK..TOK..TOK.."

"Danny, sila na ata to!"-sabi ni Joy at tumungo sya sa pinto para buksan.

"Hello po Tita!"-narinig kong bati ni Joy pagbukas nya ng pinto.

"Hello Joy! Musta kayo ni Danny! Asan sya?"-sagot ng Mama

Lumabas ako sa sala para salubungin ang Mama ko. Paglabas ko, lumingon agad sa akin ang. Mama ko. Napatigil sya ng makita ang tiyan ko. Nakitang kong tumulo agad ang luha ni Mama. Lumapit ako sa kanya.

"Ma?! Sorry po!"- ang nasabi ko lang at yumakap ako sa kanya.

Umiiyak lang ang Mama ko at walang ibang sinabi at niyakap lang ako.

N ng tumahan na kami, naupo kami sa sofa at doon na sya nag umpisang mgtanong.

"Anong plano nyo ni Darence?"- tanong nya agad.

Matagal akong nakasagot. Napaisip ako bago ako sumagot. Kasi wala naman akong maisip na sabihin. Ayoko rin sabihin na nagkakalaboan na kami ni rence.

"Di pa makauwi si Rence ma kasi may malaki silang project na ginagawa ngayon sa Europe. Kaya palipat-lipat lang sya ngayon sa states at Europe. Masyado na kasing malayo pag uuwi pa sya baka magkaproblema sya sa project nila. Nag uusap na kami."- pagisisnungali g ko kay Mama. Nakita kong nagtinginan sina Vince at Joy na parang nabigla sa sinabi ko sa Mama ko.

"Pero Ma, alam mo ba? Kambal ang magiging anak ko! "-sabi ko ky Mama para mabaling ang usapan namin.

Tuwang tuwa ang Mama ko ng marinig nya yon.

"Magkakaapo ako ng kambal?!"-tuwang tanong ni Mama.

Pagkatapos noon, nabaling na ang usapan namin sa pagbubuntis ko at di na rin nagtanaong si Mama tungkol kay Rence.

Maya-maya tumawag na rin kami ky Papa sa skype. Tinulongan ako ni Mama na magpaliwanag kay Papa. Sa una, nakita kong disappointed na mukha ni Papa pero kalaunan din, nang marinig nyang kambal ang magiging anak ko, naiba ang expression nya. At katulad ni Mama, wala na rin akong ibang narnig na tanong mula kay Papa. Parang di na importante sa kanila na may nagawa akong mali. Ang importante na sa kanila ngayon ang mga bata. Tama nga si Vince, makakalimutan ndin ng pamilya ko ang mga inakala kong mali kong nagawa pag marinig nila ang tungkol sa bata.

Natapos ng maganda ang usapan namin nila Papa at mga kapatid ko sa skype. At nagkasundo rin ang Mama at Papa ko na sasamahan muna ako ng Mama ko dito sa Manila.

Excited ang lahat sa amin sa pagbubuntis ko. Lahat naghuhulaan na ng gender ng mga bata sa tiyan ko.

"Dan sa tingin ko puro babae yang mga inaanak ko!"-sabi ni Joy habang kumakain kami apat ni Mama at Vince sa Mesa.

"Ako tingin ko, lalake yan!"-sabi naman ni Vince

"Di ah! Babae yan! Tingnan mo si Danny ang blooming-blooming nya. Di ba sabi nila, pag blooming ang buntis, babae ang pinag bubuntis . Pag lumaki ang ilong ng buntis ibig sabihin lalake ang pinagbubuntis. E di naman malaki ang ilong ni Danny e!"-paliwanang ni Joy. Nakita kong tiningnan ako ni Vince at napatitig at umiwas agad ng tingin.

"Blooming lang yan kasi masaya sya. Lalake pa rin yan!"-sabi ni Vince na umiiwas na ng tingin sa akin.

"Hay naku! Tumigil na kayong dalawa. Baka matulad nyo pa ang mga anak ko parang aso't pusa.hehhehe,"-tawa kong sabi sa kanila

"Kakatuwa kayong dalawa. Hehehe. Hindi-hindi mabo-bored ang anak ko pag kayo lagi nyang kasama. "-sabi ng mama ko sa kanila

"Hay! Naku Ma, di nga ako mabo-bored, mababaliw naman. Hehehehe!"- pabiro ko sabi sa kanila at nagtawanan lang kami.

____________________________________________
WEEKS LATER!!!!

" Joy? Ano? Naka online na?"-tawag ko kay Joy.

Galing kami sa Check up sa Ob ko para malaman namin ang gender ng mga bata. Ayoko sanang malaman muna ang gender nila pero dahil sa pangungulit nitong dalawa, nakombinse ako. .

"Oo. Online na sya. I-call ko na!"-sabi ni Joy

"RING...RING...RING..."- ni-ring namin ang skype ni Vince. Kanina pato naghihintay sa amin.

"Hello?"- bati namin ni joy

[ Hello! Ang tagal nyo naman! Kanina pako di mapakali. Anong result?]-ang sabi ni Vince sa kabilng linya

"Okay naman! Ano nga ba ang result joy?"-pakipot kong sagot kay Vince

"Hehehe! Ewan ko Danny. Di ko narinig sabi ni doc! Hehehehe!"-pabkipot namn si Joy

"Kayong dalawa! Kung maaabot ko lang ang mga mukha nyo, pangkukuritin ko kayo. Ano ba? Sabihin nyo na!"-pikon na si Vince

"Sige na nga! Galit na ang matandang lalaki sa Macau! Hehehe...."- panunukso ni joy sa kanya

"Boy and Girl Ninong! Hehehehe "-tuwa kong sabi kay vince

"Hahahahahahah..!"-ang laks ng tawa ni Vince. Tuwang tuwa sya sa narinig nya. Di maipinta ang saya sa mukha nya. Ang tuwa nya nahigitan pa ang tuwa ni Joy. Parang sya ang magkaka anak.

Ilang buwan na rin ang nakalipas mula ng bumalik na si Vince sa Macau. Pero araw-araw pa rin syang tumatawag at kinukumusta kami ni Joy. Gusto nya palagi syang updated sa pregnancy ko. Kahit malayo si Vince, di nya ako pinabayaan.

My Heart belongs to a Civil EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon