Chapter 17: "Jealous"

310 3 0
                                    

"GO..GO..BSC...GO..GO..BSC.."

"GO..GO..BSC..GO..GO..BSC.."

Pagpasok palang sa gate ng school, iyon na naririnig ko. Kanya kanyang pag che-cheer ng mga estudyante sa mga department nila. Sa field, naglalaro ang BSBA vs BSC ng soccer. Nanood ako habang hinintay si Joy.

"DANNY!" -tawag ni joy na papalapit sakin.

Kumaway ako at hinintay sya na makalapit.

"Anong gusto mong unahin natin?"- tanong ko sa kanya.

"Sa Gym tayo. Mag uumpisa na yon." -sabi nya, tiningnan nya relo nya at hinila nya ako papuntang gym.

Umupo na kami sa puwesto ng department namin.

"Ay salamat nakaabot tayo! "- joy

Manood pala kami ng Basketball.

"Ay 2nd half na pala! Huhuhu... 62-23? Ang laki ng lamang ng kalaban. Huhuhuhu.matatalo ata tayo?"- paiyak na sabi ni joy habang tinitingnan ang electronic scorebord sa harap sa may ibabaw ng stage.

Napatingin din ako.

EDUCATION DEPT VS ENGINEERING DEPT

62-23

Engineering dept? Amin pala ngayon? Ibig sabihin, nglalaro sya ngayon? Tumingin ako sa mga players na naglalaro na sa gitna ng court. May hinahanap ako pero di ko sya nakita. Si Vince lang ang nakita ko. Ano kayang nangyari doon? Nagpatuloy parin kami sa panonood ni Joy.

"Akala ko ba kasali din si Darrence? Ba't si Vince lang yan?"- tanong ni Joy na hinahanap din nya.turo nya si Vince na naglalaro.

"Iwan ko. Baka absent!"- sagot ko naman.

Hawak ni Vince ngayon ang bola.

"GO..GO..VINCE..GO..GO..VINCE..." -cheer ni Joy ng napakalakas at tumayo sa pagka upo

"Ay....si Darrence o...."- napatigil sya sa pagche-cheer at tinuro si Darrence.

Napatingin din ako sa lugar kung saan sya tumuturo. Nakita ko si Darrence. Nakatayo doon sa baba sa gilid ng court kung saan nakaupo ang ka team-mates at coach nila. At nakaharap at tumitingin sa amin. Kumaway si Joy sa kanya at kumaway din sya pabalik. Ilang sandali, nag request ng time out ang magkabilang team. Nang nagpatuloy na ulit ang laro, kasama na si Darrence. Naging maganda at mabilis ang pagbabago ng score na nakuha ng Engineering Dept, kaya si Joy mas lalong iningayan ang pagche -cheer. Ako hanggang palakpak lang. Halos si Vince at Darrence lang ang nakakascore kaya ang mga girls sa ibang Department tumitili at naki cheer rin sa kanila. Natutuwa nalang akong tingnan ang mga babae kung makasigaw ky Darrence at Vince at may kasama pang sayaw. Tumingin ako pabalik sa paglalaro nila, nahuli kong panay din ang sulyap ni Darrence sa akin. Pinilit kong di magpakita ng reaksiyon.

Nagtime out ulit ang game.

"I LOVE YOU DARRENCEEEE...!!!"- sigaw ng isang babae doon sa grupo malapit sa amin na kanina pa ng che-cheer sa kanila .

Napalingon ako sa babae. Ang ganda nya. Maputi, one-lenght ang buhok at hanggang balikat, balingkinitan ang katawan at sexy ng sout. Pinagmamasdan ko sya ng head-to-toe. Ang ganda nya naman. Wala akong binatbat dito! -nasabi ko sa sarili ko.

"I LOVE YOU TOO SWEETHEARTTTTT..!"-nang may sumagot din na lalaki na parang mula doon sa gitna ng court

Napalingon ako nang marinig ko yon napakunot ang noo ko. Nakita ko si Vince at Darrence na magkalapit lng ang tayo sa isat isa at doon nakaharap sa sumisigaw na girl.

I love you too pala ha. Ang landi mong lalaki ka. May pa-my princess-my princess ka pa. Akala mo mauuto mo ako? Matalo sana kayo dyan! Bulong ko sa sarili ko na naiinis. Nagpatuloy ulit ang game. Sunod -sunod ang points na nakuha nila. Nanatili lang akong nakaupo habang pinapanuod sila at hindi na ako pumapalakpak pag nakakashoot sila.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now