Chapter 35: "WELCOME TO NEW YORK!"

296 2 0
                                    

Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan ko. Pinagmamasdan ko ang paligid ng buong airport. First time ko kasing lumabas ng bansa kaya naa-amaze ako, sa mga tao, sa accent nila at syempre ang lugar.

Palabas na ako ng arrival gate. Ang daming tao na naghihintay sa labas. Hinahanap ko ang taong nangakong susundo sa akin. Napalingon ako sa may kanang nang may kumaway. Si Vince. Lumapit ako kay Vince.

"Welcome to New York Madz!"- bati ni Vince. Niyakap nya ako sandali at inabot ang dala nyang bouquet ng bulaklak.

" Salamat! Padz!"-sabi ko

"Kain muna tayo? Tapos ihatid kita sa hotel mo para makapagpahinga ka muna!"-sabi ni Vince

"Hindi! Ihatid muna natin ang gamit ko sa hotel tapos kakain tapos mamasyal. Nakatulog naman ako sa plane e! Di pa ako pagod! " -sabi ko

"Sure ka?"-tanong nya

"Sure na sure! Sayang ang oras! Sige na para marami akong makita sa New York!"-yaya ko sa kanya

"Ikaw bahala! Sabihin mo lang pag pagod kana ha! Tara?! At nang may pang pa-inggit ako kay Joy sa fb!hehehhe!"-yaya ni Vince. Kinuha nya ang trolleyko at lumabas na kami ng airport

Inihatid lang namin ni Vince ang gamit ko sa hotel at lumabas agad kami para kumain at mamasyal.

"WOWWW! Ang lalaki ng mga building! WOW! " -nabibighani ako sa mga nakita ko.

Pinasyal nya ako agad sa Sentro ng New York kung saan nandoon ang mga malalaking building.

Inabot kami ng gabi sa pamamasyal pero sabi nya marami padaw akong di pa nakita kaya inuwi nya muna ako sa Hotel at itutuloy nalang daw namin bukas ang pamamasyal.

"Magpahinga ka na ha. Bukas susunduin kita ng maaga para sabay tayo magbreakfast! Doon tayo mag be-breakfast sa isang sikat na breakfast house sa New York!"-sabi Vince

"Okay! Salamat Padz! Sige! Ingat ka!"-paalam ko kay Vince na umuwi

__________________

Kalahating araw akong pinasyal ni Vince. Mula 6:30 am hanggang ngayon mag 14:30 pm na. Ang dami kong nakita sa ibang part ng New York. Ang dami ko na ring nakuhang pictures. Hinatid ako ni Vince sa hotel.
Para makapag handa para sa Event mamayang gabi.

"Salamat ulit Padz sa pasyal!"-sabi ko sa kanya ng binuksan nya ako ng pintuan ng kotse.

"Sandali!"-sabi nya at tumungo sya sa likod ng kotse.

"Para sayo!"-sabi nya na may inabot syang isang maliit at isang malaking box sa akin.

"Sa loob mo na buksan! Sige na pasok ka na!"-sabi nya

" sige! Salamat ulit!"-sabi ko at pumasok na ako sa hotel. Narinig ko nalng ang paalis nyang sasakyan.

Pagpasok ko sa room ko, binuksan ko agad ang box.

"WOW! Ang ganda!"-sabi ko nang makita ang laman nito.

Sa malaking Box isang blackdress na above the knee ang cut mukhang body-fitted na style at sa maliit na box ay pares ng black heels.

"TTTIINNGGGGG..." May nag txt sa phone ko.

{sender: Vince

Iyan ang isuot mo mamaya. Bagay yan sa yo. }

Tinawagan ko si Vince.

"Hello? Padz?"

[hello, nagustuhan mo ba?]-Vince

"Oo maganda. Ano ba to? Utang?"-tanong ko

[hindi ah! Welcome gift ko yan sayo!]-Vince

"Ah! Okay! Di naman kailangan yon e pero salamat ha!"-

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now