Chapter 21: "Mahal pala kita!"

269 2 0
                                    

Di tama ang ginawa mo Danica. Di tama na di mo sya kinausap kanina. Ikaw pa ang hinatid sa bahay, wala ka man lang pasasalamat sa kanya na papasukin man lang sa sandali sa bahay at bigyan ng maiinum. Di mo man lang inisip na malayo layo din ang binyahe nyo. Mahirap kayang mag-drive. At ang masaklap pa, di ka man lang ng Goodbye, Ingat sa kanya. Paano kung mapano yon sa daan sa kaiisip na galit ka.- kinakausap ko na naman ang sarili ko habang nakahiga na sa kama.

"Aaaaaaaaaaa......" Napasigaw ko sa ilalim ng unan.

Galit ba ako? Parang di naman ako galit. Di ako alam kong anong nararamdaman ko ngayon pero alam ko hindi ito galit. Alam kong Hindi lang hiya ang nararamdaman ko e, may iba pa pero di ko alam kong ano. - bulong ko sa sarili ko.

Ilang beses ko narin tinitingnan ang phone pero la parin sya kahit isang txt. Parang nakakapanibago dahil gabi-gabi naman kahit maiksing txt lng nag go-goodnight lagi yon. Nakakakonsensya naman! Baka nainis ko sya.!

Pabalik-balik sa eksena kanina sa utak ko. Kaya naman napahawak ako sa mga labi ko. Di ako makapaniwala sa nagawa ko. Na humalik din ako sa kanya. Napangiti ako. At kahit pumikit na ang mata ko, parang gusto ko parin maalala ang nagyari.

________________________________________________________________________

Sa school:

Mula kaninang first period pa di ko maaninag ang anino ni Darrence. Hanggang ngayong last period, wala pa rin sya. Kaya nagpapakapal na ako ng mukha na hanapin sya kay Vince.

"Vince? Saan bang kaibigan mo?" -tanong ko

"Masama dawng pakiramdan e!"-vince

"Bakit daw?" -sabi ko

"Iwan ko! Nakita ko lang ayw nyang umahon sa kama. La din naman syang ibang sinabi. Di ba magkasama kayo kahapon? Ano bang nangyari?" - sabi nya

"Ha! Wala naman. Pakialala naman sa kanya please na bukas ang deadline sa project. "-danica

"Okay. Daanan ko sya mamaya!"- vince

_____________________________________________________________

Wala akong trabaho ngayon kaya plano kong puntahan nalang si Darrence at paniguraduhin na mapasa namin ang project.

Dumating na ako sa unit nya. Ilang minuto din akong nakatayo lang sa labas ng pintuan at ng iisip kong tama ba ang gagawin ko.

"Para sa project ito Danica. Para sa project ito. "- sabi ko sa sarili ko bago ako ng doorbell.

Naka ilang beses din akong ng doorbell pero lang sumasagot.

" Last!"- sabi ko sa sarili ko at kung wala pang bubukas, aalis na sana ako.

Pero bumukas ang pinto at nakaharap si Darrence sa akin na mukhan galing sa tulog.

"Danica?"- matamlay ang boses nya kahit gulat sya.

"Pasok ka?"- yaya nya. At pumasok ako.

"Papasok ka ba ngayon? Kung hindi ako nalang papasa ng project natin!"-sabi ko agad na umiwas sa tingin nya

"Papasok ako. Wag kang mag alalal, mapapasa natin yan ngayon."- sabi nya at tumalikod papuntang kusina.

"Sandali nga! Gal...."- hinabol ko sya at nahawakan ang braso nya.

Napatigil ako sa sasabihin ko ng mahawakan ang braso nya. Ang init. Hinawakan ko ang leeg nya.

"Inaapoy ka ng lagnat?!"- sabi ko na nag alala

"Wala ito!"-sabi nya at tinalikuran ako at pumunta sa may ref at kumuha ng isang maliit na bote ng cola at ininum ito.

Hinablot ko sa kanya ang bote ng cola at inilayo sa kanya.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now