Chapter 4: Maling Akala!

445 3 0
                                    

Ilang araw na mula ng umpisa ang klase. Salamat sa Diyos at tahimik naman ang buhay ko sa school. At mula noong 2 nd day ng school hanggang ngayun di naman ako binubwesit ng mokong na iyon kaya deadma na rin ako kahit na klasmeyt pa kami sa ibang subjects. Umiiwas narin na mapatingin sa kanila. Galing ako sa part time ko kaya maaga akong pumasok sa school at may usapan kami ni joy na magkikita doon. Nglalakad ako sa Hallway,ngmamadali ako kaya di ko napapansin ang mga estudyante na nakaupo sa gilid nang may tumawag sakin...

"Danny!" Isang tinig ng lalaki. Napalingon ako at nakita ko ang pinsan ko kasama ng mga kaklase nya. Huminto ako...

"Oi Ben hello!" Bati ko din sa kanya at nakita ko ang isa sa kasama nya c Jude Santos.

" Hello Dan!" Sabi nya. Ngumiti sya at nakatitig lng sakin.

" Hello din Jude." Sabi ko.

"Danny kala ko ba pang gabi pasok mo bat ang aga mo ata ngayon?" Sabi ng pinsan ko

" May kausap ako ngayon eh may kailangan kami sa library." Kinausap ko si Ben nang nakita ko sa unahan nila ang grupo ni mokong at nakita ko syang nakatingin sakin..

" Sige Ben mauna na ako ha kanina pa kasi ng hihintay sakin yung kausap ko eh. Sige Jude ingat kayo!" Paalam ko sa pinsan ko at nagmamadaling umalis

"Sige. Ingat din!" Last na rinig ko sa pinsan ko.

********DARRENCE POV*********
Maaga akong dumating sa school para tapusin ang isang assignment ko. Pumwesto kami ng mga kaibigan ko sa bakanteng mesa sa Hallway.

" Pre, si Danica o. " sabi nung isang lalake
Napalingon ako ng marinig ang pangalan na pinag usapan ng grupo ng lalakeng estudyante sa kabilang mesa.
Tumayo ang dalawang lalake at lumapit doon sa tinawag nila. . Tinitingnan ko lng sila na parang ngbabatian at may pinag usapan. Pinagmamasdan ko ang ekspresyon ng mukha ng dlawang lalake . Ang isang lalake parang matagal na niyang kakilala dahil walang halong landi ang ngitian nila pero sa ang isa, kung magkangitian sila parang mga teenager na ngliligawan.

Tinitingnan ko lang sila nang nakita nya ako na naktingin sa kanila. Binaling ko ang tingin ng mata ko sa libro.
Napansin kong bumalik na sa mesa nila yong dalawang lalake.

"Pre pinsan mo iyon? Ang ganda ng pinsan mo. Ireto mo naman ako." sabi ng isang kasama nung kausap nya kanina.

"Reto ka dyan. Huwag yung pinsan ko. Di kayo bagay. Masyadong mabait yun para sa iyo. At saka hindi yun ngpapa-boyfriend. Kahit itanong mo pa dyan ky Jude. Diba Jude? Ky Jude lng yun bagay kaso di iyan makasingit eh kaya di makapag tapat lagi kasing umiiwas si Danny."

Narinig kong usapan nila.

Ah. .Iyan pala si Jude Santos na sabi mo... Bulong ko sa sarili ko.

Tiningnan ko yung Jude. Tahimik lang at sinusundan ng tingin ang pag alis ni Danny. Siya nga talaga c Jude Santos.

"Tara! Loob tayo! Nauuhaw ako!" Sabi ko ky Vince at sa mga kaibigan namin at tumungo sa canteen.

Sa labas ng canteen may mga bakanteng mesa doon at upuan. Sa isang mesa nakaupo ang dalawang babae. Ang dalawang babae ay mga kaklase ko sa ibang subject. Isa sa kanila alam ko ang pangalan. Siya si Danica Dizon. Unang kita ko palang sa kanyang parang gusto ko sya laging inisin. Diko alam kung bakit. Siguro dahil sumasagot sya at hindi katulad ng ibang babae na iniinis na nga eh nakangisi pa. Umupo kami doon sa kabila katabi ng mesa nila.

"Hi classmate!" Bati ko sa kanila. Ngunit tiningnan lng ako saglit at di bumati pabalik. "Suplada!" sabi ko ulit at wala pa din reaksyon. Buti pa yong kaibigan nya ngumiti pa kahit busy silang dalawa sa pag uusap. Siya patuloy parin sa pagsasalita sa kaibigan nya na parang wala siyang narinig na may bumati.

"Tara na Joy baka ma late tayo!" Sabi nya sa kaibigan nya at umalis

(Ako si Darrence Lopez. Ipinanganak at lumaki sa Amerika. Ang magulang ko ang may ari ng isa sa malaki at tagumpay na construction company sa Amerika at Asia. Ang Papa ko ay ang pinakamagaling at pinakatalentadong Inhenyero sa kaniyang kapanahonan kaya sya ngtagumpay ng ganito kalaki. Galing sa simpleng pamilya ang mga magulang ko,yumaman lang sila dahil sa sariling pagsisikap at sa galing nilang humawak sa negosyo. Iba ibang bansa ang napasukan ng negosyo ng mga magulang kaya habang lumalaki ito,palayu ng palayu naman kami sa isa't isa. Mas madalas kaming naiiwan ng kapatid ko sa bahay kasama ang mga katulong kesa sa makasama namin silang dalawa. Kaya naman naging rebelde ako sa amin nung ngbibinata na ako. Natuto ako ng bisyo. Laging napaaway at nadala sa presinto ng pulis. Kung di man lasing, bugbog-saradong umuuwi ng bahay. Di na rin ako nakayang desiplinahin ng Mama ko. Na-drop din ako ilang beses sa school at iyong huli pagka drop ko ang naging dahilan ng biglaang uwi ng papa galing sa ibang bansa. Naging mainit ang confrontation namin ng papa ko at iyon narin ang naging huli naming pag uusap. Si Vince Diaz,siya ang kababata ko at bestfriend mula kindergardn days pa namin. Kami lng kasi dalawa ang pinoy sa school namin noon kaya kami agad ang ngkakasundo. Ang mga magulang nya ay isa din sa mga successful Businessman sa Amerika pero ang pamilyang meron sya ay kabaliktaran ng pamilyang meron ako. Kahit gaano ka-busy ang mga magulang nya lagi parin silang may time sa mga anak nila. Iyon ang bagay na kinaiinggitan ko sa kanya,ang bagay na malabo kung makuha sa mga magulang ko. Sa tuwing ngkakaproblema ako si Vince lagi kong karamay. Noong ngkasagutan at nasuntok ako ni Papa,lumayas ako at kina Vince ngpalamig. Kinausap ako ni Vince at naliwanagan. Kaya ako ngayon nasa Pilipinas dahil sa gusto ko na may mabago sa aking buhay. At ito parin si Vince,na lagi akong dinadamayan.)

My Heart belongs to a Civil EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon