Chapter 34: He's not Wicked

5 6 0
                                    

PAGKARAAN ng ilang araw, tila mas nagiging magkasundo na sina Stella at Valentin sa loob ng kuweba na ginagawa nilang kublian ngayon. Dahil silang dalawa lang naman ang tao rito at walang ibang libangan, hindi na naiwasan ng dalaga na makipagdaldalan dito buong araw, kahit na puro pakikinig lang ang naisusukli ng binata sa kaniya.

Mula sa walang katuturang bagay, hanggang sa unti-unti niya rin itong sinasanay na makapagsalita ng diretso. Subali't dahil lumaki si Valentin na hindi talaga pinahihintulutang isaboses ang kaniyang naiisip, hindi rin talaga madali ito para kay Stella. Iniiwasan din ng dalaga na maglabas ng paksa tungkol sa pangkat nina Ezekiel upang hindi ito magkaroon ng idea. Hindi rin naman nagtatanong si Valentin dito.

Dahil lumalabas si Valentin tuwing umaga upang pumunta sa bayan, sinubukan ni Stella na utuin ito upang isama siya, ngunit nabigo lang ito nang tanggihan siya sa gusto niya. Sa halip, nagpabili na lang ito ng mga bagay na maaaring maging libangan niya. Nagpabili rin ito ng papel at panulat upang pagtyagaan pa sanang turuan ang binata. Naisip niya rin na baka mas mapadali ang komunikasyon nila sa ganitong paraan.

Kahapon, muling binisita si Valentin ng isang miyembro ng Vindex sa kabilang kuweba upang abisuhan lamang tungkol sa kanilang darating na pulong. Nang usisain 'to ni Stella, ang naintindihan niya lang ay mawawala ang binata ng ilang sandali at babalik din ito.

"So, you are 21 years old, never attended school, no family, and you've been with that pinuno ever since nung bata ka pa. You're not mute, hindi ka lang talaga pwedeng magsalita?" tanong ni Stella habang naghihintay sila ng oras. Hawak nito ang papel at ballpen upang isulat ang mga nalalaman niya tungkol sa lalaki.

Tumango-tango lang si Valentin dito bilang tugon habang kumakain silang dalawa ng strawberry.

"At mas sanay ka sa English na language, why?"

"Pinuno."

"Okay, I see. Eh, bakit ayaw kang turuan ng pinuno na 'yang magsalita?"

"Monique...."

"Pinipigilan ni Monique? Ayaw ni Monique na matuto ka?"

Um-oo naman si Valentin.

"Alam mo, bruha talaga 'yang babae na 'yan. Buwisit eh 'no? Kaya pala biglang nawala sa school, tama nga 'yung hinala nila Ezekiel tungkol sa kaniya. Akala mo kung sinong kawawa nung nanigas sa gubat, 'yun pala may plano ang demonyo." Bigla itong kumuha ng prutas at dumantay pa ng kaunti palapit kay Valentin. "I never liked that woman. She's creepy, weird, at may pagka-psychopath. Masama rin naman akong tao pero hindi sira ang ulo ko tulad ng kamiyembro mo."

"Monique... Valentin...." Hinawakan ng binata ang sariling sintido at kasunod noon ang pagsenyas niya ng gesture na salita. Pagkatapos ay umiling ito.

"Monique is... holding your head?" naguguluhang tanong ni Stella dito. "Ano nga bang enchantment ng pangit na 'yon? Oh, nagbubura ng memory?"

Tumango dito si Valentin at tinuro muli ang sarili.

"She's using her enchantment on you?" hayag ni Stella at naningkit ang mata. "Why?"

"Valentin." Umiling ito. "Talk."

"So, you won't talk? Kaya ba nahihirapan kang magsalita?"

Kinumpas pa ni Valentin ang sariling kamay sa paraan na maiintindihan ni Stella, habang isinasabibig naman ng dalaga ito upang malaman kung tama ang pagkakaunawa niya.

"Ginagawa niya 'yun sa 'yo not just once, but many times already? Salbahe..." hindi makapaniwalang ika ni Stella at umiling. "Tapos pumapayag ka? Kung nilalamon mo ng buhay 'yung babae na 'yon, eh 'di nabawasan ng demonyo sa mundo 'di ba?"

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now