Chapter 24: Piece of Information

28 6 0
                                    

TULUYAN nang nangunot ang noo ko sa narinig at ang pangamba na tila nakalimutan ko na mula sa grupo na iyon ay muling nanumbalik dahil sa sinabi ni Ezekiel.

Natahimik ang buong silid, habang binuksan naman ni Ezekiel ang tablet na kalalapag niya lang sa gitna. Pinindot niya ang isang button dito at naglabas ito ng hologram sa gitna ng mesa kung saan kami nakapaikot ngayon. Lumabas ang 3D image ng isang litrato.

Nakatapat ang kuha sa kalangitan at may mga bundok pang nakapaligid dito. Agaw-pansin sa malayo ang pigura ng nilalang na siyang nasa himpapawid at kahit na malabo, nandoon pa rin 'yung kilabot na mararamdaman mo sa isang 'yon. Nang i-zoom pa ito ni Ezekiel, lalong luminaw ang itsura ng halimaw na iyon.

Hindi ko malilimutan ang sindak ko nung unang beses na lumapag sa harap namin ang isa na iyon. Ang gargoyle na tila kampon ni Satanas dahil sa nakasusulasok na tindig nito. Malayo sa tunay niyang anyo kapag normal na tao lang siya. Sa litrato na nakikita namin ngayon, para ba itong umaaligid sa lugar.

"Ayon sa Valiente, kuha ito sa probinsya ng Palomo. Ilang linggo nang napapansin ng ilang lokal ang presensya ng isa na 'yan. Halos lahat sa 'tin dito, pamilyar sa enchanter na 'yan. Siguradong may ilan sa iniyo ang naaalala pa kung ano'ng itsura niya kapag normal," wika ni Ezekiel at isa-isa kaming tiningnan.

Lahat kami bukod kay Lauraine, nalingon sa direksyon ni Stella dahil sa sinabi ni Ezekiel.

"What?" kunot-noong bulalas ni Stella.

"Kung may nakakita ng buo sa isa na 'yan, ikaw lang 'yon," natatawa kong sambit dito.

"Nakakatawa? Sana pala pinatalsik ka na lang niya sa labas ng tower noon 'no?" sagot nito sa 'kin.

"Stella, naaalala mo pa ba kung ano'ng itsura niya?" seryoso namang singit ni Ezekiel.

"It was dark, pero alam kong mahaba ang buhok niya compared to the other guys. He was pale. 'Yun lang ang naaalala ko."

"Sa tingin mo ba mamumukhaan mo siya kapag nakita mo ulit?" usisa pa ni Ezekiel.

"Maybe... he's weird kaya siguradong agaw-pansin siya kung sakali," sagot ni Stella rito.

"Mabuti kung gano'n dahil ayokong mag-aksaya ng panahon pagdating sa mga 'yan. Hangga't maaga, gusto ko nang matigil sila sa ginagawa nila. Hindi sila nakakabuti sa plano ko."

"Ano nang balak mo ngayon?" tanong ko rito.

"Kasama ang ilang troop ng Valiente, luluwas kami nina Neo at Stella tungo sa Palomo para imbestigahan ang ginagawa nila doon. Kapag sinuwerte, baka mahuli pa namin ang ilan sa kanila. Siguradong may dahilan kaya sila napaparoon."

"You mean sasabak kayo sa kasong kahit regime, hindi kayang lutasan? Hindi ba napakadelikado naman nito? Kung nag-hold back sila sa loob ng school, siguradong hindi na dahil nasa labas na kayo," hayag ko rito dahil hindi ko mapigilang mag-alala.

"Siguradong nakakabahala nga ang idea na 'yon, pero hindi na tayo mga estudyante. If that's what Ezekiel wants, then it should be it. Mas mamimihasa ang Vindex kapag hindi agad sila napatigil sa ginagawa nila. Isa pa, malaking hakbang ito para sa growth ni Ezekiel sa kinabukasan. Hindi na siya bata para pagbawalan sa desisyon niya bilang future ruler," kontra ni Lauraine sa 'kin.

Hindi ko naiwasang samaan siya ng tingin dahil hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya. Nagtatanong pa lang ako at humihingi ng assurance sa kaligtasan nila. Kung hindi siya nangangamba, bakit ako sinasalungat ng isa na 'to?

"Tama si Lauraine, kaylangan ding maranasan ni Ezekiel ang mga bagay na 'to at alam kong hindi naman padalos-dalos ang desisyon niya, tama ba?" Baling naman ni Sylvester sa harap.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now