Chapter 41: Pinuno

7 6 1
                                    

NA-BLANKO na lang ang isip ni Kitty, maski ng kaharap niya ngayon nang magsalubong ang landas nila sa daan. Bigla na lang sumulpot ang isang ginoo mula sa mapunong bahagi sa tabi ng compound ng Apolaki at natigil din ito nang mamataan ang dalaga. Parehas na gulat at mukhang hindi inaasahan ang bagay na ito.

"L-Levi?" utal na ika ni Kitty.

Hindi nito lubos maisip ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon, lalo at alam niyang graduate at wala na ito sa paaralan. Kasabay pa nila itong lumisan noon palabas ng isla.

Hindi naka-uniporme si Levi ng paaralan o Warner tulad nang nakasanayan ni Kitkat, at nakasuot lang ito ng suit and tie na para bang galing pa sa trabaho. Ayaw niya ring maghinala ng hindi maganda dahil kahit papaano, magaan pa rin ang dalang hangin nito sa kaniya.

"What are you doing here?" kunot-noong ika ni Levi at umabante pa sa kinaroroonan ng dalaga.

Umiling naman si Kitty at binalik ang tanong sa kaniya, "What are you doing here?"

"Masyadong mapanganib dito ngayon sa paaralan, you shouldn't be here. May iba ka pa bang kasama?"

"Valientes and Ezekiel..." sagot nito at muling sumimangot. "Sandali nga, bakit ka ba nandito? 'Di ba graduate ka na? Hindi ba dapat wala ka na dito?"

"I came here after getting a call from the general of Valiente. Dahil mas malapit ang station ko, kami muna ang nauna dito. Pero pagdating namin, wala na, huli na ang lahat. Mukhang tapos na sila sa ginagawa nila," paliwanag ni Levi rito.

"Valiente? Valiente ka ba?" usisa ni Kitty dahil ngayon niya lang narinig ito. Hindi naman din siya nakakakalap ng ibang balita sa mga kaibigan niya. Natingin din siya sa kasuotan nito dahil naiiba sa mga kasama at nadatnan niyang officers. Kumpara sa kanila, mas kagalang-galang itong tingnan.

"I am, pagkalabas ko ng Crescencia, nagsimula agad ako. Hindi lang ako sa headquarters ng Diwata naka-station ngayon dahil tinatapos ko pa 'yung probation period ko," seryosong saad pa ni Levi at hindi man lang nalilihis ang tingin niya sa dalaga mula pa kanina.

Napatango na lang si Kitty bilang pagsang-ayon at muling naalala ang mga nadaanan niya kanina. "'Yung ibang officers, they're unconscious..." balita ni Kitkat dito.

"I know, nakita ko. Sa totoo lang, galing akong Apolaki para humingi ng tulong sa ibang estudyante, pero nadatnan kong may bantay sila sa loob, 'yung mga nakamantong nilalang. Nauna kong pumunta sa Mapulon kanina pero gano'n din, may nagbabantay din. Kung ano 'yung nangyari sa insidente noon, naulit na naman," hayag ni Levi.

Lalo namang umakyat ang kaba ni Kitkat sa narinig at bigla nalang naalala ang mga kaibigan niya. "Sila Jasmine at Eric, okay lang kaya sila? Ano'ng nangyari sa mga estudyante?"

"Ligtas sila sa loob ng bahay pero nakakulong sila."

Napabuntong-hininga naman si Kitty dahil tama ang sinabi ni Levi. Ganoon din ang nangyari noon sa insidente nila.

"Levi, si Alessandro—"

Bigla namang tinakpan ng binata ang bibig ng dalaga at itinabi ito sa daan. "I know, that's why we need to keep quiet."

"Pero si Ezekiel, hindi ko alam kung nasaan siya. Na-teleport na lang kaming lahat at hindi ko alam kung nasaan na 'yung mga kasama ko kanina. Sila Alessandro, nandoon sila sa quadrangle kasama si Quentin."

Napatango si Levi rito at pinagmasdan muna ang nag-aalalang itsura ni Kitkat. Hinimas niya ang balikat nito at nagsalita, "We're going to stop them, let's go."

***

Samantala, patuloy naman ang mainit na tensyon sa gitna ng quadrangle kung saan nagaganap ang palitan ng atake sa pagitan ng dalawang nabubuhay na dugong bughaw ngayon.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon