Chapter Three: Back to the Academy

101 11 0
                                    

"MAY iba ka pa bang kaylangan, 'nak?" usisa ni mama habang hinahawi ang buhok ko.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng bahay. Katabi ko ang isang maleta na dala. Nakasukbit naman sa likuran ko ang bagong bili ko na backpack. Magkakatabi sina mama, papa, at Reese upang ihatid ako.

Nakararamdam na naman ako ng lungkot dahil napakabilis ng isang buwan kapag kaharap ko ang pamilya ko. Mami-miss ko na naman sila dahil may tatlong buwan pa ang school year at kaylangan ko na namang mamalagi do'n nang hindi sila kasama.

"Wala naman, ma. Basta mag-iingat lang kayo lagi dito, ah?" hayag ko sa kanila.

"Tatlong buwan lang naman at babalik ka ulit dito. Saglit lang 'yon. Kita mo nga hindi mo na namalayan na nakapagbakasyon ka na sa bahay," pagpapalakas naman ni papa ng loob ko.

"Ate, uwian mo naman ako ng pasalubong. Gusto ko 'yung wala dito sa 'tin," saad ng kapatid kong si Reese kaya naman natawa na lang ako.

"Oo na, sorry na kung wala akong uwi sa 'yo. Yaan mo, sa susunod," pangako ko naman sa kaniya at ginulo pa ang buhok niya.

"Oy, baka ma-late na tayo! Kitkat, reply-an mo nga 'yung magaling mong kaibigan. Ang kulit! Pinapabyahe na tayo."

Nalingon ako sa likuran kung saan nakaabang si Eric sa itim na sasakyang inarkila namin. Tulad nung huli, ang punta namin ay sa abandonadong campus ulit sa Laguna. Doon kasi ang assembly point ng lahat ng enchanter na nandito para mag-travel sa kabila. Doon kami susunduin ng school bus.

Muli kong nilingon sina Mama. "Sige na po, mauuna na rin ako."

"Basta tandaan mo 'yung sinabi ko sa 'yo, ah? Ikaw si Kitkat at wala nang iba pa," huling payo ni mama sa 'kin.

Sinang-ayunan ko lang 'to bilang tugon at tuluyan nang nagpaalam sa kanila. Isa-isa pa 'kong bumeso sa kanila at tumungo na kung saan naroon si Eric.

Tinulungan niya naman akong magbuhat at kumaway rin siya sa pamilya ko bago kami tuluyang bumyahe. Mukhang kanina pa siya tine-text ni Jasmine na umalis na kami dahil baka maiwanan daw kami ng bus. As usual sa kaibigan ko, allergic sa late kaya natatawa na lang ako sa paghuhumyaw ni Eric.

Natutuwa rin naman ako na unti-unti na silang nagiging okay ng kababata ko. Bago kami lumisan sa Crescencia para sa bakasyon, talagang ang awkward ng hangin sa pagitan ng dalawa. Hindi ko alam kung nagkakausap ba sila, pero mukhang bumabalik naman na ang closeness nila. I guess I just have to ask Jasmine how she feels now compared to when she was rejected.

***

Makalipas ang ilang oras na byahe, narating din namin ang abandonadong gusali sa Laguna. Pagkapasok namin sa loob ng gate, muling nabuhay ang kalikasan ng lugar. Kung kaninang hindi pa kami nakatatapak sa loob ay para itong pinamumuhayan ng mga ligaw na kaluluwa, ngayon naman ay ramdam mo na ang buhay ng campus.

"There you are!"

Nadatnan naming palapit si Jasmine kung nasaan kami. Naka-ankle boots pa ang gaga. Sa likod niya ay tanawin ng mga estudyante na may kaniya-kaniyang gawain habang naghihintay sa sasakyang magdadala sa 'min sa kabila.

"Talaga ba, guys? Ten minutes na lang at dadating na 'yung bus, saka pa lang kayo dumating? Muntik na 'kong magka-anxiety kakaantay sa in'yo," hinaing ni Jasmine at agad kaming hinila parehas ni Eric.

"Ten minutes na lang? May ten minutes pa nga. Safe na safe pa 'yon," hayag ni Eric habang umiling-iling.

"Ano'ng safe? Ang standard na oras para masabing safe sa call time ay fifteen minutes. Muntik na kayo," sabi pa ni Jasmine na hindi nagpapatalo.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now