Chapter 46: Kitkat's Opinion

8 5 0
                                    

SIMULA nang marinig ko sa bibig ni Ezekiel ang plano niyang paghamon sa grupo nila Alessandro, hindi na nawala ang kunot ng noo ko. Pilitin ko mang alisin ang pangamba ko sa dibdib, hindi ko magawa dahil bakas sa seryosong mga mata ni Ezekiel na tototohanin niya 'yung sinabi niya.

Alam ko kung gaano katindi 'yung galit niya sa Vindex dahil sa mga ginawa nila, kaya hindi ko alam kung nasasabi niya lang ba 'tong mga 'to dahil sa bugso ng damdamin niya.

Nakalimutan niya na bang muntik na siyang maisahan ni Alessandro nung nabuhay siya? Nakalimutan niya na ba na kung hindi sumaklolo si headmaster, siya ang wala ngayon sa mundo na 'to? Ano bang iniisip ng lalaking 'to?

Magbibigay naman ng tulong sa kaniya ang Diwata at sinabihan pa kaming ipadadala nito ang malalakas at magigiting nilang sundalo kapag nangyari 'to. Aasikasuhin na rin nila 'yung mga bagay na makatutulong sa planong paghaharap.

Iyon pa ang kinaiinis ko. Hindi man lang sila tumanggi sa naisip ni Ezekiel at hindi man lang iyon pinag-usapang mabuti. Para sa public reputation niya, kaylangan niyang itaya ang buhay niya para mapanagot 'yung mga dark enchanter na mapanganib? Bullshit 'di ba?

Hindi ba dapat pino-protektahan siya dahil nga siya ang next in line sa trono? Dapat inilalayo at hindi siya sinasabak sa mga delikadong bagay para pangalagaan siya? Alam ko namang balang-araw kaylangan niya ring humarap sa mga peligro, pero sa future pa 'yon. Wala pa siyang responsibilidad sa mga mamamayan dahil hinahanda palang siya.

Natapos ang pulong namin at nagpaalam na rin ang mga bisita sa lahat. Maghihintay raw muna sila sa plano ni Ezekiel at sila nang bahalang magsagawa nito pagkatapos. Inabisuhan din kami ni madam Minerva na ihanda na ang mga sarili kung sakaling mangyari na ang binabalak nila.

Magbibigay naman ng tulong si commander Simeon simula bukas at siya raw mismo ang gagabay kay Ezekiel upang mas mapalakas ang sarili. Ibig sabihin, mananatili siya rito simula bukas. Madadagdagan din daw ang mga Valiente officer na papalibot dito para sa kaligtasan ni Ezekiel.

Eh, kung hindi na lang sila sumang-ayon sa laban-laban na 'yan, mas safe sana 'di ba?

***

Pagsapit ng gabi, nagpatawag agad ng meeting si Ezekiel sa office niya para sa 'ming mga kasapi ng grupo niya. Tulad ng nangyayari noon sa lihim niyang silid sa eskuwelahan, kami naman ang nais niyang kausapin ukol sa naging desisyon niya kanina.

Pagtapos naming maghapunan, nag-ayos at nagpababa lang kami ng kinain at dumiretso na sa opisina ni Ezekiel kung saan laging nagaganap ang mga pulong namin bilang grupo.

Pagkarating ko, nag-aabang na ang iba sa kani-kaniyang silya habang nagkukwentuhan upang hintayin ang iba pa. Nandoon na rin si Ezekiel sa gitna at tila malalim ang iniisip niya ngayon. Nakapangalumbaba pa ito.

Usually, sa magkatabing gilid ni Ezekiel nakaupo sina Hannah at Lauraine dahil ito nga ang representative at gumagabay sa mga desisyon niya. Natural lang naman iyon dahil silang dalawang babae ang kasalukuyang nag-aaral patungkol sa public administration para sa kinabukasan ng kanilang hari. Sinasanay na rin nila ang sarili kaya laging kasama ni Ezekiel ang mga 'to sa diskusyon.

Sa tabi naman ni Hannah ako parati nakaupo kahit wala naman talaga 'kong ambag minsan sa mga pinag-uusapan nila. Minsan nga pakiramdam ko salimpusa lang ako at hindi ako belong sa samahan na 'to. Wala naman kasi akong ibang ginagawa kung 'di husgahan 'yung mga napag-uusapan nila sa isip ko. Wala rin naman akong say kung ano ang gusto nila dahil wala akong alam sa mga 'to.

Pero ngayon, hindi ako doon naupo kahit napansin kong binakante talaga ng iba kong kasama ang pwesto na 'yon para sa 'kin. Imbis, tumabi ako kay Neo kung saan dating nauupo si Stella noong nandito pa siya.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now