Chapter Eighteen: Realization

32 7 3
                                    

NAKUWENTO ko lahat kay Ezekiel 'yung mga nalaman ko kay Mama noong bakasyon. Mula sa kung ano ang nangyari kay Celestine hanggang sa kung ano ang maaaring pinagmulan ng royal war na nangyari noon.

Halata sa reaksyon ng mukha ni Ezekiel na ngayon niya lang narinig ang mga ito, kaya pati siya, hindi nakapagsalita sa lahat ng iyon.

Dahil sa pagtatangka ni Alessandro sa buhay ko, mas lalong nagmatigas si Ezekiel na isama ako palabas ng academy na 'to sa graduation. Maski ako, parang wala na ring choice kung gusto kong maging ligtas ang kapakanan ko.

Kung hindi pa niya sinabi na mas malalagay ako sa panganib, hindi ko mapagtatanto ang bagay na iyon. Gayon pa man, hindi ko pa rin binigyan si Ezekiel ng sagot sa kung ano ang desisyon ko sa plano niya.

Dumaan ang ilang linggo nang hindi pa rin ako nakapagpapasya. Walang ibang nakakaalam kung ano ako, maski sa mga miyembro ng grupo. May hinala sila dahil nga sa kuro-kuro na binigay ni Ezekiel noon, pero hindi sila sigurado sa bagay na iyon. Puwedeng alam na nila dahil hindi naman mahirap isipin na gano'n, lalo't magkaiba ang nasaksihan nila sa 'king enchantment dati. Pero marami kasing factor na puwedeng pagbasehan pagdating sa ability ko.

Ayoko ring ituring ang sarili ko na tunay akong La Verna dahil malinaw naman na hindi ako lumaki sa environment ng mga maharlika. Ngunit mas gusto ko pang alamin ang pinanggalingan ko na iyon. Sa tingin ko rin, magagawa ko lang iyon kapag lumabas ako ng eskwelahan na 'to.

Pero paano? Talaga bang kaylangan kong lisanin ang school life ko? Sumasakit na ang ulo ko kakaisip, kahit alam ko naman kung ano ang patutunguhan sa huli ng pagninilay-nilay na 'to.

Parating na ang graduation ng fourth year at pakiramdam ko, nagigipit na 'ko sa oras. Unti-unti na ring nababawasan ang klase dahil nga patapos na ang unang taon namin dito. Mas abala na ngayon ang academy para sa pagpapaalam ng mga senior namin dito. Sinisimulan na ang pagsasaayos sa De La Cerna Hall para sa napakahalagang okasyon at hindi namin malapitan ang faculty. Lahat sila, puno ang isip hindi lang sa mga estudyante, kung hindi pati na rin sa problemang kinakaharap ng mundo. Ang lagusan na hanggang ngayon, hindi pa rin nila masolusyunan.

Kasalukuyan akong nasa loob ng bakanteng class room habang tulala sa bintana. Nakaupo ako sa upuan na malapit dito. Kulay kahel na ang kalangitan dahil nagbabadya na ang pagdilim. Tahimik lang din sa loob at wala rin ako sa wisyo upang marinig ang maliliit na kaluskos ng bagay-bagay.

Kasama ko naman sa silid si Jasmine na siyang abala sa pagsusulat niya sa notebook ngayon. Pinapunta niya lang ako dito upang hintayin siya sa ginagawa niyang report. Ayaw niya raw kasing maiwan mag-isa kaya tinawag niya na 'ko. Bukod doon, nag-usap kami na kakain kami ng ice cream bago umuwi.

"I'm done, finally!" bulalas ni Jasmine at suminghal pa.

Natingin naman ako dito at ngumiti lang sa kaniya. Inayos niya agad ang sariling gamit, pagkatapos ay lumapit siya sa kinaroroonan ko upang maupo sa silya na nasa harap ko ngayon.

"Let's go?" tanong ko rito.

"Before that, may gusto akong itanong sa 'yo. Tutal wala namang tao at safe ang usapan natin kapag magkausap tayo," hayag ni Jasmine at biglang kumapit sa braso ko. "Is it activated?"

"It's always active nowadays," tukoy ko sa mental shield ko.

"Great, so? Nakapagdesisyon ka na ba kung sasama ka kina Ezekiel sa labas?" usisa ni Jasmine sa 'kin.

Sandali akong natahimik at hindi pa nga pala namin napagku-kwentuhan ang bagay na 'to. Itong kaibigan ko, sinabi niya nang maiiwan siya dahil alam kong hindi niya pababayaan ang pag-aaral niya.

"Maybe, maybe not?" hindi ko siguradong sagot.

"Why? Malapit na 'yung graduation, you have to decide."

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now