Chapter 78: Parting Time

10 4 5
                                    

BUMAGAL ang mundo ni Ezekiel sa sandaling iyon, at parang sirang plaka ang huling sinabi ng dalaga sa kaniyang isip. Paulit-ulit din nitong binabasag ang tenga't puso niya, hinihiling na sana, mali ang pagkakarinig niya rito. Ngunit hindi nagsisinungaling ang mga luha na tuluyan nang pumatak sa pisngi ni Kitkat.

"Ano?" bulalas ni Ezekiel sa nanghihina nitong boses.

Hindi naman agad nakasagot ang dalaga at napayuko na lang upang takpan ang kaniyang mukha. Hindi pa man nakapagsasalita, nauna nang rumagasa ang luha niya sa nararamdaman.

Habang natulala naman ang mga nakapalibot sa kanila dahil hindi rin sila makapaniwala sa narinig mula kay Kitkat. Naparalisa naman si Ezekiel sa kinatatayuan lalo nang makita niya kung paano ito umiyak ngayon sa harap niya.

Pinilit namang ikalma ni Kitkat ang sarili niya at pinunasan ang luha nito sa mga mata. Pagkatapos ay lumapit pa siya kay Ezekiel upang hawakan ang kamay nito. Malungkot muna itong tumingin sa binata at nagsalita, "I didn't want all of this. Ikaw lang 'yung gusto ko sa lahat ng meron tayo ngayon. Hindi ako nag-isip ng maigi sa pagsama sa 'yo dahil akala ko, magiging sapat na na nasa tabi kita. Hindi ko inakala na ganito kahirap palang manatili sa buhay mo."

Nagngalit naman ang panga ni Ezekiel habang pinipigilan ang sariling emosyon sa mga nalalaman niya ngayon. Gusto niya mang sumagot, batid niyang bubuhos ang lahat ng bigat na nararamdaman niya.

"Ayoko nang umabot pa sa puntong maging pilit na lang 'yung kaligayahan ko sa palasyo dahil sa mga bagay na kaylangan kong tiisin para lang makasama ka," dagdag pa ng dalaga habang humihikbi.

"Iiwan mo 'ko?" mahinang sambit ni Ezekiel habang tinatago ang sariling emosyon.

Napailing na lang si Kitkat dito at napakagat ng labi. "Can't you just let the regime handle all of this? Hindi ba pwedeng mamuhay na lang tayo ng normal?"

Hindi kumibo si Ezekiel at pinagmasdan lang ang dalaga.

"If I ask you to choose between the throne and me, pipiliin mo ba 'ko?" ani Kitkat sa nababasag niyang boses. Ngunit hindi pa rin siya nakatanggap ng sagot kahit lumipas na ang ilang sandali. "Would you?"

Napayuko na lang si Ezekiel sa harap niya, at batid na agad ni Kitkat kung ano ang ibig sabihin nito. Tila tinutusok man ng libu-libong patalim ang puso ng dalaga ngayon, napatango na lang siya rito.

Inasahan na niyang hindi na kaylanman mababago pa ang isip ni Ezekiel pagdating sa inaasam niya sa buhay, pero umasa pa rin ito na baka kahit kaunti, meron pa ring pag-asa na piliin siya ng binata. At kung gano'n ang patutunguhan nito, oras na rin upang piliin niya ang sarili nang hindi sinasama si Ezekiel sa desisyon niya.

Hinawakan na lamang ng dalaga ang magkabilang pisngi ni Ezekiel upang iharap ito sa kaniya. "Just because I will not choose you today, doesn't mean na hindi totoo lahat ng naramdaman ko sa 'yo. Sobrang dinudurog 'yung puso ko ngayon, pero magkaiba tayo ng gustong landas, Ezekiel. At hindi magiging mabuti para sa 'ting dalawa 'yon. Always remember how much I love you, at kung ito na 'yung huli para sa 'tin, you will always have a special place in my life."

Hindi na rin napigilan ng binata ang pagsalubong ng kilay niya. "Seryoso ka ba?"

Tango lang ang sinukli ni Kitkat dito habang patuloy ang pag-agos ng kaniyang luha.

"Sasama ka sa kanila?" ani Ezekiel na para bang namamanhid na rin ang boses niya. "Kapag ginawa mo 'yon, hindi ka na makakabalik dito—"

"I know... I know."

Napalihis na lang ng tingin si Ezekiel at hindi niya na rin napigilan ang paglalim ng hinga niya. Hindi malaman kung dapat bang nangyayari 'to ngayon. Napakahirap para sa binata ng hinihiling ni Kitkat, ngunit hindi niya rin magawang pigilan ito.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now