Chapter 53: Reconciliation

7 4 1
                                    

NANATILI akong nakaupo sa bangko habang pinagmamasdan pa rin ang kalangitan na hindi nagbabago. Naroon pa rin ang liwanag ng buwan na sumasalamin sa kalawakan ng karagatan, habang ang mga bituin naman ay makinang na nagniningning upang maging saksi sa mundo.

Ang sabi ni Ezekiel ay sinusundo niya 'ko, pero heto kami ngayon, nasa hardin pa rin ng palasyo niya. Imbis na ako ang umalis, nagprisinta na si Commander Alcazar na siya nalang ang papasok sa loob. Pinayuhan pa nito si Ezekiel na manatili rito sa labas upang mapagmasdan niya kung gaano kaganda ang tahanan niya. Mas maigi rin daw kung hihinga muna siya rito sa labas upang makapag-relax.

Wala na rin namang nagawa si Ezekiel dahil pinilit na siya ni commander kanina.

"Ano nang napag-usapan n'yo?" kaswal na tanong ni Ezekiel sa 'kin.

"Marami. Ang bait pala ni commander 'no? Madami rin akong natututunan sa kaniya," hayag ko at bumalik sa isip ko ang mga sinabi niya sa 'kin. Naningkit na lang ang mata ko at tumingin kay Ezekiel. "Teka nga, sinadya mo bang ibilin ako kay commander dahil alam mong sa mga La Verna siya nagtrabaho dati?" mahina kong saad upang walang makarinig sa 'min. Syempre humawak din ako sa kaniya para madamay siya ng shield ko.

Ngumisi ito sa 'kin at senyas iyon ng pag-amin niya.

"Hindi ka ba mahahalata do'n?" saad ko rito. Gayon pa man, masaya ako sa ginawa niya dahil marami akong nalaman.

"Kung gusto mong makiisa pag hinarap ang Vindex, kailangan mo rin ng gabay ng pinakamahusay sa larangan ng pakikipaglaban. Siguradong gamay niya ang enchantment mo dahil sa defensive magic dalubhasa ang angkan mo. He served La Verna longer than we've ever lived. Naisip ko rin na baka curious ka sa kanila kaya magandang opportunity 'yun kung gusto mong magtanong-tanong," hayag nito sa 'kin. "May mga nalaman ka naman ba?"

Ngumiti ako kay Ezekiel at tumango-tango. "Mostly sa mga katangian lang nila. Parang nakakasakal nga pag in-imagine mo, eh. Mas gugustuhin ko nang maging parte ng Valeria kaysa doon sa mga La Verna."

Natawa 'to at nagsalita, "Bakit naman?"

"May rules na nga sa labas, may rules pa sa loob ng angkan na 'yon. Nakakasakal pakinggan. Hindi katulad sa iniyo, maluwag daw sa pamilya mo. Nagagawa nila 'yung gusto nila at parang wala silang pakielam sa tradisyon ng mga royal blood. I'd rather be a Valeria," ika ko.

"You will be, someday."

Hindi ko naman napigilang mangiti dahil parang kiliti iyon sa tenga ko. Para bang ang tagal na panahon kong hindi narinig 'yung matatamis niyang salita kaya labis na lang ang pagkasabik ko rito.

"What else did you talk about?" usisa pa niya na parang interesado siya sa mga kwento ko.

"My parents. It's interesting kasi iba 'yung na-imagine ko sa tunay kong ama. Ang nasa isip ko, matino siya, seryoso, parang ikaw, given na siya nga 'yung tagapagmana. Ayon naman kay commander, sobrang pasaway daw." Bahagya akong natawa. "While my mother seems like a worried person, hindi niya raw gaanong nakakasalamuha pero gano'n daw ang nakita niya."

"Parang dini-describe mo lang 'yung sarili mo, ah?" pabungisngis nitong komento.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "What do you mean by that?"

"Pasaway ka rin naman 'di ba? Pero parang mas nagmana ka sa nanay mo, masyadong maalalahanin," hayag nito at alam ko ang tinutukoy niya.

Bumuntong-hininga ako rito at napayuko. "Masama bang matakot ako para sa 'yo?"

"Wala akong sinasabing gano'n, I actually appreciate it," sambit niya at humarap sa 'kin. Kinuha pa nito ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. "Just because I don't mention it, it doesn't mean that it's not bothering me, Kitkat. Alam kong nag-aalala ka at naiintindihan ko kung bakit. But you have to understand that I have to be involved with this one. Sooner or later, Alessandro's case will be my responsibility because I chose this path. I have to prove the society that I am capable of this."

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now