Chapter 72: Ezekiel's Rage

7 4 0
                                    

NAGING maganda ang gising ko ngayong umaga. Sino ba namang hindi, eh kung ang bubungad ba naman sa 'yo pagdilat pa lang ng mata mo ay si Ezekiel na. Lalo pang kinumpleto ng mga ngiti niya na 'yon ang araw ko at tila naglaho nalang lahat ng pangamba at sama ng loob ko sa kaniya nung mga nakaraang araw.

Sa totoo lang, ginusto ko ring i-open sa kaniya ang tungkol sa propesiya dahil alam kong batid niya na ang tungkol dito. Noon ko pa nalaman 'to nung nagkwento si Mama tungkol sa katauhan ko, pero parang nawala na lang 'yon sa isip ko dahil sa dami ng nangyari. Ni hindi nga ako sigurado kung parehas ang pangitain nilang dalawa na may kinalaman sa 'kin.

It's been bothering me dahil naguguluhan ako sa dami ng ganap sa mundo na 'to. Hindi ko lang talaga na-bring up kay Ezekiel 'to kagabi dahil pakiramdam ko, vulnerable pa ang feelings niya. Napapaisip din ako kung nagtataka ba siya doon o wala iyon sa mga iniintindi niya ngayon.

Pero laking tuwa ko rin nung narinig ko na balak nilang babaan ang parusa kay Levi. Kahit papa'no, guminhawa ang pakiramdam ko. Ayos nang makulong siya, pero ibang usapan na kapag buhay ang pinag-uusapan. Kaya naman hindi na 'ko kumontra pa kay Ezekiel kagabi, kahit na para sa 'kin, hindi masamang bigyan siya ng chance.

Palubog na rin ang araw at natapos ko na ang mga bagay na binalak kong gawin ngayon. Mula sa pagsasaayos ng mga susunod na ipababago sa bahay, hanggang sa pag-usisa ng iba pang silid na hindi naaayos.

Habang tinatahak ko ang daan upang tumungo sa kitchen area para i-check ang magiging hapunan, namataan ng paningin ko si Vivien na naglalakad sa pasilyo kaya naman tinawag ko ito. Simula kahapon, parang ngayon ko lang ulit siya nakita.

"Kahapon pa kita hinahanap, ah? Akala ko ba sasamahan mo 'kong tingnan 'yung ginagawang library?" hayag ko rito nang makalapit siya sa 'kin.

"Nandito lang naman ako sa palasyo, naglalakad-lakad saka nagpahangin sa labas," sagot ni Vivien sa 'kin. "Pasensya na, nakalimutan ko."

"Okay lang naman." Bahagya pa 'kong tumango. "Gusto mo bang sumama sa 'kin sa kitchen? Che-check ko lang 'yung mga niluto para sa dinner."

"Sure, wala na rin naman akong gagawin."

Nagsimula na rin kaming maglakad sa tutunguan at nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga balak kong isunod na ipaayos sa palasyo. Nagbigay rin siya ng mga suhestyon ukol dito. Nang marating namin ang hallway kung saan naroon ang malawak na hagdan tungo sa itaas, napatingin kami parehas sa grupo ng mga naglalakad galing sa lugar kung saan naroon ang conference room ng mga council.

Si Ezekiel agad ang una kong nakita dahil nangunguna siya sa gitna at tila nagmamadali sila sa paglalakad. Nakasunod sa kaniya sina Hannah, Lauraine, Chester, Commander Simeon, at ilan pang Valiente.

Nangunot na lamang ang noo ko nang mapansin ang bakas ng panggigigil sa mukha ni Ezekiel. Akala mong susugod ito sa laban dahil sa paglalakad niya.

Nagkatinginan naman kami ni Vivien dahil sa nasaksihan. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na sumunod dito dahil kinakabahan ako sa reaksyon ni Ezekiel.

Nang makahabol na kami sa kanila, parang alam ko na kung saan ito patungo. Sa piitan kung saan nakakulong ngayon si Levi.

Dahil sa pagtataka, hinila ko si Hannah upang magtanong dito. "Ano'ng meron?" tanong ko agad sa kaniya kaya nahinto kaming tatlo nina Vivien.

Hindi naman nakatakas sa 'kin ang pagkabahala sa mga mata ni Hannah, at sinagot niya rin ang tanong ko. "Wala sila Stella at mga kaibigan mo sa location na binigay ni Levi. Maski 'yung lalaki, wala doon. Pagdating ng Valiente, wala na sila."

"What!? Eh, nasa'n??" kinakabahan kong tanong.

"We don't know, and I think we're about to find out," ani Hannah sa 'min at hinila na rin kami upang sumunod sa mga nauna.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now