Chapter 35: Informant

4 6 0
                                    

PAGKABUKAS ng pinto sa conference room ng mansion ng alkalde, napalingon ang lahat na nakaabang doon para sa layuning pagsaklolo kay Stella.

Tanging pangkat ni Ezekiel lang ang nasa loob. Nasa labas naman ang mga Valiente at opisyal ng Palomo. Hangga't maaari, nais ng binata na sa kanila lang muna ang mahahalagang impormasyon.

Bumungad sa kanila si Vivien na inutusan nilang magkumpirma sa kinaroroonan ngayon ng dalaga.

Pagkarating ng clairvoyant nung isang araw, agad silang nagbigay ng gamit ni Stella na naiwan sa tinutuluyang silid nito. Isang suklay kung saan may naiwan pang hibla ng buhok niya. Dahil doon, nagawang mapasok ng enchanter ang pananaw ng dalaga. Nakita nila kung ano ang katapat ng talampas na kinaroroonan nito, at upang makumpirma, si Vivien muna ang tumungo roon upang maabisuhan si Stella.

"Handa na ang mga Valiente. Pupuntahan na namin ang location ngayon din," ani Neo at umakma nang aalis.

"Sandali..." sambit ni Vivien habang lumalapit sa kinaroroonan nila. Nang marating nito ang harap ng mesa, inilapag nito ang papel na dala. "Ibigay ko raw muna sa iniyo 'to."

Nagtaka naman ang grupo dito. Dahil si Kitkat ang nasa harap ng sulat, siya na ang kumuha nito. Tumingin muna siya kay Ezekiel na tumango lang sa kaniya. Pagkabuklat ng dalaga, nagsimula na rin itong magbasa upang marinig ng lahat. Habang bukas naman ang kaniyang enchantment.

This is Stella,

Marami akong nalaman tungkol sa Vindex habang nandito ako. Uunahin ko na 'yon sa sulat na 'to. Una sa lahat, alam ng Vindex na wala ka na sa Crescencia, Ezekiel. Pwedeng nabalitaan, pero alam din nilang kasama mo 'yung grupo mo. Pangalawa, si Vivien ang pakay nila sa Palomo at hanggang ngayon, hindi pa rin sila sumusuko na kunin siya. Sa pagkakaintindi ko sa narinig ko, etong kasama ko ngayon ang inutusan sa kaniya. I tried asking this guy, pero ayaw niyang magbigay ng kahit anong information tungkol kay Vivien. Pangatlo, they talked about the eclipse. I can feel na may balak sila sa araw na 'yon, at heto ang pinakamahalaga sa mga nalaman ko. Thanks to this guy, I was able to gain some things.

Tulad ng hinala ninyo, Monique is one of them and I hate to admit it, but I think she's one hell clever bitch. Iyon lang ang tungkol sa kaniya, at eto ang dapat ninyong malaman.

'They are trying to revive Alessandro to kill him after.' I don't really know kung anong ibig sabihin nito dahil magulong kausap 'tong si Valentin. Hindi alam ng grupong Vindex na balak siyang patayin pag nabuhay siya, kaya ang dating sa 'kin, may gustong pumatay kay Alessandro sa loob ng kulto na 'yon at hindi ito alam ng iba. Hindi ko alam kung anong rason pero aalamin ko. Again, I'm trying my best to communicate with this guy 'cause he can't speak well.

Therefore, I will stay here with this guy to be your informer slash investigator. If you can have your clairvoyant on your side, tuwing sisikat ang araw, magbibigay ako ng sign kung may mabibigay akong detalye sa araw-araw o wala. Kapag meron, maybe Vivien can help as a messenger. Pupuntahan niya 'ko at magpapadala ng sulat. Sa tingin ko mas magiging mabuti 'to para kahit papa'no, may parang mole tayo. Just trust me on this one. There are things na hindi ko na mae-explain pa sa sulat at kung bakit ito 'yung naging desisyon ko.

P.S. I'm safe; the Vindex doesn't know that Valentin is keeping me. Wala siyang balak na ibigay ako sa mga kulto at pakiramdam ko, ayaw niya kong mapahamak kapag ginawa niya 'yon. Sinisikreto niyang kasama niya 'ko. Ayaw niya rin akong pauwiin dahil ayaw niyang magsalita ako sa iniyo tungkol sa kanila. Ibig sabihin, hindi niya alam na nagkita na kami ni Vivien at napadala ko na 'tong sulat sa kaniya. Kaya please, cooperate with me, 'wag ninyong ipahalata ang tungkol sa 'kin.

Trust me on this, Ezekiel.

Matapos itong basahin ni Kitkat, nagkaroon ng kaunting katahimikan sa loob ng silid. Lahat sila, pilit pang inuunawa ang nilalaman ng sulat na iyon. Dahan-dahan namang naglakad ang dalaga papunta kay Ezekiel at iniabot ang sulat sa kaniya.

"Ito 'yung sinusulat niya na nakita ng clairvoyant," sambit ni Kitkat.

Upang masiguro ang kaligtasan at lokasyon ni Stella, sinusubaybayan din nila ito kasama ang clairvoyant sa pananaw ni Vivien. Kaya batid nilang may isinusulat ito habang magkausap ang dalawa kanina.

"So, Stella insisted on staying with that gargoyle to gain more information..." bulalas naman ni Hannah at napaupo. "Hindi ko alam kung anong nangyari kay Stella dahil halos isang buwan din niyang kasama 'yon sa kuweba na 'yon. Baka nagkakilanlan 'yung dalawa."

"Baka nga. I doubt na matitiis ni Stella na manatili sa tabi nung isa na 'yon kung puro kasamaan 'yung pinapakita no'n sa kaniya. She even said that the Vindex doesn't know that the guy is keeping him," komento naman ni Kitkat dito. "Ezekiel?"

Ilang segundo munang hindi kumibo ang binata at tila nag-isip pa. Ngunit agad din itong bumaling kay Vivien at nagsalita, "You were there. Do you really think that she's fine?"

"Hindi ko rin masabi dahil parang naguguluhan din siya sa sarili niya kung babalik ba dito o hindi. Pero 'yung pagdadalawang-isip niya, sa tingin ko hindi iyon dahil sa nangangamba o natatakot siya doon sa halimaw. 'Yung tingin niya, parang may bahid ng pag-aalala," paliwanag ni Vivien at nagpatuloy pa, "Saka sa nakita ko, parang ayos naman 'yung lagay niya. May mga pagkain, may kumot, unan, saka mga bagay na mapaglilibangan niya. Kahit na nasa loob siya ng kuweba, parang matitiis mo namang manatili doon."

"Hindi siya pinababayaan nung lalaki..." bulalas ni Kitkat dito.

"Kung 'yun ang gusto ni Stella, iyon na lang ang gawin natin. Baka mas lalo siyang malagay sa panganib kapag nangielam at pinilit pa nating iligtas siya. Siguradong may dahilan siya sa ginagawa niya," ika ni Ezekiel at muling kinuha ang sulat upang pasadahan ito ng basa.

"Out of all people, hindi ko akalain na si Stella pa 'yung papayag sa ganiyang set-up," turan ni Chester at nangiti na lang.

"May ugali man 'yan sa pakikitungo sa ibang tao, mataas ang paninindigan ni Stella sa mga nagiging desisyon niya. Ayaw niya lang talagang nagmumukha siyang mahina sa harap ng ibang tao," pahiwatig ni Neo rito. Kung may higit na mas nakakikilala sa dalaga sa silid na 'to, silang dalawa iyon ni Ezekiel.

"Monique, huh? Talagang kasapi siya ng kulto. Kahit na parang ine-expect na natin, nakakagulat pa ring malaman 'no?" ika naman ni Kitkat sa mga 'to.

"Stella's right, Monique is clever. Hindi ko alam kung pa'no niya nalusutan 'yung panghihimasok ko sa isip niya no'n, pero siguradong hindi basta-basta 'yung mga pamamaraan niya. Nagawa niyang magpanggap na inosente siya sa buong pamamalagi niya sa loob ng eskuwelahan. That only means na mahirap talagang kalabanin ang Vindex. Hindi na tayo pwedeng magtiwala lang ng basta-basta sa kahit kanino na ngayon. Hindi natin alam, baka meron pang daga-daga d'yan sa paligid," opinyon naman ni Hannah rito.

"Chester," tawag ni Ezekiel, "alamin mo kung kaylan ang susunod na eclipse. Kung talagang tama 'to, kikilos na rin ang Vindex."

"Nagsisimula na 'yung school year. Sa tingin mo ba safe ang Crescencia?" nag-aalalang tanong ni Kitkat dito.

"Hindi ko alam, pero sisiguruhin ko rin 'yan. Mas matibay na ang proteksyon ng lugar at wala na silang pwedeng pakay do'n. Lumabas na 'ko ng school at wala nang ibang maharlika do'n kung 'yun ang kaylangan nila," sabi ni Ezekiel.

"But then, they know na nasa labas ka na. What if they're still after you? Mas madali na silang makakalapit sa 'yo," turan pa ni Kitkat sa kaniya.

"Don't worry, maghahanda na kami kung sakali. Sa ngayon, hayaan muna natin si Stella sa gusto niya. Mukhang magiging malaking tulong naman 'yung plano niya. Aalis na tayo sa Palomo, pero bago 'yon, may isang isla ako na gustong puntahan."

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon