Chapter 69: Ill Argument

7 4 0
                                    

DUMATING ang oras ng pahinga ni Ezekiel at agad din siyang bumalik sa sariling silid. Kasing bigat ng kaniyang paghakbang ang nararamdaman habang tinatahak ang pasilyo. Hindi malaman kung ano ang dapat unahing isipin dahil sa dami ng nangyari.

Pagkapasok na pagkapasok nito sa loob ng kwarto, tila gumaan na lang ang pakiramdam nito sa bumungad sa kaniya. Hindi niya inasahang nag-aabang sa kaniya ngayon si Kitkat habang nakasandal ito sa kama niya.

Gusto ni Ezekiel ng ganitong tanawin tuwing matatapos ang matitinding kaganapan. Sa pagtatapos ng araw, sapat na ang presensya ng dalaga para maalis ang pagod na nararamdaman niya. Kahit na batid ng binata na hindi maganda ang dulot ng pagtingin sa kaniya ni Kitkat ngayon, ayos lang basta't nakikita niya ito.

Agad na tumayo ang binibini upang salubungin ang kasintahan at hindi na ito nag-aksaya pa ng oras para sa pakay niya kay Ezekiel. "Execution? Really?"

Napahinga na lang ng malalim si Ezekiel sa bungad sa kaniya, at kahit inaasahan niya nang tungkol 'to dito, hindi niya pa rin naiwasang marindi. Nagsimula itong magtanggal ng tsaleko at nilampasan lang si Kitkat. Tumungo siya sa estante kung saan naroon ang alak niya. "The decision has been made and it's final. Kapag nakuha na natin ang sagot kung nasaan sila, matutuloy ang bitay. Ayoko nang pag-usapan 'to."

"Seryoso ka ba?" kunot-noong ika ni Kitkat sa kaniya. "Alam kong alam mo, Ezekiel. Naiintindihan mo ang punto ni Levi at alam mong balang araw, magiging malaking tulong ang ginawa niya. Mabuhay man ngayon o hindi si Alessandro, babalik at babalik siya sa takdang panahon. At kung hindi binanggit ni Levi ang tungkol sa bolang kristal, mabibigo at mabibigo lang ang pagtugis n'yo sa kaniya. Napakalaking bagay no'n para sa bansa na gusto mong pamunuan. Mali 'yung way niya, oo. Pero at the end of the day, he was the key for you to know how to deal with Alessandro."

"It doesn't matter. Nakapinsala na siya at iyon ang pinagbasehan ng hatol sa kaniya. You have to understand that too," sagot pa ni Ezekiel dito at sumalubong na rin ang kilay niya.

"Hindi ba pinaubaya na sa 'yo ng regime kung ano'ng gagawin sa kaniya? May choice ka, pero bakit pinili mo pa rin 'yung marahas na daan?" hayag ni Kitkat sa mabigat niyang paghinga. "I know you. Kahit na mahigpit ka, hindi ka malupit na tao. Talaga bang ikaw lang ang nagdesisyon n'yan?"

Napailing naman si Ezekiel dito at batid niyang hindi siya titigilan ng dalaga sa paksang ito. "Fine, sasabihin ko kung ano 'yung gusto mong malaman." Bahagya pang lumapit ang binata kay Kitkat upang makatapat ito. "Isa siyang Elacion at hindi man sabihin ng regime, napakalaking threat niya para sa kanila. Hindi nila binigay sa 'kin 'yung paghahatol sa kaniya para hayaan akong magdesisyon sa sarili ko. The regime is testing me, I know that. Gugustuhin pa rin nila 'yung gusto nilang mangyari."

"Eh 'di hindi ikaw ang nagpasya. Regime pa rin at nakinig ka lang sa kung ano'ng gusto nilang gawin mo," ani Kitkat sa nanghihina nitong boses.

"Because I have to be on their side to achieve everything. Mas malakas pa rin sa 'kin sina Juarez at Minerva. Kaylangan kong ipakita na iisa ang pananaw namin habang wala pa 'ko sa posisyon," paliwanag pa ni Ezekiel at bumuntong hininga. "Isa pa, magiging hadlang din siya sa katayuan ko ngayon."

"Y-you're doing this because you don't want to risk your crown. Is that it?" utal na tanong ng dalaga rito.

"Mas threat siya sa 'kin kaysa kay Alessandro. The public still admires the Elacion, nakikita mo naman 'yon. I have to do everything to secure my spot. Until then, I can't risk anything."

Napalihis na lamang ng tingin si Kitkat mula kay Ezekiel at natulala sa kawalan. Tila hindi makapaniwala sa naririnig niya ngayon.

Handang talikuran ng binata ang kaniyang pagiging tao para lang sa hinahangad niya. Batid ng dalaga na simula nang magpakilala ito sa publiko bilang isang royal blood, mas nagiging determinado ito sa kaniyang gawain, ngunit hindi niya inaasahang ganito. Para bang unti-unti ring nababago ng mga kilos ngayon ni Ezekiel ang kaniyang pagkakilala rito. Hindi sa magandang paraan at ayaw niya ng ganitong pakiramdam.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownOnde histórias criam vida. Descubra agora