Chapter 49: News

8 4 0
                                    

ILANG araw nang lumipas magmula noong dumistansya 'ko sa grupo ni Ezekiel. Araw-araw na silang nagmi-meeting at minsan, umaabot ito ng madaling araw. Tulad ng inaasahan, dumating din agad ang mga bisita mula sa Valiente. Mas naging abala na ang buong palasyo sa pagdating nila. Maski ako, kinaylangan kong asikasuhin 'yung mga tutuluyan nila at ayusin ang iba't ibang bagay dahil marami-rami rin ang nadagdag. Ako rin ang nag-asista sa mga ito sa buong palasyo para kahit papa'no ay maging pamilyar sila.

Hindi pa rin kami nagkakausap ni Ezekiel simula noon. Aaminin ko namang hanggang ngayon, masama pa rin ang loob ko sa nangyari, at magsisinungaling naman ako kung sasabihin kong ayos lang sa 'kin na hindi kami nag-uusap ngayon. Nung gabing nag-inom kami ni Vivien, umaasa pa 'ko na baka puntahan niya 'ko at ipaliwanag kung bakit gano'n ang naging desisyon niya. I wanted him to assure me that he will be safe no matter what. I wanted to hear it from him directly—pero wala.

Minsan naiisip ko na baka masyado akong naging exaggerated sa mga sinabi ko sa office niya. Nag-walk out pa nga kasi ang lola mo. Nilabas ko lang naman ang saloobin ko sa balak na iyon pero parang ako pa 'yung nagi-guilty. Baka kasi mamaya nadungisan ko 'yung ego niya, lalo't sa harap ng ibang tao pa 'ko gumano'n.

Hindi naman kasi ako ibang tao kay Ezekiel. Ako 'yung girlfriend niya at alam ng lahat 'yon na naninirahan dito. Ang pagsalungat ko sa desisyon niya ay hindi maliit na bagay para sa kanila.

Hindi ko naman intensyon na magbida-bida dahil kung iyon ang pakay ko, sana noon palang ginawa ko na 'yon dahil hindi na mabilang 'yung mga bagay na hindi ko naman talaga gusto. Even the whole idea of him being the king of this country—hindi ko gusto.

Alam ng mga taong malalapit sa 'kin na kapag hindi ko gusto ang isang bagay, hindi talaga at sasabihin ko agad iyon. Pero simula nung dumating ako dito, simula nung matira ako sa lugar na 'to kung saan lahat ng mga kilos at diwa mo ay nasusukat, parang kusa na lang din akong binago noon. Hindi na 'ko basta-basta nakapaglalabas ng saloobin nang hindi ko iniisip kung magkakaroon ba 'yun ng consequences o hindi.

Minsan nararamdaman ko na lang na pasikip na ng pasikip sa 'kin 'tong mundo na 'to, at kapag hindi pa 'ko umiwas, baka tuluyan na 'kong madurog at makalimutan ko na kung sino ako.

Sa ngayon, hindi muna rin ako lumalapit at nangingielam sa mga ginagawa nila kaya nagpapaka-busy ako sa tungkulin ko sa palasyo na 'to. Kung may bagay akong nae-enjoy sa loob ng palasyo, ito lang 'yon. Ang pagsasaayos at pag-asikaso nito.

Katatapos lang ipakita sa 'kin ni Sim 'yung design nila sa pantry at kitchen. Ito kasi 'yung susunod nilang project at dahil parati namang maganda at kaaya-aya ang gawa niya, sinang-ayunan ko na ito. Pinagpahinga ko muna sila ngayon dahil titingnan namin mamaya 'yung lugar upang ilipat muna ang mga kagamitan para sa renovation na magaganap. Masaya talaga 'ko sa ginagawa ko na 'to dahil sa bagay lang na 'to walang nangingielam sa 'kin.

Kasalukuyan akong nasa loob ng office ko habang binabasa 'yung mga pinasa sa 'king request ng ilang naninirahan dito. Kung may mga bagay silang kaylangan at hiling, maliit man o malaki, basta tungkol sa pangangaylangan nila sa pamumuhay rito, isinusulat nila 'to sa form na ginawa ko noon. Iniipon ko 'to at dalawang beses sa isang linggo ko siya sinusuri. Mas dumami lang ito ngayon dahil nga sa mga nadagdag na Valiente. Kaylan lang sila dumating, kaya talagang dagsa pa 'yung mga kulang sa paninirahan nila dito.

Habang pinapasadahan ko ng pirma ang iba, nakarinig ako ng katok sa pinto kaya agad akong natingin dito.

"Pasok," malakas kong sabi nang hindi tumitingin.

"Busy ka?"

Napadiretso ako ng upo sa pamilyar na boses kaya agad kong naangat ang leeg ko. Sandali pa 'kong natahimik sa presensya ni Ezekiel na unti-unting papalapit sa table ko. Parang ayaw lumabas ng salita sa bibig ko dahil ilang araw ko nang hindi nasisilayan 'yung mukha niya.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownDonde viven las historias. Descúbrelo ahora