Chapter Eleven: La Verna's Lodge

44 8 2
                                    

NAGING mabigat na lang ang mga sumunod na araw sa 'kin pagkatapos ng SFA.

Pagkauwi ko sa bahay, napansin kong gising pa si Ezekiel dahil dumaan siya sa bahay ng mga babae nung gabi. Pero kung makitungo siya, akala mo iba 'ko sa kaniya. Kumbaga ang lamig niya.

Lumipas ang mga araw nang hindi na nga kami masyadong nagkakaharap. Parang wala pa siyang gana na makipag-usap sa 'kin. Sobrang nakakairita at pinipilit ko lang na huwag munang intindihin. Dahil kung pagtutuunan ko ng pansin, baka lalo lang akong ma-stress. Iniisip ko na lang na baka marami siyang iniisip kahit parang hindi ko na kinakaya.

Hindi ko rin alam kung dahil ba 'yon sa pag-ignore ko sa mga sinasabi niya nung umalis ako para sa event. Inaamin kong parang na-etsapuwera ko siya at sumama 'ko kay Levi. Kung iyon man, puwede niya namang sabihin sa 'kin.

Ay nako, ewan ko ba. Sana naman huwag humantong sa naging away namin noon. Iyon bang hindi na siya nagparamdam at umiyak-iyak ako sa harap niya.

Madilim na ngayon at nakahiga lang ako sa sofa ng sala. Pakiramdam ko wala akong ganang makipag-usap sa kahit kanino at gusto ko lang mamahinga.

"Kitkat?"

Nababa ko ang tingin nang mapansin si Erisse sa harap ko. Parang ngayon ko na lang ulit siya nakita.

"Uy," bati ko rito at kumaway. "Mauupo ka ba?"

"Sana..." nahihiya nitong sambit.

Agad naman akong napaupo at umayos upang bigyan siya ng space. Tumabi si Erisse sa 'kin at hanggang ngayon, parang hindi pa rin siya sanay sa mga tao. Feeling ko naman, talagang mahinhin lang siya.

"Kumusta na kayo ni Ezekiel? Parang hindi ko na kayo masyadong nakikita na magkasama, ah?" bulalas nito.

Napasinghal naman ako ng tawa sa tanong niya dahil iyon pa talaga ang unang paksa namin.

Bago pa man ako makasagot, naunahan na 'ko ng isa pang babae na sumulpot na lang bigla sa tabi ko at naupo.

"Ang mas magandang itanong d'yan ay kung sila pa ba? Huh, Kitkat? Kayo pa ba ni Ezekiel?" ligalig na saad ni Stella na parang nang-iinis lang.

"Oo naman. Kapag hindi nagkakasama hiwalay agad? Hindi ba pwedeng busy lang 'yung isa?" Inirapan ko ito.

"Busy naman saan? Sa ibang babae?" natatawang sabi pa ni Stella.

Nangunot ang noo ko rito at bumaling sa kaniya. "Sinasabi mo?"

"Hindi mo ba alam 'yung pagsundo ni Ezekiel kay Lauraine nung SFA?"

Tila bumagal ang paghinga ko sa narinig at parang inipit ang bituka ko.

"'Wag ako, Stella. Wala ako sa mood ngayon. Please, 'wag mo 'kong inisin," saad ko rito kahit na umaakyat na ang kaba ko sa dibdib.

"Aba, nagmamagandang loob na nga 'kong sabihin sa 'yo 'to dahil ikaw ang girlfriend, tapos hindi ka na-inform? Kawawa ka naman."

"Sige nga, saan mo naman narinig 'yang kabalbalan na 'yan? Baka nga gawa-gawa mo lang 'yan eh."

"Excuse me, hindi ako gumagawa ng kuwento. Narinig ko lang 'yun sa tsismisan ng mga estudyante sa labas. Nakita raw nila na sabay lumabas 'yung dalawa sa dome nung gabi ng SFA."

Naramdaman ko na ang paglalim ng hinga ko at hindi nakakibo. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba 'tong bruha na 'to.

I know that she can be a bitch, pero hindi siya gagawa ng ganitong kuwento para siraan si Ezekiel sa 'kin. Malakas siyang mang-asar pero iyon ay sa kung paano niya nakikita ang isang bagay. Meron at meron siyang binabatayan.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now