Chapter Twelve: Excluded

29 7 0
                                    

NANLALAMIG ang buong katawan ko sa nadatnan pagkapasok. Ang pinahuhupa kong irita sa katawan kaya ako tumungo sa library ay lalo lang lumala dahil sa hindi inaasahang bagay na ito.

Bakit nandito sila ngayon kasama si Lauraine? Hindi ito ilusyon dahil kung oo, bakit tila nagulantang din sila sa pagpasok ko sa silid na 'to. Napatayo pa sila at hindi makagalaw ngayon sa kaniya-kaniya nilang puwesto.

Akala ko ba wala munang meeting? Akala ko ba pinag-e-enjoy muna ni Ezekiel ang mga miyembro niya? Ano 'to, nagha-hang out lang sila sa dis-oras ng gabi? Talaga bang wala nang pakialam sa 'kin 'tong lalaki na 'to at hindi sinasabi sa 'kin 'yung mga bagay na 'to? Higit sa lahat, parang pinalit niya 'tong Lauraine na 'to sa presensya ko.

"Ano 'to?" nanghihina kong sabi at tiningnan sila isa-isa.

Napansin kong nagsalit-salit ng tingin si Lauraine sa 'kin at sa mga kasama niya ngayon. Para bang wala siyang alam kung ano'ng nangyayari.

"How did you get in here?" matigas na sambit ni Ezekiel at tumayo.

"I asked first, ano 'to?" diin ko at tinaliman siya ng tingin.

Hindi sila kumibo at muli na naman akong pinagmasdan nang may pagkabahala sa mga mata nila. Mukhang wala akong makukuhang sagot sa kanila kaya naman binaling ko ang atensyon kay Lauraine.

"Baka ikaw 'yung makasagot sa tanong ko, Lauraine. Pwede ko bang malaman kung ano'ng ginagawa n'yo dito?"

"We're having a discussion," nag-aalangan pang sabi niya. "What's happening?"

"Kitkat, may meeting kami ngayong gabi. Iyon lang 'yon," singit na ni Lyra at umabante pa ng kaunti.

"Meeting saan? Akala ko ba wala muna—"

"You don't need to know, Kitkat—"

"I'm not talking to you, Ezekiel. 'Wag mo 'kong kausapin," putol ko sa kaniya dahil unti-unti nang nangigigil ang katawan ko.

"Nasa loob ka ng silid ko. Ano ba, Kitkat?" tugon nito sa mas matigas niyang tono.

"Eh 'di sagutin mo 'yung tanong ko! Kung gusto mong ikaw ang kausapin ko, magsalita ka at 'wag mo 'kong gawing tanga dito!"

"Woah, chill..." hayag ni Lauraine sa pagtaas ko ng boses.

"Shut up." Tinaliman ko siya ng tingin at muling bumaling kay Ezekiel. "Ano? Hindi ka makasagot? Bakit? Dahil hindi na 'ko belong sa grupo na 'to?"

"Sa ngayon, hindi muna kita ii-involve sa usapan na 'to. Please understand," diretsahang sagot niya.

Bumagsak naman ang balikat ko sa narinig at napasinghal na lang. Unti-unti nang bumibigat ang paghinga ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ako belong, please understand? Ano'ng iintindihin ko sa bagay na walang paliwanag? Sinasabi niya bang huwag kong pansinin 'tong bagay na 'to?

Sa totoo lang ayoko talaga kung ganito lang kasakit sa pakiramdam, pero ano'ng magagawa ko kung hindi ko kayang iwasan 'tong tumatakbo sa isip ko?

"Okay." Sarkastiko akong tumawa dito. "Kung 'yun ang gusto mo, sige. Hinding hindi ko na kakausapin ang kahit sino sa iniyo. That includes you, Ezekiel."

Agad akong tumalikod upang bumalik sa pinto na pinanggalingan ko kanina. Ngunit bago pa 'ko makahawak sa doorknob, naramdaman ko na ang mahigpit na kapit ni Ezekiel sa braso ko.

"Dismiss! Magpatuloy na lang tayo sa ibang ar—"

"No, no! Don't dismiss. Continue with your meeting dahil naging salimpusa lang naman ako dito 'di ba? Oh my god, don't mind me! Wala akong balak ipagsabi 'tong ginagawa n'yo sa kwarto na 'to. In fact, I don't even want to remember every single thing of what I saw tonight!" Sabay higit ko ng braso mula sa pagkakahawak ni Ezekiel. "Don't touch me, and I will not allow you to follow me."

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now