Chapter Five: First Meeting

86 11 0
                                    

"I AM Ezekiel Valeria, the last surviving royal blood of this generation. With everyone as a witness, I want to announce my desire to reclaim the crown that the world has forsaken."

Tila sirang plaka na paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Ezekiel sa loob ng dome kanina. Sa harap ng mga estudyante ng Crescencia, ibinunyag niya ang hangarin niya.

Simula noon, hindi ko na nagawang mangiti. Hindi ko inakala na ito ang bubungad sa 'kin pagbalik sa paaralan. Inaasahan ko na ang bagay na 'to, pero hindi ganito kabilis, hindi ganito kaaga.

Kasalukuyan kaming nasa lounge kung saan muli kaming nagtipun-tipon. Ang sikretong grupo na binuo ni Ezekiel na kinabibilangan ko, at ang mga pinagkakatiwalaan niyang enchanters.

Matapos ang seremonya na gumimbal sa buong eskwelahan, naghintay muna kami ng oras bago tumungo rito. Tulad ng nakasanayan, hating-gabi na kami nagsimula kung saan tulog na ang iba.

"Nagulat talaga 'ko sa announcement mo na 'yon, Ezekiel, ah?" bulalas ni Jasmine at lumingon sa 'kin. "Did you know about this, Kitkat?"

Naangat ko naman ang leeg ko at tarantang umiling sa kaibigan ko. Bahagya akong natingin kay Ezekiel na siyang nakatingin sa 'kin, ngunit agad ko ring nilihis ang mata ko mula sa kaniya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ikilos. Gusto ko siyang ngitian bilang suporta sa desisyon niya, pero parang hindi kaya ng nararamdaman ko. I don't know why.

"So, heto na talaga? Totoong totoo na 'to at wala nang atrasan," ani Chester at huminga ng malalim.

"Ngayong alam na ng lahat, hindi na rin tayo dapat magpaliguy-ligoy pa, at pwede na tayong kumilos nang walang pakundangan," hayag naman ni Hannah. "But of course, mag-iingat tayo sa mga susunod na plano. Kaylangan pa rin ng mabusising diskusyon sa magiging kilos natin."

"Siyempre naman, hindi 'to parang student council lang na mababaw lang ang mga problema. Nung nag-declare si Ezekiel kanina na balak niyang maupo sa trono, hindi na Crescencia lang ang panghahawakan niya, kung 'di buong bansa," turan naman ni Neo.

"Simula bukas, hindi na rin magiging sikreto ang kilanlan sa iniyo. Malalaman na ng lahat ang suportang binibigay n'yo sa 'kin," wika ni Ezekiel at umayos ng postura sa silya niya. "Ngayon pa lang, tatanungin ko na kayo. Meron bang tutol sa silid na 'to sa dineklara ko kanina?"

Natingin ako sa mga kasama namin at umiling ang ibang miyembro nito. Ang mga kasama namin sa Apolaki, at ang mga orihinal na kasapi ng grupo na 'to.

Habang si Jasmine naman ay natingin sa 'kin na parang naghihintay ng sagot ko.

Pagkabaling ko ng atensyon sa harap, nagtama ang mata namin ni Ezekiel. Hinihintay niya rin ang sagot ko.

Umiling ako rito bilang tugon at yumuko na lang. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko, pero gusto ko rin naman talaga siyang samahan sa kung ano ang gusto niya. Siguro ay talagang nababahala lang ako dahil bago ito.

"I'll be honest, Ezekiel. Alam kong medyo half-hearted 'tong desisyon ko pero susunod lang ako sa 'yo dahil iyon ang gusto ni Kitkat. First of all, kaylan lang naman ako napabahagi sa grupo na 'to kaya wala akong alam sa kung ano ang rason ng iba sa iniyo. Second, wala naman talaga 'kong hilig sa mga ganitong samahan. Akala ko may ganito lang dahil sa Vindex. Hindi ko naman akalain na future mo pala ang layunin nito. But then again, I will follow my best friend's opinion in this. Malay natin balang araw, maintindihan ko rin lahat ng 'to," prankang hayag ni Jasmine sa tabi ko.

"That's okay, hindi ko naman pinipilit 'yung paniniwala ko sa 'yo. Mas magiging kampante rin ako kung may makakasama dito si Kitkat na talagang malapit sa kaniya. Thanks for telling me, but I want you to know that you won't be disappointed," ika naman ni Ezekiel.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang