Chapter Two: The Poor Heiress

136 12 0
                                    

NATULALA na lang ako sa mga lumabas sa bibig ni mama. Nablanko ang isip ko sa isang iglap lang. Alam kong natuklasan ko na 'to sa sarili ko habang nasa Crescencia ako, pero iba 'yung dalang pakiramdam kapag nanggaling sa taong batid kong may kaalaman sa lahat.

Totoo nga, ako nga siya. Ako si Celestine at 'yung panaginip na 'yon, maaari ba na isa 'tong pangyayari sa buhay ko? Hindi ko maintindihan. Bakit wala akong malay sa lahat? Dahil ba sobrang bata ko pa noon?

"I'm sorry, anak. Pasensya ka na't hindi ko sinabi sa 'yo 'to. But it was for the best," usal pa ni mama saka hinaplos ang pisngi ko.

"P-pero bakit?" tanging nasambit ko dahil tila naputulan ako ng dila.

"Sasabihin ko na lahat sa 'yo ngayon. Kung bakit ako at bakit ko tinago lahat ng 'to. Pero gusto kong mangako ka sa 'kin," saad niya. "Siguraduhin mong hindi makakalabas lahat ng 'to sa kahit kanino. Kung may dapat na makaalam nito, tayong dalawa lang 'yon."

Tumango lang ako bilang tugon kay mama at tahimik nang nakinig sa kaniya.

Huminga muna 'to ng malalim at lalong tumabi sa 'kin. Pagkahawak niya sa braso ko, agad ko 'tong pinisil at pinagana ang enchantment ko. Mas maigi nang ligtas kami kahit nandito pa kami sa kabila.

"Ang ama mo, si Alexander, ay lubos na naging malapit sa 'kin. Pagka-graduate ko ng Crescencia, inanyayahan niya 'kong magtrabaho sa kaharian ng La Verna at tinanggap ko naman ang alok na 'yon. Dahil maganda ang credentials ko sa paaralan, hindi naman naging mahirap para magkaro'n ako ng posisyon sa kanila. Na-assign ako bilang financial planner ng kaharian at nagtagal din ako do'n hanggang dulo," kuwento ni mama at napansin ko ang paglungkot ng kaniyang mga mata.

"Dulo?"

Tiningnan niya lang ako at muling nagsalita, "I stayed around the area kung sa'n malapit sa palasyo dahil nandito sina Lola mo noon. Dito ako pinanganak eh, at wala naman akong ibang tutuluyan sa kabila kaya namuhay lang akong mag-isa. Dahil araw-araw akong nasa trabaho, naging saksi ako sa pamamalakad sa loob ng kaharian. Time passed, your father married your mother, Cressida. Isa rin siyang royal blood galing sa angkan ng mga Sullivan, pero hindi gano'n kalakas ang impluwensya nila tulad ng sa mga La Verna. At hindi rin ga'nong nagtagal nang ibalita na sa wakas, nabuntis na siya."

Nanatili akong walang kibo at tinitigan lang ang nanay ko. Habang hindi naman humuhupa ang init ng dibdib ko sa mga naririnig.

"Hanggang sa iyon na nga, ipinagkaloob ka na ng maykapal sa mga magulang mo. Alalang-alala ko pa ang gabi na 'yon. Buong palasyo ang natigil sa kanilang mga gawain upang abangan ka. Kitkat, gano'n ka ka-importanteng tao para sa pamilya mo. Sobrang ganda ng gabi na 'yon dahil inulan ang kalangitan ng bulalakaw na hindi inaasahan ng lahat. At kasabay ng pagluwal sa 'yo sa mundo na 'to ay ang paglabas ng isang propesiya na talagang pinagbunyi ng buong La Verna. Noon kasi, may sariling propeta ang angkan n'yo kaya naman agad din nilang narinig kung ano ito. Isang napakahalagang pangitain na nagpasilip sa maaaring kinabukasan ng iyong pamilya't buong royal blood."

Agad na pumasok sa isip ko ang naging pangitain ni Chester dahil iyon lang naman ang alam kong propesiya na pwedeng mag-ugnay sa pangyayari na 'to. Isa pa, sinabi rin nila na nabanggit na iyon dati pa lang at naulit lang muli.

"Hindi ko alam kung para saan o ano 'yung nasulyapan ng propeta, pero isa lang ang sigurado, may kinalaman sa 'yo 'yon. That time, wala naman talaga 'kong alam sa kung ano'ng nangyayari sa relasyon ng mga La Verna. Naririnig ko lang no'n sa mga trabahador 'yung mga tsismis. Ang sabi nila, hindi lang sa isang propeta pinakita ang pangitain na 'yon," pahayag ni mama.

Yes, alam ko 'yon. Nakuwento ni Ezekiel na narinig niya na dati ang propesiya na 'yon. So, it's true?

"Ayon sa mayordoma ng palasyo na nakarinig sa naging usapan ng mga konsehal ng hari, may dumating na clairvoyant sa kaharian ng Elacion, the most influential clan of the royals. Sinasabi na nakita ng enchanter na 'yon ang isang pangitain tungkol sa pinakabatang miyembro ng pamilya. Dahil nabalitaan nila ang pagsilang mo sa gitna ng pag-ulan ng bulalakaw, nagkaro'n sila ng pulong kasama ang propeta at clairvoyant. Parehas na parehas sila ng pangitain na sinabi. Ibig sabihin, para sa dalawang tao ang propesiya na 'yon at kayong dalawa iyon."

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now