Chapter 45: The Plan

7 4 0
                                    

BINANGGIT nila na may mga nakatagong dokumento at talaan sa tahanan ng La Verna na maaaring mag-lead sa kanila kay Alessandro. Nagpasya silang pasukin ito dahil sa desperasyon, ngunit dahil sa mapanganib na barrier ng kastilyo, kinansela na nila ang plano.

Biruin mo, nade-detect ng lugar na iyon kung sino ang nagbabalak manghimasok sa lupain nila? At ang parusa sa mga 'yon ay kamatayan? Gaano na lang ba kahalaga sa pamilyang 'yon ang nasa loob nito at kahit wala na sila sa mundo, ayaw pa rin nila 'tong ibigay sa kahit kanino.

Ang sabi pa ni madam Minerva kanina, kung gusto nilang pasukin iyon, kaylangan nila ng pure-blooded na La Verna. Ibig sabihin iyon ang paraan para bumukas 'to? Kung tama ang pagkakaintindi ko. Gustong gusto ko nang tanungin 'to habang nandoon sa topic na 'yon kanina, pero minabuti kong manahimik na lang dahil baka magtaka pa sila kung bakit ko inuusisa.

Ayoko ring magbigay ng kahit anong hinala dahil natatakot ako sa tingin ng prime minister. Isa pa, sa gayak ng pagkilatis niya, para talagang nagkakaroon siya ng hinuha. Habang nangyayari 'yon, hindi rin naman kumikibo si Ezekiel at nakikinig lang, pero batid kong parehas kami ng iniisip. Sa silid na 'to, kami lang dalawa ang nakakaalam ng tungkol sa 'kin.

Ang sunod nilang pinag-usapan ay ang pag-suspinde ng klase sa Crescencia Academy. Pinauwi ang mga estudyante at ang mga tiga-kabila namang hindi makabalik ngayon ay pinalipat sa isang safe facility na inihanda ng Diwata upang maging ligtas sila. Sagot din ng regime lahat ng pangangailangan nila habang patuloy pa rin ang paglutas sa nagsarang lagusan.

Dahil hindi na makali ang mga magulang, nag-protesta silang ipasara muna ang school, gayong doon nangyari ang pagkabuhay ni Alessandro. Hindi naman din masisisi dahil buhay ng anak nila ang inaalala nila. Bukod doon, mabigat na bagay rin ang pagkawala ni professor Benjamin. Ang plano nila ay itutuloy ito oras na humupa na ang panganib sa paligid mula sa Vindex at kay Alessandro.

Puno rin ng Valiente officers ang eskuwelahan kung sakali mang pumaroon ulit si Alessandro. Gayon pa man, tikom pa rin ang bibig namin ukol sa mga lihim na silid ng bawat royal clan. Hanggang ngayon, kami-kami lang ang nakakaalam nito.

"Everything could've been prevented if you informed us about the Vindex nung nalaman n'yo palang ang tungkol sa kanila. Hindi ba't kayo ang una-unang nakaalam sa grupo na 'to habang nasa paaralan palang?" sambit ni Juarez.

"It's okay, it won't matter anymore dahil nangyari na, diplomat Juarez. Kung sakaling nagsabi sila sa 'tin na may kahina-hinalang grupo ng estudyante sa paaralan na gumagawa ng ritwal para tanggalin ang barrier ng school, nagpa-planong bumuhay ng yumaong royal blood, would you believe them?" hayag ni madam Minerva rito.

Hindi naman nakakibo si Juarez at sinalubong lang ang kilay niya.

Marahan namang ngumiti rito ang prime minister at muling nagsalita, "Right? Sino'ng adults ang magse-seryoso sa mga sinasabi ng mga batang nasa loob ng paaralan, kung abala tayo sa tunay na problemang meron ang bansa? No one. It's not their fault if we weren't observant enough to notice such things. Even the Vindex students were tricked by their own masters."

"Kaya nga nakakatakot kalaban ang mga iyan," dagdag ni commander Alcazar at nagpatuloy pa. "Talagang gumamit sila ng kabataan para maisagawa ang plano na 'to. Alam nilang hindi ito basta-basta bibigyan ng atensyon ng Diwata o faculty kapag estudyante ang mga gumawa. At sino nga ang pinuno na sinusunod nila bago mabuhay si Alessandro? Levi Marcial o kilala natin bilang si Zero, ang siyang namuno sa Warner nung nakaraang taon, ang batang hinangaan ng lahat. Sino bang mag-aakala na siya ang magpapasimuno nito?"

Hindi ko naman naiwasang malungkot sa narinig dahil naaalala ko na naman kung paano niya napaikot ang lahat. Sino bang mag-aakala na magagawa niya 'yon? Siya ang higit na pinagkatiwalaan ng marami, pero siya pala ang maglalagay ng panganib sa lahat.

"Hindi rin ako makapaniwala nung narinig ko 'yon. Bakit at paano?" ani Kian.

"We're not there yet, however I conducted research about this kid. Even his adoptive parents were shocked about the news. Ibig sabihin, wala silang alam. Ipinaglalaban pa nga nilang hindi totoo ang mga sinasabi namin tungkol sa kaniya dahil tiwala silang hindi iyon magagawa ni Levi," paliwanag ni madam Minerva sa 'min.

"Adoptive parents?" nagtatakang tanong ko. Ngayon ko lang narinig na ampon pala siya.

"Yes, it seems that he was abandoned by his biological parents when he was young. Dinala siya sa orphanage pero naampon din siya agad. Sa kwento ng tumayong mga magulang niya, ang hirap isipin kung ano ang layunin niya sa pagbuhay kay Alessandro. Ang sabi nila, wala naman daw silang napapansing kakaiba sa kaniya at mabait si Levi sa mga parents niya. Pero tulad ng inaasahan natin, hindi na siya umuwi sa kanila simula nung nabuhay si Alessandro," kwento pa ni madam. "Kasalukuyan ding under surveillance sina Mr. and Mrs. Marcial kung sakali."

"Let's move to the last subject of this meeting," singit naman ni Juarez at bumaling kay Ezekiel. "Natural ngayon na nagpa-panic ang publiko sa pangyayari na 'to. Ang existence ni Alessandro ay hindi basta-basta gayong alam nila kung ano ang nasimulan at tinapos nito noon sa bansang 'to. Ngayong kumalat na ang balita tungkol sa muli niyang pagkabuhay, wala nang araw na hindi natahimik ang regime mula sa mga panawagan, pagmamakaawa, at pakiusap ng mga tao na lutasan at ibalik agad sa hukay si Alessandro. They are trembling in fear na baka sa pagkakataon na 'to, hindi lang royal blood ang lipulin niya sa buong bansa. Maski ibang eskuwelahan, nagko-consider nang isuspinde muna ang serbisyo nila dahil may mga magulang na ayaw nang papasukin muna ang mga anak nila."

"Kahit anong paniniguro na ginagawa na namin ang lahat, tila bingi sila sa idea na iyon," singit ni commander Alcazar.

"Dahil isang maharlika si Alessandro, hindi maiiwasang madawit din ang pangalan mo, Ezekiel. Lalo na't maraming nagsasabi na simula nung nagpakilala ka, nangyayari na lahat ng ito. Pakiramdam ng iba ay may kinalaman ang pagdeklara at plano mong pag-upo sa trono sa muli niyang pagkabuhay," paliwanag pa ni Juarez.

"Ezekiel," tawag ni madam Minerva at tumingin sa kaniya. "Alam naming wala kang alam sa balak ng Vindex na 'yan dahil kung pagtatagpi-tagpiin mo, bago ka pa man magpakilala at suportahan ng mga kasama mo ngayon, matagal nang pinlano ito ng grupo na iyon. Batid din naming nagsisimula ka palang kaya dapat lang na protektahan ka namin bilang future king ng bansa na 'to. However, with the circumstances that we are in, your name is on the line as well. Hindi sa 'min, kung hindi sa publiko."

Natingin ako kay Ezekiel at walang emosyon ang mukha nitong nakikinig habang hindi kumikibo. I don't know what he's thinking, pero alam kong meron na siyang naiisip tungkol sa mga ito.

"At this point, the public won't listen to our promises and assurance that we're doing everything that we can to capture and kill Alessandro. Do you know why?" tanong ni Minerva sa malumanay niyang tono.

"Dahil gusto nilang marinig lahat ng iyon mula sa 'kin at hindi sa iniyo," seryosong sagot ni Ezekiel.

Nangiti naman si Minerva at tumango. "Exactly. Ang problemang maharlika ay para sa mga maharlika lang din—that's how our society always believed in. Naniniwala ang mga tao na ang katapat ng mga dugong bughaw ay mga kauri lang din nila. You're next in line for the throne, and the people are counting on you to take action in this case. As someone who oversees everything, I understand the power of public opinion. Even if your intentions are sincere and honorable, negative public sentiment can quickly damage your reputation."

"And your point is?" kunot-noong tanong ni Ezekiel.

"If you want to earn the people's trust and gain their support, you need to take action. The Alessandro case is a prime opportunity for you to rise to the occasion and prove yourself," hayag ni Minerva at nginitian ito. "Hindi ko sinasabing titigil ang Diwata sa pag-pursue kay Alessandro. As my future king, gusto ko lang na makitang sang-ayon ang mamamayan sa 'yo at ikaw ang magli-lead sa 'min."

"Hindi mo na kaylangang sabihin 'yan dahil iyon naman talaga ang balak ko umpisa palang. May plano na 'ko sa gagawin ko para mapatahimik ang grupo at si Alessandro sa pinakamabilis na paraan."

"That's great, let's hear it."

"I will declare an all-out battle with Alessandro. Dugong bughaw sa dugong bughaw, pangkat nila sa pangkat natin. Kapag hindi tayo nagbigay ng gano'ng hamon sa kanila, baka hindi lang nila 'to pansinin. We will fight until we kill Alessandro."

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon