Chapter 37: Their Fear

6 6 1
                                    

"Think about marrying someone? In front of me? Really, Ezekiel Valeria?" Pumangewang ako sa harap nito nang hindi na humakbang pa. Nanatili ako sa harap ng pinto niya at pinaningkitan siya ng tingin.

Hindi mawala sa isip ko 'yung napag-usapan kanina tungkol sa kasalan ng royal blood, at hindi ko maiwasang i-imagine na sa ibang babae siya makakasal. Pinipilit kong huwag intindihin 'yon, pero pa'no? Si Ezekiel 'yung pinag-uusapan at talagang umiikot na lang 'yung sikmura ko sa idea na 'yon.

Saka hindi ba alam ng Juarez na 'yon kung sino ako kay Ezekiel? Kung hindi, walang problema, pero kung oo at sinabi niya pa rin 'yon sa harap ng boyfriend ko, aba para siyang naghamon ng away sa 'kin.

Napanganga na lang si Ezekiel at biglang natawa sa sinabi ko. Akma itong lalapit sa 'kin, ngunit pinigilan ko siya dahil parang nang-iinis pa 'yung ngiti niya.

"'Yung totoo? Porque ba hindi ako kumikibo sa harap ng ibang tao, okay lang sa 'yo na sabihin 'yung gano'n?" inis kong saad dito at sinamaan na siya ng tingin.

Hindi naman agad nakakibo si Ezekiel at napabuntong-hininga na lang. "Galit ka ba?"

"Galit ba 'ko? Etong mukha na 'to? Hindi, ah!" sarkastiko kong sabi at tinuro pa ang mukha ko.

Tila nataranta naman si Ezekiel at tuluyan nang lumapit sa 'kin. Kahit na iniirapan ko 'to, pilit niyang kinuha ang braso ko at marahan akong hinila tungo sa kama niya. Pagkatapos ay pinaupo niya 'ko roon at hinawakan na ang kamay ko.

"Tungkol doon sa kasal?" maang-maangan pa nito.

"Ano bang sabi ko? 'Yung sagot mo parang gusto mo pa talagang makasal kay Vivien, ah?"

"Sinabi ko lang naman 'yon, asa ka namang pag-iisipan ko talaga—"

"Baka lang nakakalimutan mo, Ezekiel. Ako si Celestine La Verna, puro at legal na anak ng angkan na 'yon. Tunay na tagapagmana ng mga La Verna. Mas malakas pa 'yung dugo ko kumpara sa kahit sinong nabubuhay na dugong bughaw ngayon. Hindi lang ako nagpapakilala, pero alam kong malaking isda ako kung sakali," inis na yabang ko rito at nagpatuloy pa, "Tapos naghahanap ka pa ng iba? Ayos, ah."

"Naghahanap? Ano bang mga sinasabi mo? Ikaw lang naman 'yung nag-iisip ng gano'n."

"Talaga? Eh, ano 'yung sinasabi mong I'll think about it? Ayos talaga, ah?"

"'Wag mong intindihin 'yung mga sinasabi ng regime, wala silang bilang sa mga plano ko. May sarili akong desisyon para sa kinabukasan ko at sinasabi ko na sa 'yo ngayon pa lang, kasama ka at hinding hindi ka mawawala do'n," seryosong sabi ni Ezekiel.

Hindi naman ako nakakibo rito at pinaningkitan lang siya ng tingin. Kahit na natuwa ako sa sinabi niya, may kaunting inis pa rin sa isip ko.

"Eh, bakit mo nga kasi sinasabing pag-iisipan mo? Pwede ka namang tumanggi," kulit ko pa rito.

"Nagsisimula pa lang tayo sa labas. 'Yung mga 'yan, kaylangan nilang marinig 'yung mga bagay na gusto nilang marinig para manatili ang suporta sa 'kin sa ngayon. Kapag kinontra mo sila ng kinontra, iisipin nilang nagmamalaki na 'ko at mawawalan sila ng gana. Kaylangan ko lang naman muna silang paamuhin hanggang sa makuha ko na 'yung gusto ko," paliwanag ni Ezekiel sa 'kin.

"Talaga lang, ah?" Sabay taas ko ng kilay sa kaniya.

"Kung wala lang problema ngayon at hindi umaaligid ang Vindex sa mga maharlika, eh 'di sana noon pa lang nagpakilala ka na bilang si Celestine," hayag nito.

Bumuntong-hininga na lang ako rito dahil hindi ko na rin natiis 'yung maamong mukha niya sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit lagi akong nadadali ng mga mata na 'yan. Dahil ba nakikita ko lang 'to pag kaming dalawa na lang 'yung magkasama? Hay nako, Ezekiel. Kahit kaylan ka talaga.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now