Chapter 48: What She Desire

10 4 2
                                    

KAYA ko pa ba? Hindi ko alam ang sagot sa tanong na iyon. Pwede kong sabihing kaya ko pa, pero hindi ko kayang magsinungaling sa nararamdaman ko kung gano'n ba talaga. Matagal na panahon kong pinilit ang sarili ko na paniwalaing ganito 'yung buhay na gusto ko—para kay Ezekiel at para sa sarili ko habang kasama siya. Pero dahil sa bigat ng mga dumadaang pagsubok ngayon, pakiramdam ko unti-unti nang yumayanig 'yung paniniwala na 'yon.

"Pa'no mo naman nasabing baka hindi mo na 'to kayanin balang-araw?" seryosong tanong ni Vivien sa 'kin.

Tiningnan ko siya nang may halong pag-aalala sa tingin ko. Hindi ko pa nasasabi kahit kanino 'yung alinlangan ko, pero kapag hindi ko 'to nilabas, parang maiipon na lang siya nang maiipon hanggang sa sumabog 'to.

"Sa totoo lang, hindi ko naman in-imagine 'yung sarili ko sa ganitong sitwasyon, never. Royal bloods, responsibilities? Kahit kaylan hindi ko pinangarap na tumira sa ganito karangyang buhay. Dati palang, gusto ko na talagang simple lang lahat. Ayoko kasi nung mga bagay na kumplikado kaya kapag nagkaka-problema ko, minsan gusto ko tinatakasan na lang o kaya naman tinatapos na agad. Alam mo 'yun? I always thought na aanhin ko 'yung mga ganito kung hindi ka naman malaya, kung bawat kilos mo may pumupuna sa 'yo, kung mga pananaw mo nako-kontra.... Nasaan 'yung saya doon? Parang kahit na ga'no kalawak at kalaki 'yung tinitirahan mo, gano'n naman kasikip 'yung hangin—nakaka-suffocate," hinaing ko rito.

"Gano'n din 'yung paniniwala ko kaya hindi ako nagpakilala sa publiko bilang isang maharlika. Kahit na sabihin kong hindi ko puntirya 'yung trono, parang hindi na 'ko matatahimik dahil sa dami ng gustong lumapit sa 'kin. Puwera sana kung buhay pa 'yung ibang mga maharlika, pero ngayong iilan na lang kami nina Ezekiel, naisip ko na talagang ganito 'yung mangyayari. Sa mga tulad namin matutuon ang pansin nila lalo't malaki pa rin ang pag-asa ng mamamayan sa mga royal blood," paliwanag naman ni Vivien sa sarili niyang pananaw.

"Ayaw mo ng kapangyarihan?" usisa ko rito.

"Ano bang mapapala ko sa power? Sakit lang ng ulo at walang katahimikang buhay hanggang sa mamatay ka. Sa tingin ko hindi naman lahat ng royal blood gusto ng gano'n. Noong nabubuhay pa sila, sadyang wala lang talaga silang choice dahil pinanganak silang gano'n. Sa totoo lang, thankful nga 'ko dahil hindi ako nilabas ng tunay kong mga magulang sa publiko. Kung hindi, hindi ko mararamdaman 'yung freedom. Iba nga lang ngayon dahil nasiwalat 'yung katauhan ko, kaya kaylangan ko munang mag-ingat," kwento pa nito. "Naiintindihan ko 'yung nararamdaman mo. Parang sitwasyon naman 'yung nagdala sa 'yo dito at hindi 'yung goal mo sa buhay."

"Actually, hindi naman talaga ko originally kasali sa grupo na binuo ni Ezekiel. Sina Hannah, Chester, saka 'yung iba, sila talaga 'yung mga kasali at sumusunod sa kaniya una palang. Kumbaga nasali na lang ako dahil wala na rin akong choice. Nadawit na 'ko. At first, okay na okay sa 'kin and I felt like I belong. Hindi rin ako nag-isip dahil ang sa 'kin lang, gusto kong kasama si Ezekiel at maging parte niya. I thought it would be easy and I could just go with the flow—akala ko lang pala 'yon."

"Ginusto mo bang magkaro'n ng posisyon sa pamamahala niya balang araw?"

Bahagya naman akong natawa rito at umiling. "Ayoko ng posisyon kahit saan, ayoko ng kahit anong responsibilidad. Alam ko namang balang araw hindi maiiwasan 'yon, pero kung ngayon? Hindi pa 'ko handa at hindi ko pinangarap 'yung mataas at mabigat na posisyon."

"Bakit ka sumama? Dahil lang ba talaga kay Ezekiel?"

Hindi agad ako nakakibo dahil hindi ko masabi kung ano 'yung isa pang dahilan. Ang katotohanang isa rin akong royal blood at iniiwasan ko noon na ungkatin ang tungkol sa 'kin. Pero kung sakaling walang gano'n, sa tingin ko sasama pa rin ako dahil lang sa kaniya.

"Yes, it's always about him, about us. Lahat ng naging desisyon ko simula nung makilala ko siya, puro siya ang iniisip ko. At kung ano 'yung mararamdaman ko kapag wala siya sa tabi ko. Is it normal na parang hindi ako mabubuhay kapag wala siya?" nag-aalala kong tanong.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum