Chapter 23: Life Inside the Castle

29 7 0
                                    

PARANG kahapon lang ang unang tapak ko rito sa palasyo ng Valeria kung saan halos magkakasakit ka na sa alikabok na nakabalot sa buong paligid. Ngayon, hindi na 'ko naaalibadbaran sa disenyo ng silid na kinaroroonan ko ngayon.

May sarili na 'kong office dito sa kastilyo at pina-redecorate ko ito para naman makapagtrabaho ako ng naaayon sa gusto kong style.

Dati, may pagka-dusky ang ambiance nito dahil nga sa nakapaligid na mga lumang libro at estanteng gawa sa madilim na kahoy. Ngayon, inayos ito at mas ramdam ko na ang magaan na hangin sa paligid. Pinapalitan ko ng puting pader ang paligid at may touch of light wood. Napakalawak din ng silid kaya pinadagdagan ko ng open na conference room.

Nandito ako ngayon kasama ang renovation team na na-assign noon sa pagsasaayos ng ilang silid sa palasyo. Nandito rin ang isang financial officer ng palasyo na siyang nagba-budget ng gastos sa renovation.

"So, here's the original design of the family dining room," hayag ni Sim, ang interior designer ng team. Inilahad nito sa projector ang kaniyang kamay. Naroon ang litrato ng silid-kainan sa itsura nito ngayon. "And this one is the future dining room of Valeria's palace."

Agad na namilog ang bibig ko sa lumitaw na picture kung saan ibang-iba talaga ang estilo kumpara sa original na itsura nito. "Ang ganda! Approve ko na agad 'yan."

Nangiti naman si Sim sa narinig at bahagyang pumalakpak. "Sa totoo lang, maganda naman ang original state niya, iyon nga lang, masyadong gloomy at hindi na napapanahon dahil sa ginamit nilang dark wood. Papalitan lang natin 'yung wall ng white base and gold linings for the design. 'Yung marble floor, ila-light tone lang din natin. At syempre, ang dining chairs and curtains, gagawin nating cerulean color with a gold frame. 'Di ba? Luxurious."

"Ang galing mo talaga. How about the budget? Makakatipid ba?" hayag ko rito.

"Oo naman. Lahat ng gamit sa dining room ngayon, hindi masasayang at ipapa-remodel lang natin. Kumbaga iyon pa rin ang mga gagamitin. Sa painting ng walls, floor, and ceiling lang siguro tayo gagastos. Depende kung may gusto kang idagdag."

"For now, iyan na lang muna. Let's see kapag natapos na lahat," hayag ko rito.

"Alright, ipapa-approve ko na lang kay Lyra 'tong proposal ninyo," ani Arya, ang nakatoka sa budget ng renovations.

Bago pa 'ko makapagsalita ulit, nagtaka na lang ako nang idiretso ng mga kasama ko ang postura nila sa pintuan ng conference room. Pagkalingon ko rito, hindi ko na napigilang mapangiti.

Nakahalukipkip si Ezekiel habang tinitingnan kami. Nakadantay pa 'to sa pader nang hindi man lang ngumingiti. Tumango lang ito bilang bati.

"Tingnan mo 'yung magiging ayos ng family dining room, ayos ba?" Sabay turo ko sa screen ng projector.

"Looks lively," tanging komento nito.

Tumingin naman ako kay Sim at bumulong dito. "He likes it."

"Thank you," sambit ng interior designer at yumuko pa bilang paggalang kay Ezekiel.

"By the way, ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko at unti-unting lumapit sa kaniya.

"Sinusundo ka, may urgent meeting tayo. Tapos na ba kayo?" hayag ni Ezekiel.

Tumango naman ako sa kaniya at sinabing okay na kami ngayon.

Nagpaalam din agad ang mga kasama ko sa silid at titingnan daw nila Sim ang kitchen and pantry upang masuri ito.

Hindi na rin kami nag-aksaya ni Ezekiel ng oras at tumungo na sa opisina niya. Kung ang akin, contemporary na ang style, 'yung sa kaniya ay pinanatili niya sa original na ayos nito. Mas sanay raw kasi siya sa ganoong estilo lalo't may hawig sa secret room niya noon sa Crescencia. Kaunting redecoration lang ang pinagawa niya.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now