1

344 8 0
                                    

Luna's PoV

"Mukhang magugustuhan 'to ng asawa mo, hija." Masayang sambit ni Manang Linda habang tinutulungan akong sa pagluluto ng mga pagkain na paburito ni Kie.

"Sana po, manang." Sagot ko at tipid na ngumiti.

"Nga pala, hija. Pumunta kanina dito ang ate mo, tinatanong kung kamusta ka daw." Sambit ulit ni Manang.

Hindi ako sumagot nanatili lamang ang atensyon ko sa niluluto kong adobo.

"Alam kong nag aalala sa'yo ang ate mo hija. Hindi ba't mas mabuting kausapin mo sya?" Suhestyon ng matanda.

"Ayoko manang. Alam kong pipilitin lang nya akong hiwalayan si Kie." Mahinang sagot ko.

Hindi na lamang sumagot si manang dahil batid naman nito kung saan mapupunta ang usapan namin.

Izuna wants to end my marriage with Kie. Simula't sapul hadlang na ang ate ko sa pagpapakasal namin ni Ezekiel pero wala din naman itong nagawa dahil kagustuhan ko ito.

Saksi ang kapatid ko sa pagmamahalan ni Kie at ni Charlene nuon paman. Kapatid kasi ng kaibigan ni ate itong si Charlene kaya magkakilala sila.

Alam kong hindi ako mahal ni Kie. Pero hindi ako sumusuko. Patuloy akong lalaban, patuloy kong ipaglalaban ang nararamdaman ko sa kanya kahit ilang beses pa akong masaktan.

"Hija, handa na itong sinigang." Natauhan ako dahil sa biglang sinabi ni Manang.

"Segi ho manang. Pakilagay nalang po sa mesa. Matatapos na din po itong niluluto kong adobo." Sabi ko at tinikman ang adobo na paburito ni Kie.

Pagkatapos kong tikman ay tiningnan ko kaagad ang oras. It's already 9pm, siguradong papauwi na ito galing trabaho.

Ezekiel is a doctor in our hospital at sya na din ang magiging may-ari nito balang araw dahil balak kong ibigay sa kanya ang buong ospital para sya nalang ang mamahala.

"Narito na sya, hija." Kaagad na binuksan ni manang Linda ang main door kaya dali-dali ko namang inihanda sa mesa ang adobong niluto ko.

"Magandang gabi, hijo." Bati ni manang at kaagad na kinuha ang dala ng asawa ko.

"Kei!" Tawag ko sa atensyon nya kaya kaagad naman ako nitong sinalubong ng malamig na tingin at akmang maglalakad na ito paakyat ng hagdan ng hawakan ko ang kamay nya.

"Pinagluto ka namin. Tara mag dinner ka muna." Sabi ko at nginitian ito.

Hindi naman ito nag reklamo at sumama naman sa akin.

"Come. Sit here." Sabi ko at pinaupo ito. Nilagyan ko kaagad ng pagkain ang plato nito habang pinagmamasdan nya ang mga nakahain sa mesa.

"Paburito mo 'to lahat 'di ba?" Sambit ko at saka tiningnan ang walang emosyon nyang mukha.

Nag-umpisa naman itong kumain at ako naman ay kaagad na kumuha ng tubig sa ref.

"Hija, mauna na ako sa labas ah. Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka." Sambit ni manang bago ito tuluyang umalis.

Pagkatapos kong i-pagsalin ng tubig si Kie sa baso ay umupo narin ako at kumain.

"Here, kumain kapa." Sabi ko pero bigla itong tumayo at uminom ng tubig.

"It's delicious. But i already ate my dinner." Malamig nitong sambit bago ako iniwang mag-isa.

As usual i felt pain deep inside. He used to be like this since we get married.

Hindi naman ganyan ang Ezekiel na kilala ko nuon eh. I can still remember how jolly and caring he is before. Pero nung ikinasal kami bigla syang nag bago.

Oo, hindi nga nya ako sinasaktan ng pisikal. Pero sobrang sakit naman ng damdamin ko dahil sa mga ikinikilos nya. Daig pa nya ang yelo sa sobrang lamig ng pakikitungo sa'kin eh.

Tinapos ko nalang ang pagkain ko at tinawag si manang linda para ligpitin ang mga niluto namin.

"Salamat po manang." Paalam ko.

"Oo hija, ako na ang bahala dito. Magpahinga kana." Sambit ng matanda at kaagad naman akong umakyat sa kwarto namin.

Marahan kong binuksan ang pinto at nakita ko si Kie na nakaupo at tila malalim ang iniisip.

"Kie?" Sambit ko sa pangalan nito at kaagad naman itong napatingin sa akin.

"Are you okay?" Usisa ko at umiwas ito ng tingin.

"Yes." Tipid nitong sagot at saka humiga sa kama.

Ako naman ay dumeretso sa banyo at naglinis ng katawan. Habang naliligo ay hindi ko mapigilang isipin kung bakit ang lalim nanaman ng iniisip ng asawa ko.

Ilang araw ko nang napapansin na ganuon sya at tila sobrang laki ng problemang dinadala.

Kaagad kong tinapos ang paliligo at saka nagbihis.

Nakita ko si Kie na nakadungaw sa bintana ng kwarto namin at tulala na naman.

Hindi kona napigilang mag-alala kaya kaagad ko syang nilapitan.

"Kie, you can tell me if you have a problem." Sambit ko at hindi ito kumibo.

"Kie...." Hinawakan ko ang balikat nito at nagulat nalang ako ng bigla nya akong hinarap.

His eyes were so cold. Wala akong makitang ni anong emosyon kundi lungkot na tila ba isa syang ibon na nakakulong sa hawla.

"What's wrong?" Usisa ko ulit.

"Nothing." Tipid ulit nitong sagot at saka naglakad ulit papunta sa kama namin pero kaagad ko syang pinigilan gamit ang mahigpit kong yakap.

"Kie... I'm worried.... Alam kong may problema ka. Just tell me, please." Malungkot kong sambit at inalis naman nito ang kamay kong nakapalupot sa katawan nya.

Hinarap nya ulit ako pero ngayon kitang-kita ko ang nag-aapoy na galit sa mga mata nya.

"Leave me alone, Luna." Mahinahon pero bakas ang galit sa boses nito.

"Kie-" he cut me off.

"I said, leave me alone!" He yelled at me pero hindi ako natinag. Kusa kong inilapit ang katawan ko at kaagad syang hinalikan.

I was waiting for his response but he didn't move his lips. Tila ba nakipaghalikan ako sa patay dahil wala manlang itong tugon sa halik ko.

Inilayo kona lamang ang sarili ko at napayuko dahil sa hiya.

"I'm tired Luna." Malamig nitong sambit bago ako iniwan kaya parang t*nga na lamang akong natawa sa sarili.

#Hatake_Simp

Shattered Where stories live. Discover now