16

465 17 0
                                    

Izuna's PoV

"Mama!" Kaagad kong niyakap ang anak ko pagpasok ko ng bahay.

"How's my baby?" I kissed her in her forehead.

"Honey," tawag ko sa asawa ko kaya napatingin ito sa akin.

Lucius gave me a sweet smile and i immediately walked towards him and kissed him.

"How's your day?" I asked him while he's hugging me.

"I'm exhausted. But i think i am fine now because I'm hugging my beautiful wife." He answered with his deep voice. Natawa nalang ako at tiningnan sya sa mga mata.

"Kumain naba kayo?" Tanong ko ulit at umiling-iling ito bilang sagot kaya kaagad kaming naglakad papuntang mesa habang karga-karga nito si Ivory.

Inilapag naman ng mga katulong ang pagkain sa mesa at kinuha ko muna si Ivory kay Lucius dahil biglang tumunog ang cellphone nito.

Nakita ko pa ang reaksyon ng mukha nito habang kinakausap ang kung sino sa kabilang linya.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil alam kong tungkol nanaman sa trabaho ang pinag-usapan nila.

Ilang sandali pa, habang nagpapakain ako kay Ivory ay lumapit sa akin si Lucius.

"Ahm..." Nakita ko na napalunok ito at umiwas ng tingin.

"You need to go, right?" Inunahan kona dahil alam ko na 'yun din naman ang sasabihin nito.

"I'm sorry. There's an emergency and i really need to go." He said i just gave him a smile.

"Mag-ingat ka." Sabi ko at ngumiti din ito sa akin at humalik bago tuluyang umalis.

Yes, inaamin ko minsan sumasama talaga ang loob ko dahil mas marami pa itong oras sa kompanya nya kesa sa amin ng anak nya.

But i understand. At nakikita ko naman na ibinibigay nya ang best nya para lang mapunan ang pagkululang nya samin eh.

Pagkatapos kong pakainin si Ivory ay ako naman ang sunod na kumain. Pagkatapos ay pinatulog kona ang anak namin habang ako naman ay hinihintay na umuwi ang asawa ko.

Hindi kasi ako makatulog kapag wala pa ito sa bahay.

10:47 na ng gabi pero wala parin ito. Umupo muna ako sa terrace para magpahangin at may biglang pumasok sa isipan ko.

Pumasok ako ng kwarto namin ni Lucius at kinuha ang isang maliit na litrato sa cabinet ko.

I saw this picture in his drawer and until now i am curious if who's this woman.

Tiningnan ko ulit ang babae na nasa larawan at hindi ko mapigilang isipin na halos magkamukha kami.

Kuhang-kuha nito ang mga mata ko at labi.

"Who is she?" Tanong ko sa sarili ko dahil tila ba may kung ano akong nararamdaman na hindi ko maintindihan sa tuwing tinititigan ko ang babae.

I tried to ask Lucius about her before pero kaibigan lang daw nya ito nuon. Hindi na din ako nag tanong pa ulit dahil alam kong hindi sinungaling ang asawa ko.

Bumuntong hininga na lamang ako at umupo sa kama. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit habang pinipilit ko ang sarili ko na alalahanin ang lahat nuon.

Kailangan kong malaman kung sino ba talaga ako nuon. I need to remember anything because i feel so empty.

Pakiramdam ko kasi may mga importanteng bagay ako na nakalimutan.

Lucius told me that my parents are already dead and he was the one who took care of me. But I don't know why i feel that there is something wrong.

It seems like there is a certain person that i need to remember...

Napailing nalang ako dahil wala din naman akong makukuha kapag patuloy kong pinilit na bumalik ang mga ala-ala ko.

Sinabi na mismo ng doctor sa akin na maliit nalang daw ang chance na bumalik pa ang mga memories ko.

But there is still hope inside of me.

"Honey," napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa nun ang asawa ko.

"Hon!" Kaagad akong tumayo at pasimpleng tinago ang litrato na kanina ko pa tinitignan.

"Mabuti't nakauwi kana." Sabi ko at kaagad syang niyakap.

"I need to tell you something." He said with a serious look.

"Yes? What is it?" Usisa ko.

"I need to go to Philippines next week." Deretso nitong sagot kaya kumunot ang nuo ko.

"Why?"

"It's a business matter, honey. I hope you'll understand." He said as he hold my hand.

"Sure." Sagot ko naman at saka sya nginitian.

"Pero syempre sasama kami ni Ivory." Dugtong ko na nakapagpabago ng ekspresyon nya.

"My friends visited that country and they said it was really nice there. Gusto ko din pumunta dun honey." Sabi ko pa at hindi ko maipaliwanag ang naging reaksyon nito.

"No. You'll stay here." Maotoridad nitong sagot kaya nagtaka ako.

"W-why?" Usisa ko.

"You can go anywhere you want but not in that place." Saad pa nito na mas lalo kong ipinagtaka.

"Honey? Bakit? Is there something wrong?" Hindi ko mapigilang magtanong.

"May dapat ba akong katakutan sa lugar na 'yun? Tell me." Tanong ko ulit at biglang humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Sundin mo nalang ang sinasabi ko. That's for your own good." Sagot nito kaya hindi ko napigilang sumama ang loob.

Mangiyak-ngiyak kong binitawan ang kamay nya at saka tumalikod.

"F-fine. Ikaw naman palagi ang nasusunod eh." Sabi ko at padabog na humiga sa kama.

Nagtago ako sa kumot dahil alam kong tutulo na ang luha ko.

"Tsk, here we go again. You're being so childish." Rinig kong sabi nito kaya mas lalong sumama ang loob ko at hindi kona ngang napigilan ang maiyak.

"C-childish ka d'yan...." Umiiyak kong bulong at nagulat nalang ako ng may naramdaman akong umibabaw sa akin at mahigpit akong niyakap.

"Shhh. Stop crying." He whispered.

"U-umalis ka... H-hindi ako makahinga!" Reklamo ko kaya kaagad itong umalis at humiga sa tabi ko.

"Fine. Sasama kayo sa akin." Lumiwanag ang mukha ko sa narinig kaya tiningnan ko ito.

Seryoso lang itong nakatingin sa akin habang suot ang puting polo.

"Talaga?" Tanong ko at tumango-tango naman ito.

Kaagad ko itong niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Thank you! Hehehe." Sabi ko at narinig ko lang itong bumuntong hininga.

"I need to take a shower first." Sabi nito at saka bumangon.

Ako naman ay nakaramdam ng kakaibang excitement. I don't know what's really special in that place pero may kung ano kasing tumutulak sa akin na pumunta dun.

#Hatake_simp

Note: sorry for my short and late update ಥ‿ಥ

Shattered Kde žijí příběhy. Začni objevovat