28

258 11 0
                                    

Luna's PoV

Pain, sadness, Anger. I couldn't explain what i feel right now. Tila ba pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa pangyayari sa buhay ko.

Gusto kong sumigaw at umiyak ng umiyak. I was fooled by someone who i trusted for years.

Napasandal ako sa pader ng gate ng bahay namin habang nanginginig ang tuhod. Hindi ko alam kung dahil ba basang-basa ako ng ulan o dahil nagpupuyos ako sa galit kaya ako nanginginig.

I gathered all of my remaining strength and started to walk inside of the house. Pagpasok na pagpasok ko ay kaagad na bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Lucius.

Biglang na blanko ang utak ko pero ramdam na ramdam ko parin ang galit sa kaloob-looban ko. Gusto ko syang sumbatan, sampalin at kastiguhin.

Pero bago ko pa magawa 'yun ay nakita ko nalang ang sarili kong nakakulong sa bisig nya.

He was hugging me so tight.

"What happened? Bakit basang-basa ka? And why you look so——" hindi kona sya pinatapos dahil buong lakas kona syang itinulak dahilan para mapabitaw ito sa pagkakayakap sa akin.

He was looking at me anxiously.

"L-layuan mo a-ako..." Tanging mga salitang lumabas sa labi ko bago nagsipatakan ang mga luha ko.

Patakbo kong inakyat ang hagdan para pumunta sana sa kwarto at kunin ang mga gamit ko para lumayas dahil diring-diri ako kapag nakikita ang pagmumukha ng g*gong Lucius na 'yun.

Ngunit hindi pa ako nakakapasok ng kwarto namin ng bigla nyang hablotin ang bewang ko. Buong lakas naman akong nagpumiglas kaya nabitawan nya ako.

"Izuna, honey? What's wrong?" Usisa nito at puno'ng-puno ng takot at pagtataka ang mga mata nya.

"Izuna?" Natawa ako ng pagak.

"Ang kapal din ng pagmumukha mong tawagin ako sa pangalan ng ate ko eh no?!" Inis kong bolyaw kay natigilan ito.

"W-what are you talki——" i cut him off.

"Wag kanang mag maang-maangan pa Lucius! I already know everything! Naaalala kona ang lahat!" I shouted in front of him while i couldn't stop my tears.

"Lucius, niloko mo ako! Hindi ko alam kung ano'ng kasalan ko sa'yo para lokohin mo 'ko ng ganito!" Sabi ko habang pinaghahampas ang kanyang dibdib.

"Why? Ano'ng kasalanan ko sa'yo?!" Sabi ko pa habang patuloy na umiiyak.

Hinawakan nya ang dalawa kong braso para pigilan ang paghahampas ko sa dibdib nya.

He looked directly into my eyes and i couldn't tell exactly what he is thinking.

"Izuna, my wife.... I can see her in you..." He said that made me stunned.

A drop of tears suddenly escaped from his eyes.

"I love you, I love you so much." He said but i know, those words is not for me. It's for my sister and i can see through his eyes how he is longing for my older sister.

"You need to wakeup to reality, Lucius! Hindi ako ang asawa mo! I am not Izuna!" I shouted to him.

Umayos ito ng tayo at saka ako binitawan. Bumuntong hininga ito at saka umiwas ng tingin na tila ba pinipigilan nitong umiyak.

"Tell me, are you gonna leave me again?" Tanong nito at napakagat labi.

"Yes! I am living! At wala kang karapatang pigilan ako!" Sagot ko at akmang tatalikod na ng bigla itong lumuhod sa harapan ko.

"You promised me right? Nangako ka na kahit ano'ng mangyari, hindi mo ko iiwan. You promised that you'll stay!" He said.

"Baliw ka Lucius! Pinaniwala mo ko sa isang kasinungalingan! Pinaniwala mo ko na ako si Izuna, ang asawa mo! And i couldn't find any reason to stay here. Let's stop this bullsh*t!" Sambit ko at bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Si Ivory... Paano si Ivory? Iiwan mo nalang ba sya?" Natigilan ako sa sinabi nya.

"I'm sure Ivory will understand it in the future. And besides, anak parin ang turing ko sa pamangkin ko kahit ano man ang mangyari. Pero ayokong manatili sa puder mo! Manloloko!!" I shouted and immediately walked away but before i enter our room, i heard a noice.

Tila ba may kung ano'ng nahulog sa hagdan kaya dali-dali akong napalingon at ganuon din si Lucius.

"Ivory!" Sigaw ng katulong kaya biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

I was so stunned to speak when i realized what happened.

Nakahilata ngayon si Ivory at naliligo sa sariling dugo. Hindi ako nakagalaw hanggang sa nakita ko nalang na binuhat ni Lucius ang anak at kaagad na lumabas.

Nanginginig man ang tuhod ay kaagad akong sumunod.

"I-ivory..." Halos pabulong kong sambit sa pangalan nito habang nakasunod sa likuran ni Lucius na karga-karga ang walang malay na bata.

Parang bumilis ang takbo ng oras at nakita ko nalang ang sarili kong naka-upo sa gilid ng Emergency Room habang tulala si Lucius na nakatunganga sa pinto.

I couldn't help but to cry. I am so worried. Hindi ko alam kung papaano papakalmahin ang sarili ko. Tanging pag-iyak na lamang ang nagawa ko habang nananalangin na sana walang mangyaring masama sa anak ng kapatid ko.

Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang doktor kaya kaagad akong napatayo at saka lumapit dito.

"How's my daughter?" Namamaos na tanong ni Lucius.

"I am so sorry sir, we did our very best to save her life but——" hindi na natapos ang sasabihin ng doktor ng bigla itong kwelyohan ni Lucius.

"Don't you dare to say that you a$$hole!" Bakas ang galit sa boses ni Lucius.

"Sir, komplekado ang naging lagay ng bata dahil sa malakas na pagkakahampas ng ulo nito sa matigas na bagay. And i am sorry for your loss." Wika ng doktor at duon na ako napahagulgol.

"T-that's not true...." Tila nawalan ng lakas si Lucius at napabitaw sa doktor hanggang sa napaluhod nalang ito sa sahig.

Parang pinipiga ang puso ko sa pangyayari at ilang beses ko din pinalangin na sana panaginip lang ang lahat. Na sana hindi totoong wala na ang pamangkin ko.

Hindi ko din mapigilang sisihin ang sarili ko dahil masyado akong nagpadala sa emosyon ko at hindi manlang napansin na umakyat pala sya ng hagdan at aksidenteng nahulog.

I'm sorry ate Izuna. I am not able to protect your little angel. I am so sorry.

#Hatake_simp

Shattered Where stories live. Discover now