25

254 9 0
                                    

Izuna's PoV

"Of course. You're my wife after all."

Literal na nahulog ang panga ko sa sinabi nito.

Hinintay ko pa na sabihin nito na nag bibiro lang sya pero wala akong makitang senyales na nag bibiro lang ito.

"E-excuse me?" I said and pretended that i misheard it.

"Sumama ka sa'kin." Tipid nitong sambit at naunang nag lakad kaya sumunod naman ako.

"Hina, aalis ako. Iiwan ko muna ang clinic sa'yo." Paalam nito at bakas ang labis na pagtataka sa mukha ni Hinata habang nakasunod lang ako sa likuran nung Ezekiel.

Pagdating namin sa harap ng kotse nya ay kaagad nya akong pinagbuksan ng pinto.

"Wait? Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang seryoso lamang itong nakatitig sa akin.

"You'll know it later." Sagot nito.

Hindi ko alam kung bakit ni kunting pangaba eh wala akong maramdaman kahit hindi ko naman kilala ang lalaking 'to. Kaya sinunod kona lamang ang kagustuhan kong sumama sa kanya.

Nag-umpisa na itong mag drive papunta sa kung saan.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Hindi ko napigilang mag tanong ulit.

"Do you trust me?" Tanong nito pabalik at napalunok ako.

"Answer me," saad pa nito kaya napabuntong hininga ako.

"Yes? Maybe?" Naguguluhan kong sagot at namagitan ulit ang katahimikan sa aming dalawa.

Hanggang sa makalipas ang ilang minuto at tumigil kami sa tapat ng isang bahay.

Magtatanong na sana ako kung nasaan kami pero kaagad na syang lumabas ng kotse kaya sumunod na din ako.

Lumapit ako sa kanya at kaagad na nag salita.

"Bahay mo? Ano'ng ginagawa natin dito?" Usisa ko pero bago paman sya makasagot ay may narinig kaming boses.

"Kuya!" Isang batang babae ang lumabas sa pinto ng bahay at patakbong lumapit sa kanya.

"Nay! Tay! Si kuya at kasama nya si ate Luna!" Isang batang lalaki naman ang sumigaw habang masayang nakadungaw sa pinto.

"Ate Luna!" I was surprised when the girl suddenly hugged me.

And she just called me 'Luna'

"Ate Luna!"

"Luna hija!"

And everyone is calling me Luna. Napakunot ang nuo ko ng mapagtanto na pamilyar ang mukha nila pero hindi ko matandaan kung saan ko sila nakita o ang mga pangalan nila.

Awkward akong napangiti at akmang magsasalita na nang bigla akong niyakap ng dalawang matanda.

"Sobrang tagal ka naming hindi nakita hija," sambit ng matandang babae at hinalikan pa ako sa pisngi.

"Saan kaba nanggaling at wala manlang kaming balita sa'yo Luna anak?" Tanong naman ng matandang lalaki.

"I'm sorry pero hindi po ako si Luna. I'm Izuna." Pagpapaliwanag ko kaya kumunot ang nuo nila.

"Let's talk inside." Biglang sambit ni Ezekiel at naunang naglakad.

Sumunod naman kami habang hawak-hawak ng dalawang bata ang kamay ko.

Hindi ko alam pero kitang-kita ko ang labis na kasiyahan sa mga mata nila.

"Namiss kapo namin ate Luna!" Sambit nung batang lalaki at tanging ngiti lamang ang naisagot ko.

Pagpasok namin ay umupo kami sa sofa. Tumabi sa akin nag dalawang bata habang nasa kabilang sofa naman si Ezekiel na nasa harapan ko at katabi nya ang dalawang matanda na bakas ang labis na pagtataka habang nakatitig sa akin.

"Sabihin mo nga sa amin Ezekiel. Ano'ng ginawa mo kay Luna? Bakit sya nag kakaganyan?" Tanong nung matandang lalaki kay Ezekiel.

"Na aksidente sya Tay." Sagot nito na ikinagulat nilang lahat.

"Kasalukuyan syang may amnesia kaya wala syang maalala." Saad pa nito.

"Luna.... Hija..." Napahawak sa kanyang dibdib ang matandang babae at mangiyak-ngiyak na napatitig sa akin.

Tumayo si Ezekiel at saka namulsa.

"Nay, Tay. I want to talk to her first." Sambit nito kaya tumayo naman ang dalawang matanda.

"Caleb, Clarabelle. Halika muna kayo dito." Tawag nila sa dalawang bata at umalis kaya kaming dalawa nalang ang naiwan ngayon dito.

Umupo ito sa tabi ko at nagulat ako ng bigla nitong hawakan ang kamay ko.

"They are my family." Sambit nito habang nakatitig sa kamay ko.

"Ah-eh... Yeah i obviously noticed that." I awkwardly answered.

"Years ago, my mother was confined because of cancer. Kailangan nyang maoperahan kaagad ng mga panahong 'yun at dahil mahirap lang kami, wala kaming kakayahan na paoperahan sya. And because we were best friends before, i seek for your help. Humingi ako ng tulong mo maoperahan lang ang nanay ko and to save her." Kwento nito at tumingin ito sa mga mata ko.

"Luna, pumayag kang tulungan akong maoperahan ang nanay ko. But in one condition. Magpapakasal tayong dalawa." I was surprised from what he said kaya kaagad akong napatayo.

"You're just kidding right?" Sabi ko sa pag-aakalang nag bibiro lang talaga ito pero bigla nya akong hinatak papalapit sa kanya kaya napasubsub ako sa matipuno nyang dibidb.

"Listen, you need to know about this. Pinilit mo kong magpakasal sa'yo kapalit ang pagpapagamot sa nanay ko even though ikakasal na dapat ako sa ibang babae." He stated kaya malakas ko syang naitulak papalayo sa akin kaya tumayo ako at inayos ang sarili ko.

"Isa itong kabaliwan. Hindi ako ganun ka disperada. At bakit naman kita pipilitin na pakasalan ako? I don't even love you!" Inis kong sigaw at ganuon nalang ang gulat ko ng lumitaw ang tila kakaibang emosyon sa kanyang nga mata.

Tila ba nakikita ko ang sakit at pighati na nararamdaman nya sa pamamagitan ng pagtitig sa kanyang mga mata.

"I-i love my husband... I love Lucius! Isang malaking kasinungalingan ang mga pinagsasabi mo. Y-you're just probably taking advantage of my condition." Wika ko at akmang tatalikod na ng bigla nya akong hilahin at sa isang iglap naramdaman ko nalang ang mahigpit nyang pagyakap sa akin.

"I thought marrying you was the biggest mistake in my life. But believe me, nabulag ako ng mga panahong 'yun Luna. I thought si Charlene ang mahal ko, i really thought i chose the right path. I am so sorry. Patawarin mo ko sa mga nagawa ko." He said and his voice is full of emotion.

"For those years na nawala ka, i felt so depressed. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin, ni wala akong balita sa'yo. I tried everything just to find you pero wala... I was so powerless." Saad pa nito bago kumalas sa pagkakayakap sa akin.

He looked directly into my eyes before saying the words that made me feel uneasy.

"I am sorry for not letting you know that i love you so much, Luna. You're the most important person in my life. At ayokong mawala kapa ulit sa'kin. Please come back."

#Hatake_Simp

A/N: it's been so long guuuiiizzz! Sorry for my very late update. Kakatapos lang ng exam ko ಥ‿ಥ thank you so much sa patuloy na nag hihintay ng update ko ♡

Shattered Where stories live. Discover now