18

444 19 4
                                    

Ezekiel's PoV

"Sir, dito ko nalang po ilalagay yung mga files." Tumango lamang ako bilang sagot sa assistant ko habang ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Marami akong naging pasente at ramdam ko narin ang pagod at antok pero gusto ko munang tapusin ang mga files na chinicheck ko.

"You don't need to push yourself bro." Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Lance.

Hindi ko lang ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.

"Paano ka makakadale ng chicks nyang kung palagi kang haggard sa trabaho." He added.

"Hindi ko kailangan n'yan. I need to prioritize my work." I answered.

"Tsk, hindi lang naman ikaw ang doctor dito eh. Hindi naman siguro masama kung bibigyan mo ng oras ang sarili mo 'di ba?" Sabi pa nito habang nakasandal sa pader.

"At bakit kaba nag titiis sa cheap na clinic na 'to? Hindi hamak na mas malaki ang sahod mo nuon sa ospital na pagmamay-ari ni Luna diba?" Natigilan ako sa sinabi nito.

I felt so uneasy even just hearing her name.

"Ops! Sorry bro. I forgot, hindi kapa pala nakapagmove-on." He stated while laughing.

Nakaramdam ako ng inis dahil sa ipinapakita ni Lance. Mukhang natatawa pa talaga ito sa mga nangyayari.

Kung alam nya lang ang pinagdadaanan ko. Kung alam nya lang ang sakit at lungkot na nararamdaman ko.

"Bakit hindi ka nalang bumalik ng ospital bro?" Suhestyon nito.

"For what?" Natawa ako ng pagak.

"Syempre mas malaki ang pera dun." Sagot nito kaya napailing ako.

"I don't need money." Simpleng sagot ko.

Yes, i don't need money. Besides, kung babalik man ako sa ospital na 'yun, wala na din namang kwenta. Hindi na si Luna ang may ari nun. Matagal ng nakapangalan bilang owner si Lucius Vergara ng Light Medical Hospital. I don't know why but it just happened when she left. Maybe, she gave the company to her sister's husband?

Napabuntong hininga na lamang ako.

"There will be a fireworks display this night bro. Do you want to go?" He asked.

"Kailangan ko munang tapusin 'to--" he cut me off.

"Ang trabaho makakapaghintay 'yan. It's December bro. Kailangan mo din mag enjoy kahit isang beses lang sa isang taon." Sabi nito at akmang tatanggi na ako pero kinuha nya ang hawak kong ballpen at ganuon din ang mga papeles sa harapan ko.

"Let's go. Kumain na rin ta'yo. Kanina pa ako gutom eh." Sabi nito at naunang lumabas.

Wala na din naman akong nagawa kaya nagpasya na lang akong sumunod.

It's been three years since that day. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang syang nawala na parang bula. Malamang sa malamang may ginawa ang Lucius na 'yun sa kanya.

I am just hoping that she's safe. Sana gumaling nga sya. Sana maayos ang kalagayan nya kung nasaan man sya ngayon. At sana...... Bumalik na sya.

Hindi kona alam kung paano ko gagamotin ang labis na pangungulilang nararamdaman ko.

I did everything just to find her. Pero wala eh. Kahit na si Manang Linda hindi alam kung nasaan ang asawa ko.

"Bro, sino yung chicks na nasa clinic mo?" Napatingin ako kay Lance.

"Nothing. She's my assistant." I answered.

"What's her name?" He asked again.

"Hina." Tipid kong sagot.

Shattered Where stories live. Discover now